Sumasampalataya
(Apostle’s Creed)
- Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na Lumalang ng langit at ng lupa;
- At kay Jesu Cristo, na bugtong na Anak Niya, at ating Panginoon;
- Siyang ipinaglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, at ipinanganak ni Birheng Maria;
- Nagdusa sa ilalim ng paglilitis ni Poncio Pilato; ipinako sa krus, namatay, at inilibing; Siya’y bumaba sa impiyerno;
- Sa ikatlong araw Siya ay nabuhay na muli mula sa mga patay;
- Umakyat Siya sa langit, at naluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat;
- Mula roon Siya ay paparito upang hukuman ang mga buhay at mga patay.
- Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo.
- Sumasampalataya ako sa banal na iglesiang pangkalahatan; sa kapulungan ng mga banal;
- Sa kapatawaran ng mga kasalanan;
- Sa muling pagkabuhay ng katawan;
- At sa buhay na walang hanggan. AMEN.
Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito.