Menu Close

Katesismo para sa mga Bata – Beginners 1

LESSON 1

Paglikha

Genesis 1

1. Sino ang lumikha sa iyo?

Ang Diyos.

2. Ilang Diyos mayroon?

Mayroon lamang iisang Diyos.

3. Nilikha ba ng Diyos ang lahat ng bagay?

Oo, sa pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at lupa.

4. Ano ang nilikha ng Diyos sa unang araw?

Ang langit at lupa, at liwanag din.

5. Ano ang nilikha ng Diyos sa ikalawang araw?

Ang kalawakan ng langit.

6. Ano ang nilikha ng Diyos sa ikatlong araw?

Ang tuyong lupa, mga halaman, mga puno, at mga bulaklak.

7. Ano ang nilikha ng Diyos sa ika-apat na araw?

Ang araw, ang buwan at ang mga bituin.

8. Ano ang nilikha ng Diyos sa ikalima at ika-anim na araw?

Ang mga isda at mga ibon, mga hayop at tao.

9. Ano ang ginawa ng Diyos sa ikapitong araw?

Ang Diyos ay nagpahinga at ibinigay sa atin ang Sabbath.

10. Paano natin malalaman ang tungkol sa paglikhang ito?

Ipinapaalam ng Diyos ito sa atin sa Kanyang Salita, ang Biblia.

Memory Project: “Nakita ng Diyos ang lahat ng kanyang nilikha at ito ay napakabuti.” Genesis 1:31


LESSON 2

Si Adan sa Paraiso

Genesis 1, 2

1. Sino ang ating unang mga magulang?

Sina Adan at Eva.

2. Mula saan kinuha si Adan?

Mula sa alikabok ng lupa.

3. Paanong naiiba si Adan sa mga hayop?

Nilikha siya ng Diyos ayon sa Kanyang larawan.

4. Saan tumira sina Adan at Eva?

Sa Paraiso, isang magandang halamanan.

5. Anong kakaibang punongkahoy ang nasa halamanan?

Ang punongkahoy ng buhay.

6. Anong punongkahoy ang ipinagbawal kina Adan at Eva upang kainin?

Ang punongkahoy ng pagkaalam ng mabuti at masama.

7. Ano ang ginawa ni Adan sa Paraiso?

Inalagaan niya ang halaman bilang hari nito.

8. Paano niya ipinakita na siya ay hari?

Pinangalanan niya ang mga hayop.

9. Masaya ba sina Adan at Eva sa Paraiso?

Opo, dahil pinaglingkuran nila ang Diyos nang may pag-ibig.

10. Ano ang nilalarawan ng Paraiso?

Ang langit, na higit na kamangha-mangha.

Memory Project: “O PANGINOON, aming Panginoon, sa buong lupa ay napakadakila ang iyong pangalan.” Awit 8:9


LESSON 3

Ang Pagkahulog ng Tao

Genesis 3

1. Nanatili ba sina Adan at Eva sa Paraiso?

Hindi po, pinaalis sila ng Diyos sa Paraiso.

2. Bakit sila pinaalis sa Paraiso?

Sinuway nila ang Diyos.

3. Paano sinuway nina Adan at Eva ang Diyos?

Kumain sila mula sa punongkahoy ng pagkaalam ng mabuti at masama.

4. Bakit mali ang kumain mula sa punongkahoy na ito?

Dahil sinabihan sila ng Diyos na huwag kumain mula dito.

5. Sino ang tumukso kay Eva na kumain mula sa punongkahoy na iyon?

Si Satanas, isang masama at nahulog na anghel.

6. Paano lumapit si Satanas kay Eva?

Ginamit niya ang ahas upang makipag-usap kay Eva.

7. Nakinig ba si Eva kay Satanas?

Opo, kumain siya mula sa punongkahoy at binigyan din si Adan.

8. Namatay din ba tayo kay Adan?

Opo, lahat tayo ay patay sa kasalanan.

9. Ano ang ipinangako ng Diyos?

Isang Tagapagligtas, upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan.

Memory Project: “Maglalagay ako sa iyo at sa babae ng pagkapoot sa isa’t isa, at sa iyong binhi at sa kanyang binhi. Ito ang dudurog sa iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanyang sakong.” Genesis 3:15


LESSON 4

Pinatay ni Cain si Abel

Genesis 4

1. Pangalanan mo ang dalawang anak nina Adan at Eva.

Cain at Abel.

2. Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol kay Abel?

Si Abel ay nagkaroon ng takot sa Panginoon.

3. Paano ipinakita ni Abel na siya ay may takot sa Panginoon?

Nag-alay siya ng kordero bilang handog sa Diyos.

4. Bakit ito nakakasiya sa Diyos?

Dahil sinampalatayanan ni Abel ang Kordero ng Diyos.

5. Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol kay Cain?

Na si Cain ay masama.

6. Paano ipinakita ni Cain ang kanyang kasamaan?

Naghandog siya sa Diyos ng mga bunga ng lupa.

7. Bakit ito masama?

Ipinakita nito na hindi niya pinagsisisihan ang kanyang mga kasalanan.

8. Paano pa ipinakita ni Cain ang kanyang kasamaan?

Nainggit siya kay Abel at pinatay niya ito.

9. Paano pinarusahan ng Diyos si Cain dahil dito?

Pinaalis siya ng Diyos mula sa kanyang tahanan at pamilya.

10. Nagbigay ba ang Diyos ng anak na kapalit ni Abel?

Opo, si Seth, na nagkaroon din ng takot sa Panginoon.

Memory Project: “Sa pananampalataya si Abel ay nag-alay sa Diyos ng higit na dakilang handog kaysa kay Cain.” Hebreo 11:4


LESSON 5

Ang mga Araw bago ang Baha

Genesis 5

1. Ano ang nalalaman natin tungkol kay Cain pagkatapos niyang patayin si Abel?

Lalo pa siyang nagkasala, at tinuruan din ang kanyang mga anak na magkasala.

2. Ano ang itinayo ni Cain?

Nagtayo siya ng isang lunsod.

3. Ano ang ginawa ng mga masamang anak ni Lamec?

Gumawa sila ng mga bagay na gawa sa bakal at tanso.

4. Ginamit din ba nila ang mga bagay na ito upang magkasala?

Opo, lalo silang naging masama.

5. Ano ang sinasabi sa atin ng Biblia tungkol sa mga anak ni Set?

Nagsama-sama sila upang sumamba sa Diyos.

6. Sinong makadiyos na lalaki ang nabuhay sa panahong ito?

Si Enoc, na lumakad kasama ng Diyos.

7. Ano ang pinagawa ng Diyos kay Enoc?

Inutusan siya ng Diyos na mangaral laban sa masasamang tao.

8. Ano ang sinabi niya sa mga masasamang taong ito?

Na darating ang Diyos upang parusahan sila.

9. Nakinig ba sila kay Enoc?

Hindi po, nais nilang patayin siya.

10. Magagawa ba nilang mapatay si Enoc?

Hindi po, dahil dinala siya ng Diyos patungong langit.

Memory Project: “Lumakad si Enoc na kasama ng Diyos; at hindi na siya natagpuan sapagkat siya’y kinuha ng Diyos.” Genesis 5:24


LESSON 6

Ang Baha

Genesis 6-9

1. Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol kay Noe?

Si Noe ay isa sa mga kakaunting tao na may takot sa Panginoon.

2. Ano ang pinagawa ng Diyos kay Noe?

Gumawa ng isang sasakyang kahoy.

3. Bakit dapat gumawa si Noe ng sasakyang kahoy?

Dahil magpapadala ang Diyos ng baha.

4. Gaano katagal ginawa ni Noe at ng kanyang mga anak ang sasakyang kahoy?

Isangdaan at dalawampung taon.

5. Ano ang ginawa ni Noe habang tinatayo niya ang sasakyang kahoy?

Sinabihan niya ang mga taong masasama na malapit na silang parusahan ng Diyos.

6. Sino ang mga naligtas sa sasakyang kahoy?

Si Noe lamang at ang kanyang pamilya.

7. Ano pa ang naligtas sa sasakyang kahoy?

Mga hayop na inilapit ng Diyos kay Noe.

8. Ano ang nangyari sa masamang mundo?

Lahat sila ay nalipol at namatay sa baha.

9. Ano ang sinisimbulo ng baha?

Ang katapusan ng mundo.

10. Ano ang kahulugan ng tanda ng bahaghari?

Na palaging aalalahanin at ililigtas ng Diyos ang Kanyang bayan.

Memory Project: “Subalit si Noe ay nakatagpo ng biyaya sa paningin ng Panginoon.” Genesis 6:8


LESSON 7

Ang mga Araw Pagkatapos ng Baha

Genesis 11

1. Ibigay mo ang pangalan ng mga anak ni Noe.

Sina Sem, Ham, at Japhet.

2. Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol kay Ham?

Na pinagtawanan ni Ham ang kanyang ama.

3. Ano ang sinabi ni Noe tungkol sa kasalanan ni Ham?

Sinabi niya na susumpain ang magiging anak ni Ham.

4. Ano ang sinabi ni Noe tungkol kay Sem?

Na ang Diyos ay magiging Diyos ni Sem.

5. At ano ang sinabi ni Noe tungkol kay Japhet?

Na makakabahagi siya sa pagpapala kay Sem.

6. Pangalanan mo ang isa sa mga anak ni Ham.

Ang masamang si Nimrod, na dakilang mangangaso.

7. Anong masamang bagay ang ginawa ng mga tao sa panahong ito?

Nagtayo sila ng isang tore.

8. Bakit nagtayo ang mga masamang taong ito ng tore?

Nais nilang magsama-sama.

9. Natapos ba nila ang kanilang tore?

Hindi po, binago ng Diyos ang kanilang salita.

10. Ano ang nangyari sa masasamang taong ito pagkatapos niyon?

Ikinalat sila sa buong kalupaan.

Memory Project: “Iniingatan ng Panginoon ang lahat ng umiibig sa kanya; ngunit lahat ng masama ay lilipulin niya.” Awit 145:20


LESSON 8

Si Job

Ang Aklat ni Job 1, 2, 42

1. Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol kay Job?

Na si Job ay may takot sa Diyos.

2. Pinagpala ba ng Diyos si Job?

Opo, binigyan siya ng Diyos ng sampung anak at maraming alagang hayop.

3. Ano ang nais gawin ng diablo kay Job?

Nais niyang sumpain ni Job ang Diyos.

4. Paano binalak ng diablo na gawin ito?

Sa pamamagitan ng pagkuha sa lahat ng mayroon siya.

5. Binigyan ba ng Diyos ang diablo ng kapangyarihan laban kay Job?

Opo, nawala kay Job lahat ng kanyang kayamanan at mga anak sa isang araw lamang.

6. Lalo pa bang nahirapan si Job?

Opo, nagkasakit siya nang malubha.

7. Tinulungan ba siya ng tatlo niyang kaibigan sa kanyang paghihirap?

Hindi po, lalo pa silang nakadagdag sa kanyang suliranin.

8. Ano ang sinagot sa kanila ni Job?

Sinabi niya, “Nalalaman ko na ang aking Manunubos ay nabubuhay.”

9. Paano tumugon si Job sa mga paghihirap?

Siya ay naging mapagtiis.

10. Pinagpala ba ng Diyos si Job dahil sa kanyang pagtitiis?

Opo, dinoble Niya ang kanyang mga kayamanan, at binigyan siya ng sampung anak.

Memory Project: “Ang Panginoon ang nagbigay at ang Panginoon ang bumawi; purihin ang pangalan ng Panginoon.” Job 1:21


LESSON 9

Nagtungo si Abraham sa Canaan

Genesis 12-15

1. Ano ang pinagawa ng Diyos kay Abraham?

Magtungo sa lupaing ituturo sa kanya ng Diyos.

2. Saan dinala ng Diyos sina Abraham at Sarah?

Sa lupain ng Canaan.

3. Ano ang ipinangako ng Diyos kay Abraham?

Na ibibigay sa kanyang mga anak ang buong lupain.

4. Ano ang nilalarawan ng lupain ng Canaan?

Ang langit.

5. Ano pa ang ipinangako ng Diyos kay Abraham?

Mga anak na singdami ng mga bituin sa langit.

6. Mayroon na ba noong anak sina Abraham at Sarah?

Wala pa po, at sila ay napakatanda na.

7. Bakit nagtungo si Abraham sa Egipto?

Dahil taggutom sa lupain ng Canaan.

8. Nais ba ng Diyos na si Abraham ay magtungo sa Egipto?

Hindi po, ibinalik siya ng Diyos sa Canaan, dahil aalagaan siya doon ng Diyos

9. Paano nalaman ni Abraham na siya ay pagpapalain ng Diyos?

Sinabi ng Diyos, “Huwag kang matakot, Abram; ako ang iyong kalasag, ang iyong gantimpala ay magiging napakadakila.”

10. Natiyak ba ni Abraham na siya ay pagpapalain ng Diyos?

Opo, sumampalataya siya sa Diyos.

Memory Project: “Sapagkat siya’y umaasa sa lunsod na may mga kinasasaligan, na ang nagplano at nagtayo ay ang Diyos.” Hebreo 11:10


LESSON 10

Niligtas si Lot mula sa Sodom

Genesis 13, 19

1. Sino ang sumama kay Abraham patungong Canaan?

Ang kanyang pamangking si Lot, at ang asawa nito.

2. Bakit naghiwalay sina Abraham at Lot?

Dahil walang sapat na damo para sa kanilang mga alagang hayop.

3. Saan pinili ni Lot na manirahan?

Malapit sa masasamang lunsod ng Sodom at Gomorrah.

4. Masaya ba si Lot sa Sodom?

Hindi po, ngunit ang kanyang pamilya ay naging palagay doon.

5. Ano ang sinabi ng Dios kay Abraham tungkol sa Sodom?

Na wawasakin ng Dios ang masamang lunsod na iyon.

6. Nanalangin ba si Abraham para sa Sodom?

Hindi po, idinalangin lamang niya ang may takot sa Diyos na si Lot.

7. Iniligtas ba ng Diyos si Lot?

Opo, dalawang anghel ang nagdala kay Lot at sa kanyang pamilya palabas ng lunsod.

8. Ano ang nangyari sa asawa ni Lot?

Siya ay naging haliging asin.

9. Ano ang nangyari sa mga masasamng lunsod na ito?

Nagpaulan ang Dios mula sa langit ng apoy at asupre sa kanila.

10. Ano ang sinisimbulo ng pagkagunaw ng Sodom at Gomorrah?

Ang katapusan ng mundo.

Memory Project: “Ako’y malapit nang dumating at dala ko ang aking gantimpala, upang gantihan ang bawat isa ayon sa kanyang ginawa.” Apocalipsis 22:12


LESSON 11

 

Si Isaac

Genesis 18, 21, 22

1. Bakit dinalaw ng Panginoon si Abraham?

Upang sabihin sa kanya na si Sarah ay magkakaanak, si Isaac.

2. Bakit tumawa si Sarah nang pangakuan sila ng Diyos ng anak?

Dahil napakatanda na niya.

3. Ano ang isinagot ng Diyos kay Sarah?

“Mayroon bang anumang bagay na napakahirap sa Panginoon?”

4. Sino ang lumait kay Isaac?

Si Ismael, ang anak ni Hagar.

5. Nagalit ba ang Diyos kay Ismael?

Opo, Sinabihan Niya si Abraham na paalisin sina Ismael at Hagar.

6. Paano naligtas ang buhay ni Ismael?

Gumawa ang Diyos ng balon ng tubig sa disyerto.

7. Ano ang iniutos ng Diyos kay Abraham na gawin kay Isaac?

Na ihandog si Isaac sa Diyos sa isang dambana.

8. Saan inutusan ng Diyos si Abraham na ihandog si Isaac?

Sa isang malayong bundok.

9. Bakit handa si Abraham na ihandog ang kanyang anak?

Alam niyang bubuhaying muli ng Diyos si Isaac mula sa mga patay.

10. Ano ang ibinigay ng Diyos kapalit ni Isaac?

Isang tupang lalaki na sumabit sa mga tinik.

Memory Project: “Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.” Juan 1:29


LESSON 12

 

Si Jacob

Genesis 24-28

1. Bakit isinugo ni Abraham ang kanyang alipin sa Haran?

Upang maghanap ng asawa para kay Isaac.

2. Bakit siya nagtungo sa Haran upang maghanap ng asawa?

Hindi maaaring mapangasawa ni Isaac ang mga tao ng lupain.

3. Paano naghanap ang alipin ng asawa para kay Isaac?

Dumalangin siya na tulungan siya ng Diyos na hanapin ito.

4. Sino ang napangasawa ni Isaac?

Si Rebekah.

5. Ilan ang naging anak nina Isaac at Rebekah?

Binigyan sila ng Diyos ng kambal, sina Jacob and Esau.

6. Ano ang sinabi ng Diyos kay Rebekah bago pa ipanganak ang mga batang ito?

Na inibig Niya si Jacob, at kinapootan si Esau.

7. Paano ipinakita ni Esau na siya ay masama?

Ipinagbili niya ang kanyang pagkapanganay kapalit ang nilaga.

8. Naging tapat ba si Jacob sa paghahangad niya ng pagpapala?

Hindi po, nagsinungaling siya sa kanyang ama.

9. Paano nagsinungaling si Jacob sa kanyang ama?

Nagpanggap siya na siya si Esau.

10. Ano ang nangyari nang balakin ni Esau na patayin si Jacob?

Tumakas si Jacob patungo sa kanyang tiyo na si Laban.

Memory Project: “Sa pananampalataya, binasbasan ni Isaac sina Jacob at Esau tungkol sa mga bagay na mangyayari.” Hebreo 11:20


LESSON 13

 

Si Jacob sa Haran

Genesis 28-33

1. Ano ang nangyari kay Jacob habang patungo siya sa Haran?

Nagpakita ang Panginoon sa kanya sa isang panaginip.

2. Ano ang ipinangako ng Panginoon kay Jacob sa isang panaginip?

Na sasamahan at pagpapalain siya ng Diyos.

3. Gaano katagal namalagi si Jacob kay Laban sa Haran?

Dalawampung taon, nagtatrabaho para sa kanyang mga asawa at alagang hayop.

4. Ilan ang asawa ni Jacob?

Dalawa, sina Lea at Raquel.

5. Ilan ang naging anak ni Jacob?

Labindalawang anak na lalaki at isang babae.

6. Naging mabuti ba si Laban kay Jacob?

Hindi po, madalas nitong baguhin ang kanyang sweldo.

7. Paanong nangyari na si Jacob ay yumaman?

Dahil ang Panginoon ay kasama niya.

8. Bakit iniwan ni Jacob si Laban?

Dahil sinabi ng Panginoon na bumalik siya sa Canaan.

9. Ano ang nangyari kay Jacob habang patungo siya sa Canaan?

Nakipagbuno si Jacob sa Diyos.

10. Pinatay ba ni Esau si Jacob nang makita niya itong muli?

Hindi po, pinigilan ng Diyos si Esau na saktan siya.

Memory Project: “Sapagka’t nakita ko ang Diyos sa harapan, at naligtas ang aking buhay.” Genesis 32:30


LESSON 14

 

Si Jose

Genesis 37, 39

1. Sinong anak ang higit na minahal ni Jacob?

Si Jose, ang anak ni Raquel.

2. Paano ipinakita ni Jacob ang kanyang pagmamahal kay Jose?

Binigyan siya ng magandang balabal.

3. Bakit naging paborito ni Jacob si Jose?

Nais niyang ibigay dito ang basbas ng pagkapanganay.

4. Ano ang naramdaman ng mga kapatid tungkol dito?

Nagselos sila kay Jose at nagalit sa kanya.

5. Ano pa ang lalong nagpagalit sa kanila kay Jose?

Dahil nanaginip siya na niyuyukuran siya ng kanyang mga kapatid.

6. Ano ang ginawa ng magkakapatid kay Jose?

Ipinagbili nila ito sa Ehipto.

7. Ano ang kasinungalingan na sinabi ng magkakapatid kay Jacob nang umuwi na sila?

Nagkunwari sila na nilapa ng mabangis na hayop si Jose.

8. Ano ang nangyari kay Jose sa Ehipto?

Naging punong-lingkod siya ni Potipar.

9. Ano ang ginawa ni Potipar kay Jose?

Pinakulong niya si Jose.

10. May ginawa bang masama si Jose?

Wala po, nagsinungaling ang asawa ni Potipar tungkol sa kanya.

Memory Project: “Ang mga kamay ng kanyang bisig ay pinalakas ng mga kamay ng Makapangyarihan ng Jacob.” Genesis 49:24


LESSON 15

 

Si Jose bilang Pinuno ng Ehipto

Genesis 40-50

1. Paano ipinakita ng Diyos na sinamahan Niya si Jose sa bilangguan?

Natuwa ang bantay ng bilangguan kay Jose.

2. Sino ang mga nabilanggo kasama ni Jose?

Ang katiwala at ang panadero ng hari.

3. Bakit kapwa nalungkot ang katiwala at panadero isang araw?

Binigyan sila ng Diyos ng kani-kanyang panaginip.

4. At ano ang nangyayari nang mag-alala sila dahil sa kanilang mga panaginip?

Ipinakita ng Diyos kay Jose ang kahulugan ng mga panaginip.

5. Sino pa ang binigyan ng Diyos ng panaginip?

Kay Faraon, ang hari ng Ehipto.

6. Sino ang nagpaliwanag sa mga panaginip ng hari?

Si Jose, na pinalaya upang gawin ito.

7. Paano ginantimpalaan ni Faraon si Jose?

Ginawa siyang pinuno ng lupain.

8. Sino ang nagtungo kay Jose?

Ang kanyang mga kapatid upang bumili ng pagkain.

9. Nakilala ba nila si Jose?

Hindi po, hanggang ipagtapat niya sa kanila kung sino siya.

10. Nagalak ba si Jacob nang malaman niyang buhay pa ang kanyang anak?

Opo, siya at ang kanyang mga anak ay nanirahan sa Ehipto.

Memory Project: “Kayo’y nagnasa ng masama laban sa akin, ngunit inilagay ng Diyos para sa kabutihan.” Genesis 50:20


LESSON 16

 

Si Moises

Exodo 2-4

1. Naging masaya ba ang bayan ng Israel sa Ehipto?

Hindi po, isang malupit na hari ang lumitaw at pinahirapan sila.

2. Ano ang iniutos ng hari sa mga Israelita?

Itapon ang kanilang mga lalaking sanggol sa ilog.

3. Sino ang ipinanganak sa panahong ito?

Isang magandang bata na ang pangalan ay Moises.

4. Itinapon ba siya ng kanyang ama at ina sa ilog?

Hindi po, gumawa sila ng basket at pinalutang ito sa ilog.

5. Bakit pinalutang ng mga magulang ni Moises ang basket sa ilog?

Para matagpuan siya ng anak na babae ng hari.

6. Inalagaan ba ng anak ng hari si Moises?

Opo, hanggang sa siya ay lumaki

7. Si Moises ba ay naging anak niya?

Hindi po, nais niyang tulungan ang bayan ng Diyos.

8. Paano sinubukang tulungan ni Moises ang bayan ng Diyos?

Pumatay siya ng isang Ehipsyo, at tumakas patungo sa Midian.

9. Sino ang nagpakita kay Moises sa Midian?

Nagpakita sa kanya ang Diyos sa isang nag-aapoy na puno.

10. Bakit pinababalik siya ng Diyos sa Ehipto?

Upang palayain ang Israel mula sa lupain.

Memory Project: “Sa pananampalataya, nang nasa hustong gulang na si Moises ay tumangging siya’y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon.” Hebreo 11:24


LESSON 17

 

Ang Paglaya ng Israel

Exodo 5-15

1. Ano ang sinabi ni Moises kay haring Faraon?

“Sinasabi ng Diyos ng Israel, Palayain mo ang bayan Ko.”

2. Ano ang ginawa ni Faraon nang marinig niya ang utos ng Diyos?

Lalo pang pinahirapan ni Faraon ang trabaho ng mga tao.

3. Ano ang pinadala ng Diyos sa Ehipto?

Sampung dakilang salot.

4. Dumating din ba ang lahat ng salot sa Israel?

Hindi po, ipinakita ng Diyos na iniingatan Niya ang Kanyang bayan.

5. Ano ang ginagawa ng mga Israelita nang dumating ang ikasampung salot?

Kumakain sila sa pista ng Paskuwa.

6. Ano ang huling salot?

Lahat ng panganay na lalaki ng Ehipto ay mamamatay.

7. Natuwa ba ang mga Ehipsyo nang umalis ang Israel?

Opo, binigyan pa nila sila ng regalo.

8. Mapayapa bang pinakawalan ni Faraon ang Israel?

Hindi po, hinabol niya sila ng kanyang hukbo.

9. Niligtas ba ng Diyos ang Israel mula sa masamang hari?

Opo, pinangunahan sila ng Diyos sa Pulang Dagat sa tuyong daan.

10. Ano ang nangyari kay Faraon?

Si Faraon at ang kanyang hukbo ay nalunod sa dagat.

Memory Project: “Kapag aking nakita ang dugo, lalampasan ko kayo.” Exodo 12:13


LESSON 18

 

Ang Israel sa Ilang

1. Paano pinangunahan ng Diyos ang Israel sa ilang?

Sa pamamagitan ng haliging ulap sa araw, at haliging apoy sa gabi.

2. Paano pinakain ng Diyos ang Israel?

Nagpaulan ang Diyos ng mana mula sa langit at binigyan sila ng tubig mula sa bato.

3. Paano sila binihisan ng Diyos sa ilang?

Ang mga damit at sapatos ng Israel ay hindi naluma.

4. Ano ang ibinigay ng Diyos sa Israel sa Sinai?

Ibinigay ng Diyos sa kanila ang Kautusan

5. Ano ang ipinatayo ng Diyos kay Moises

Isang tabernakulo upang sambahin ang Diyos

6. Paano nagkasala ang Israel sa Sinai?

Sumamba sila sa isang gintong guya.

7. Ano pa ang ginawa nilang kasalanan sa disyerto?

Humingi sila ng karne, at inakala nilang hindi sila kayang bigyan ng Diyos ng tubig.

8. Ano ang ginawa ni Moises nang malapit na ang Israel sa Canaan?

Nagpadala si Moises ng labindalawang lalaki upang mag-espiya sa lupain.

9. Nagdala ba ang mga espiyang ito ng magandang ulat?

Dalawa lang po sa kanila, ngunit tinakot ng iba ang mga tao.

10. Ano ang ginawa ng Israel nang marinig nila ang masamang ulat?

Nais na nilang bumalik sa Ehipto.

Memory Project: “O magpasalamat kayo sa Diyos ng kalangitan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailan man.” Awit 136:26


LESSON 19

 

Ang Israel sa Ilang (cont.)

1. Paano pinarusahan ng Diyos ang Israel sa kagustuhan nitong bumalik sa Ehipto?

Pinaglakbay sila ng Diyos ng 40 taon.

2. Paano pinarusahan sina Kora, Datan, at Abiram?

Bumuka ang lupa at nilamon sila.

3. Ano ang nangyari nang magsawa ang Israel sa mana?

Nagpadala ang Diyos ng mga makamandag na ahas na pumatay sa marami sa kanila.

4. Paano nailigtas ang Israel mula sa mga makamandag na ahas?

Tumingin sila sa ahas na tanso na itinaas ni Moises.

5. Sino ang nagtangkang lumipol sa Israel?

Si Balak, ang hari ng Moab.

6. Paano tinangkang lipulin ni Balak ang Israel?

Hiniling niyang sumpain ng masamang propetang si Balaam ang Israel.

7. Sinumpa ba ni Balaam ang Israel?

Hindi po, ginawa ng Diyos na pagpalain ni Balaam ang Israel.

8. Sinong mga hari ang nilipol ng Israel?

Ang higanteng si Og, hari ng Basan, at si Sihon, hari ng mga Amorita.

9. Napangunahan ba ni Moises ang Israel papasok sa Canaan?

Hindi po, namatay si Moises sa bundok Nebo.

10. Bakit hindi maaaring makapasok si Moises sa Canaan?

Dahil sa galit niya ay pinalo niya ang bato.

Memory Project: “Kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, kailangan din namang itaas ang Anak ng Tao.” Juan 3:14


LESSON 20

 

Pagpasok ng Israel sa Canaan

Josue 1-10

l. Sino ang namuno sa Israel pagkamatay ni Moises?

Si Josue, ang lingkod ni Moises.

2. Ano ang ginawa ni Josue nang malapit na sila sa Jerico?

Nagsugo si Josue ng dalawang espiya upang matyagan ang lunsod.

3. Paano nakatawid ang Israel sa ilog Jordan?

Pinatuyo ng Diyos ang ilog sa kanilang harapan.

4. Paano sila inutusang sakupin ang lunsod?

Inutusan sila ng Diyos na magmartsa sa palibot ng pader sa loob ng pitong araw.

5. Paano sila nakapasok sa Jerico?

Pinabagsak ng Panginoon ang mga pader.

6. Pinatay ba ng Israel ang lahat ng tao sa Jerico?

Opo, maliban kay Rahab at ang kanyang pamilya, dahil tinago niya ang mga espiya.

7. Bakit hindi nasakop ng Israel ang Ai noong una?

Dahil ninakaw ni Acan ang mga bagay galing sa Jerico.

8. Paano pinarusahan si Acan?

Siya at ang kanyang pamilya ay pinagbabato hanggang mamatay at sinunog.

9. Paano pa tinulungan ng Diyos ang Kanyang bayan sa kanilang pakikidigma?

Pinatigil Niya ang araw at buwan.

10. Bakit ibinigay ng Diyos sa Israel ang lupain ng Canaan?

Upang maging larawan ng makalangit na Canaan.

Memory Project: “Ngunit sa ganang akin at sa aking sambahayan, kami ay maglilingkod sa Panginoon.” Josue 24:15


LESSON 21

 

Si Ehud at Debora

Mga Hukom 3-5

1. Pinaglingkuran ba ng Israel ang Panginoon pagkamatay ni Josue?

Hindi po, kinalimutan nila ang Panginoon at sinamba ang mga diyus-diyosan.

2. Paano pinarusahan ang Israel?

Ibinigay sila ng Diyos sa kanilang mga kaaway.

3. Tinulungan din ba sila ng Diyos?

Opo, pinagsisi Niya sila, at nagsugo ng mga hukom upang tulungan sila.

4. Pangalanan ang isang hari na dumating sa Canaan upang pagharian ang Israel.

Si Eglon, ang hari ng mga Moabita.

5. Paano pinalaya ni Ehud ang Israel mula sa mga Moabita?

Sinaksak ni Ehud si Eglon ng tabak.

6. Sino ang hukom noong pinaghaharian ng mga Cananeo ang Israel?

Si Debora, na isa ring babaeng propeta.

7. Sino ang inutusan niyang lumaban sa mga Cananeo?

Si Barak, na takot lumaban hangga’t hindi siya kasama.

8. Mayroon bang malakas na hukbo ang mga Cananeo?

Opo, mayroon pa nga silang mga kabayo at karwahe.

9. Paano pinagtagumpay ng Panginoon si Barak?

Nagpadala ang Diyos ng bagyo, at nagtatakbong tumakas ang mga kaaway.

10. Ano ang nangyari sa kapitang si Sisera?

Pinaslang si Sisera ng isang babae habang nagtatago siya sa kanyang tolda.

Memory Project: “Nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.” Awit 107:19


LESSON 22

 

Si Gideon

Mga Hukom 6-8

1. Gaano katagal naghari ang mga Midianita sa Israel?

Pitong taon.

2. Paano nila pinahirapan ang Israel?

Ninakaw nila ang kanilang mga pananim.

3. Ano ang pinagawa ng Panginoon kay Gideon?

Wasakin ang dambana ni Baal, at mag-alay ng handog sa Diyos.

4. Paano sinimulang palayain ni Gideon ang Israel?

Nagpatawag siya ng malaking hukbo upang labanan ang mga Midianita.

5. Nais ba ng Diyos na magkaroon ng malaking hukbo si Gideon?

Hindi po, dahil nais turuan ng Diyos ang Israel na Siya ang magbibigay sa kanila ng tagumpay.

6. Ilang kalalakihan ang natira kay Gideon?

300 kalalakihan lamang.

7. Paano pinaghandaan ng mga sundalo ni Gideon ang paglaban sa kaaway?

Ang bawat isa ay may trumpeta, at ilawan sa loob ng banga.

8. Ano ang ginawa ng mga sundalo ni Gideon sa mga trumpeta at banga?

Hinipan nila ang mga trumpeta at binasag ang mga banga.

9. Ano ang sinigaw ng mga sundalo ni Gideon nang sila ay makidigma?

“Ang tabak para sa Panginoon at kay Gideon!”

10. Ano ang nangyari sa mga Midianita?

Itinaboy sila palabas ng lupain.

Memory Project: “Bumangon nawa ang Diyos, mangalat nawa ang mga kaaway niya.” Awit 68:1


LESSON 23

Si Samson

Mga Hukom 13-16

1. Sino ang tinawag ng Panginoon upang labanan ang mga Filisteo?

Si Samson.

2. Ano ang sinabi ng anghel sa mga magulang ni Samson tungkol sa kanya?

Na siya ay magiging isang Nazareo.

3. Paano nagawang lumabang mag-isa ni Samson?

Pinalakas siya ng Espiritu ng Panginoon.

4. Bakit nanghuli si Samson ng 300 asong gubat?

Upang sunugin ang tanim na mais ng mga Filisteo.

5. Ano ang ginawa niya sa panga ng hayop?

Pinampatay niya ito sa libu-libong Filisteo.

6. Ano ang ginawa ni Samson sa mga pintuan ng isang lunsod?

Binuhat niya ang mga ito at dinala sa taluktok ng bundok.

7. Ano ginawang kasalanan ni Samson?

Nag-asawa siya ng babaeng Pagano.

8. Ano ang nangyari nang maputol ang buhok niya?

Nawala ang kanyang lakas.

9. Ano ang ginawa ng mga Filisteo kay Samson?

Dinukit nila ang kanyang mga mata at ikinulong siya.

10. Pinakinggan ba ng Diyos ang panalangin ni Samson sa templo?

Opo, at maraming Filisteo ang namatay nang gumuho ang templo.

Memory Project: “Ang Panginoon ay aking liwanag at aking kaligtasan; sino ang aking katatakutan?” Awit 27:1


LESSON 24

 

Si Ruth

Aklat ni Ruth

1. Bakit nagtungo si Naomi sa Moab?

Dahil taggutom sa Israel.

2. Ano ang ginawa ng dalawa niyang anak sa Moab?

Nag-asawa sila ng mga babaeng taga-Moab.

3. Pinagpala ba ng Panginoon ang pamilya ni Naomi sa Moab?

Hindi po, ang kanyang asawa at dalawang anak ay namatay.

4. Ano ang natutunan ni Naomi sa mga pagkamatay na ito sa kanyang pamilya?

Na dapat siyang bumalik sa sarili niyang bayan.

5. Pareho bang bumalik sina Ruth at Orpah kasama si Naomi?

Hindi po, si Ruth lang ang sumama.

6. Bakit sumama si Ruth kay Naomi?

Dahil mahal niya ang Diyos.

7. Ano ang sinabi ni Ruth?

“Ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ay aking Diyos.”

8. Paano nakilala ni Ruth si Boaz?

Namulot siya ng uhay sa bukid ni Boaz.

9. Pinakasalan ba niya si Boaz maglaon?

Opo, at siya ay naging ninuno ni David.

Memory Project: “Huwag mo akong pakiusapan na kita’y iwan, o talikuran ko na ang pagsunod sa iyo.” Ruth 1:16


LESSON 25

Si Samuel

I Samuel 1-9

1. Ano ang hiniling ni Ana sa Panginoon?

Humiling siya ng anak na lalaki na maglilingkod sa Panginoon.

2. Pinakinggan ba ng Panginoon ang kanyang panalangin?

Opo, binigay ng Diyos sa kanya si Samuel.

3. Saan dinala si Samuel ng kanyang ina?

Kay Eli, ang pari, upang maglingkod sa tabernakulo.

4. Ano ang nangyari noong bata pa si Samuel?

Tinawag siya ng Panginoon at kinausap siya.

5. Ano ang sinabi ng Panginoon kay Samuel?

Na si Eli at ang kanyang masasamang anak ay mamamatay sa isang araw.

6. Paano namatay ang mga anak na lalaki ni Eli?

Namatay sila sa digmaan laban sa mga Filisteo.

7. Ano pa ang nangyari sa digmaang ito?

Ang Kaban ng Tipan ng Diyos ay tinangay

8. Ano ang nangyrai kay Eli nang marinig niyang tinangay ang Kaban?

Bumagsak siya sa kanyang upuan at nabali ang kanyang leeg.

9. Bakit isinauli ng mga Filisteo ang Kaban sa Israel?

Nagdala ang Diyos ng mga salot sa mga Filisteo.

10. Ano ang hiningi ng mga tao kay Samuel?

Humingi sila ng isang hari.

Memory Project: “Nang magkagayo’y sinabi ni Samuel, ‘Magsalita ka; sapagkat nakikinig ang iyong lingkod.’” I Samuel 3:10

Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito
http://prcaphilippinesaudio.wordpress.com/tagalog/

Show Buttons
Hide Buttons