-
- Ang sinomang maliligtas, bago ang lahat, ay kinakailangang sampalatayanan niya ang pananampalatayang katolika.
- Na pananampalatayang malibang panghawakan ng bawat isa nang buo at walang karumihan, ay walang alinlangang mapapahamak nang walang hanggan.
- At ang pananampalatayang katolika ay ito: na ating sambahin ang isang Diyos sa Trinidad, at ang Trinidad sa Pagkaisa;
- Ni hindi pinag-iisa ang mga Persona o pinaghihiwa-hiwalay ang kalikasan.
- Sapagkat mayroong isang Persona ng Ama, isa ng Anak, at isa pa ng Espiritu Santo.
- Ngunit ang pagka-Diyos ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo ay iisa lahat, ang kaluwalhatian ay pantay, at ang kamahalan ay magkakasingwalang hanggan.
- Kung paano ang Ama, gayon din ang Anak, at gayon din ang Espiritu Santo.
- Ang Ama ay hindi nilikha, Ang Anak ay hindi nilikha, at ang Espiritu Santo ay hindi nilikha.
- Ang Ama ay walang hangganan ang Anak ay walang hangganan, at ang Espiritu Santo ay walang hangganan.
- Ang Ama ay eternal, ang Anak ay eternal, at ang Espiritu Santo ay eternal.
- Gayon ma’y, hindi Sila mga tatlong eternal, kundi isang eternal.
- Tulad din naman na hindi tatlo ang hindi nilikha, o kaya’y tatlong walang hangganan, kundi isang hindi nilikha at isang walang hangganan.
- Kaya gayon din ang Ama ay makapangyarihan sa lahat, ang Anak ay makapangyarihan sa lahat, at ang Espiritu Santo ay makapangyarihan sa lahat.
- Gayon man, Silaay hindi tatlong makapangyarihan sa lahat, kundi isang makapangyarihan sa lahat.
- Kaya ang Ama ay Diyos, ang Anak ay Diyos, at ang Espiritu Santo ay Diyos.
- Gayon man, Sila ay hindi tatlong Diyos, kundi isang Diyos.
- Kaya gayon din ang Ama ay Panginoon, ang Anak ay Panginoon, at ang Espiritu Santo ay Panginoon:
- Gayon man, Sila ay hindi tatlong Panginoon kundi isang Panginoon.
- Kung paano na tayo ay pinipilit, ng katotohanang Cristiano, na kilalanin ang bawat Persona sa Kanyang sarili na Diyos at Panginoon,
- Gayon din, tayo ay pinagbabawalan ng pananampalatayang katolika na sabihing May tatlong Diyos o may tatlong Panginoon.
- Ang Ama ay hindi ginawa mula sa anuman, hindi nilikha o isinilang man.
- Ang Anak ay mula sa Ama lamang; hindi ginawa o nilikha, kundi ipinanganak.
- Ang Espiritu Santo ay mula sa Ama at sa Anak: hindi ginawa o nilikha, hindi isinilang kundi ihinihinga.
- Kaya mayroong isang Ama, hindi tatlong Ama; isang Anak, hindi tatlong Anak; isang Espiritu Santo, hindi tatlong Espiritu Santo.
- At sa Trinidad na ito ay walang nauuna o nahuhuli; walang nakahihigit o nakakababa.
- Kundi ang buong tatlong Persona ay magkakasamang eternal at magkakapantay.
- Kaya sa lahat ng bagay tulad ng nabanggit, na ang Pagkaisa sa Trinidad at ang Trinidad sa Pagkaisa, ay dapat sambahin.
- Sa makatuwid, siya na maliligtas ay dapat paniwalaan nang gayon ang Trinidad.
- Higit pa rito, kinakailangan para sa walang hanggang kaligtasan, na matapat din niyang sampalatayanan ang pagkakatawang-tao ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
- Sapagkat ang tunay na pananampalataya ay ang sampalatayanan at ipahayag na ang ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos, ay Diyos at Tao.
- Diyos, na kaisang kalikasan ng Ama bugtong na Anak bago pa ang mga sanlibutan; at tao na kaisang kalikasan ng Kanyang ina, na ipinanganak sa sanlibutan.
- Ganap na Diyos at ganap na tao na may kaluluwang may pag-iisip at laman ng tao na pinagsama.
- Kapantay ng Ama tungkol sa Kanyang pagka-Diyos, at nakakababa sa Ama tungkol sa Kanyang pagkatao.
- Na bagamang Siya ay Diyos at tao, gayon ma’y hindi Siya dalawa, kundi isang Cristo.
- Isa, hindi sa pamamagitan ng pagbabago ng pagka-Diyos upang maging laman, kundi ang pagdadala ng pagkatao sa pagka-Diyos.
- Iisang lahat, hindi sa pagkakahalo ng kalikasan, kundi sa pagkakaisa sa Persona.
- Sapagkat kung paanong may pag-iisip na kaluluwa at laman ay isang tao, gayon din ang Diyos at tao ay isang Cristo;
- Na nagdusa para sa ating kaligtasan, bumaba sa impiyerno, sa ikatlong araw ay nabuhay Siyang muli mula sa mga patay.
- Siya’y umakyat sa langit, at nakaluklok sa kanan ng Amang makapangyarihan sa lahat;
- Mula roon ay paparito Siyang muli upang hukuman ang mga buhay at mga patay.
- Sa Kaniyang pagparito ang lahat ng tao ay muling ibabangon sa kanilang mga katawan,
- At sa kanilang mga gawa, sila ay magbibigay sulit,
- At silang gumawa ng mabuti ay pasasa buhay na walang hanggan, at silang gumawa ng masama ay pasasa apoy na walang hanggan.
-
- Ito ang pananampalatayang katolika: na malibang tapat at matibay na sampalatayanan ng tao, hindi siya maliligtas.
Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito