Menu Close

Katesismo para sa mga Bata – OT Beginners Book 2 Simplified

LESSON 1

Si Saul

I Samuel 10-15, 28, 30

1. Bakit nais ng mga tao na magkaroon sila ng hari?

Nais nilang tularan ang ibang mga bansa.

2. Binigyan ba sila ng Diyos ng hari?

Opo, si Saul, mula sa angkan ni Benjamin.

3. Mabuting hari ba si Saul?

Hindi po, siya ay ubod ng sama.

4. Paano ipinakita ni Saul na siya ay masama?

Sinuway niya ang utos ng Diyos.

5. Paano pinarusan ng Diyos si Saul?

Binawi ng Diyos ang kaharian mula sa kanya.

6. Nangusap ba ang Diyos kay Saul pagkatapos noon?

Hindi po, hindi na nangusap sa kanya ang Diyos.

7. Kailan humingi ng tulong si Saul sa Diyos?

Bago ang pakikidigma sa mga Filisteo.

8. Saan nagtungo si Saul nang hindi na mangusap sa kanya ang Diyos?

Nagtungo siya sa isang mangkukulam isang gabi.

9. Sino ang nangusap kay Saul doon?

Si Samuel, na sinabihan siya na siya ay mamamatay na.

10. Paano namatay si Saul?

Pinatay niya ang kanyang sarili sa digmaan.

Memory Project: “Sapagkat ang lakad ng matuwid ang Panginoon ang nakakaalam, ngunit mapapahamak ang lakad ng makasalanan.” Awit 1:6


LESSON 2

Itinalagang Hari si David

I Samuel 16-30

1. Sino ang itinalaga ni Samuel kapalit ni Saul?

Si David, na mula sa angkan ni Judah.

2. Ano ang ginagawa ni David noong bata pa siya?

Inaalagaan niya ang mga tupa ng kanyang ama.

3. Kasama na ba ng Diyos si David noon?

Opo, iniligtas siya ng Diyos mula sa leon at oso.

4. Sino ang lumait sa mga kawal ng Israel?

Ang higanteng si Goliat.

5. Ano ang ginawa ni David kay Goliat?

Pinatay niya ito sa pamamagitan ng tirador.

6. Natuwa ba si Saul na napatay ni David si Goliat?

Hindi po, nagselos siya kay David.

7. Bakit siya nagselos kay David?

Alam niyang gagawing hari ng Diyos si David.

8. Paano tinangkang patayin ni Saul si David?

Sinundan niya ito kasama ang kanyang mga kawal.

9. Saan nagtago si David?

Nagtago siya sa mga kuweba ng mga bundok.

10. Nasaktan ba ni Saul si David?

Hindi po, dahil palagi siyang iniingatan ng Diyos.

Memory Project: “Bagaman ako’y lumakad sa libis ng lilim ng kamatayan wala akong katatakutang kasamaan; sapagkat ikaw ay kasama ko.” Awit 23:4


LESSON 3

Si David Bilang Hari

II Samuel 2-12

1. Sino ang naging hari nang mamatay si Saul?

Si David, na mayroong takot sa Panginoon.

2. Saan tumira si David?

Sa Jerusalem.

3. Ano ang dinala ni David sa Jerusalem?

Ang Kaban ng Tipan ng Diyos.

4. Ano ang plinanong itayo ni David sa Jerusalem?

Isang magandang templo ng Diyos.

5. Naipatayo ba ni David ang templo?

Hindi po, sinabi sa kanya ng Diyos na si Solomon ang magpapatayo niyon.

6. Banggitin ang isang kasalanan ni David.

Kinuha niya ang asawa ng ibang lalaki.

7. Paano tinago ni David ang kanyang kasalanan?

Pinatay niya ang lalaking ito sa pamamagitan ng pagpuwesto sa kanya sa unahan ng digmaan.

8. Pinagsisihan ba ni David ang kanyang kasalanan?

Opo, ngunit noon lamang sinugo sa kanya ng Diyos si Propetang Nathan.

9. Paano ipinakita ng Diyos na hindi Siya nalugod kay David?

Binigyan ng Diyos ang kanyang anak ng sakit hanggang sa mamatay ito.

10. Pinarusahan ba ng Diyos si David sa iba pang paraan?

Naghatid ang Diyos ng maraming suliranin kay David at sa kanyang pamilya.

Memory Project: “Mapalad siya na pinatawad ang pagsuway, na ang kasalanan ay tinakpan.” Awit 32:1


LESSON 4

Ang Kasalanan ni Absalom

II Samuel 15-19

1. Sino si Absalom?

Isang anak na lalaki ni David.

2. Ano ang ginawang kasalanan ni Absalom?

Tinangka niyang agawin ang kaharian mula sa kanyang ama.

3. Bakit mali na gawin ni Absalom iyon?

Dahil si David ang ginawa ng Dios na hari.

4. Nais ba ng mga tao na maging hari si Absalom?

Opo, nagustuhan siya ng maraming tao.

5. Nais ba ni David na kalabanin ang kanyang anak na si Absalom?

Hindi po, tumakas siya mula sa Jerusalem.

6. Mag-isa bang tumakas si David?

Hindi po, sumama sa kanya ang mga kawal niya.

7. Sinundan ba ni Absalom si David?

Opo, nagsama siya ng mga kawal upang labanan siya.

8. Ano ang nangyari sa digmaan?

Sumabit ang ulo ni Absalom sa isang puno.

9. Paano natapos ang digmaan?

Namatay si Absalom.

10. Bumalik ba si David sa Jerusalem?

Opo, hari pa rin siya tulad ng dati.

Memory Project: “Ang Diyos ay ating kanlungan at kalakasan, isang handang saklolo sa kabagabagan.” Awit 46:1


LESSON 5

Si Solomon

I Hari 1-11

1. Sino ang naging hari nang mamatay si David?

Si Solomon, ayon sa ipinangako ng Diyos.

2. Ano ang hiniling ni Solomon sa Diyos?

Karunungan upang pagharian ang mga tao.

3. Binigyan ba ng Diyos ng karunungan si Solomon?

Opo, at binigyan din siya ng Diyos ng kayamanan at karangalan.

4. Kailan ipinakita ni Solomon ang kanyang karunungan?

Nang pag-agawan ng dalawang ina ang isang sanggol.

5. Ano ang ipinatayo ni Solomon?

Isang malaki at magandang templo.

6. Sino ang nagpunta kay Solomon?

Ang reyna ng Seba.

7. Bakit nagpunta ang reyna ng Seba kay Solomon?

Upang makita ang kaluwalhatian na ibinigay ng Diyos sa kanya.

8. Ano ang ginawang kasalanan ni Solomon?

Nag-asawa siya ng marami.

9. Itinulak ba siya ng mga asawang ito upang lalo siyang magkasala?

Opo, inakay nila siya upang maglingkod sa mga diyus-diyosan.

10. Paano ipinakita ng Diyos na Siya ay nagalit?

Inalis ng Diyos ang bahagi ng kaharian mula sa kanya.

Memory Project: “Ang takot sa Panginoon ang pasimula ng kaalaman.” Kawikaan 1:7


LESSON 6

Si Rehoboam, Hari ng Judah

I Hari 12-14

1. Sino ang naging hari pagkatapos ni Solomon?

Ang kanyang anak, si Rehoboam.

2. Ano ang hiniling ng mga tao kay Rehoboam?

Hiniling nila sa kanya na babaan ang kanilang buwis.

3. Ginawa ba ni Rehoboam ang hiniling ng mga tao?

Hindi po, sinagot niya sila nang magaspang.

4. Paano nagrebelde ang mga tao laban kay Rehoboam?

Ginawang hari ng sampung tribo si Jeroboam.

5. Tama bang gawin ito ng mga tao?

Hindi po, ginawa ng Diyos na hari nila si Rehoboam.

6. Ano ang tawag sa sampung tribo?

Ang kaharian ng Israel.

7. Ilang tribo ang naiwan kay Rehoboam?

Dalawa, ang Judah at Benjamin.

8. Ano ang tawag sa dalawang tribo?

Ang kaharian ng Judah.

9. Palagi bang naglingkod si Rehoboam sa Diyos?

Hindi po, siya at ang mga tao ay tumalikod sa Panginoon.

10. Paano siya pinarusahan ng Diyos?

Sinugo ng Diyos ang hari ng Ehipto upang labanan siya.

Memory Project: “Sumaamin nawa ang iyong tapat na pag-ibig, Panginoon, kung paanong kami ay umaasa sa iyo.” Awit 33:22


LESSON 7

Si Jeroboam, Hari ng Israel

I Hari 12-14

1. Ano ang tawag sa sampung tribo?

Ang kaharian ng Israel.

2. Sino ang unang hari ng kaharian ng Israel?

Si Jeroboam.

3. Mabuting hari ba si Jeroboam?

Hindi po, inudyukan niya ang Israel na sumamba sa mga gintong guya.

4. Bakit ginawa ni Jeroboam ang mga gintong guyang ito?

Dahil ayaw niyang papuntahin ang mga tao sa templo sa Jerusalem.

5. Sino ang nagsalita laban sa dambana na ginawa ni Jeroboam?

Isang propeta mula sa Judah.

6. Ano ang nangyari nang magsalita ang propetang ito laban sa dambana?

Nagkabasag-basag ang dambana.

7. Paano pinarusahan ang propetang ito pauwi ng kanyang tahanan?

Pinatay siya ng leon.

8. Paano pinarusahan ng Diyos si Jeroboam sa kanyang mga kasalanan?

Binigyan ng Diyos ng sakit ang kanyang anak.

9. Ano ang ginawa ng asawa ni Jeroboam upang sagipin ang buhay ng kanyang anak?

Nagpunta siya sa isang propeta ng Diyos.

10. Ano ang sinabi sa kanya ng propeta?

Tiyak na mamamatay ang kanyang anak

Memory Project: “Sapagkat ikaw ay Diyos na hindi nalulugod sa Kasamaan.” Awit 5:4


LESSON 8

Si Elias at si Ahab

I Hari 17

1. Nagkaroon ba ang kaharian ng Israel ng mabubuting hari?

Hindi po, lahat sila ay masasama.

2. Sinong hari ang nagingibabaw sa kasamaan?

Si haring Ahab, na napangasawa ang masamang si Jezebel.

3. Nais ba ni Ahab na sambahin ng Israel ang Diyos?

Hindi po, pinasamba niya sila kay Baal.

4. Paano pinasamba ni Ahab ang mga tao kay Baal?

Pinatay niya ang mga naglilingkod sa Diyos.

5. Sinong propeta ang nakipagkita kay Ahab?

Si propetang Elias.

6. Ano ang sinabi ni Elias kay Ahab?

Na matagal na hindi uulan.

7. Saan nagpunta si Elias noong magkaroon ng tagtuyot?

Nagtago siya malapit sa batis sa Cherit.

8. Paano pinakain doon ng Diyos si Elias?

Inutusan ng Diyos ang mga uwak upang dalhan siya ng pagkain.

9. Saan pinapunta ng Diyos si Elias nang matuyo ang batis?

Sa bahay ng isang mahirap na balo sa Sidon.

10. Paano inalagaan ng Diyos si Elias at ang balo?

Binigyan sila ng Diyos ng langis at pagkain araw-araw.

Memory Project: “At pupunan ng aking Diyos ang bawat kailangan ninyo ayon sa kanyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.” Filipos. 4:19


LESSON 9

Si Elias Sa Carmel

I Hari 18

1. Kailan natapos ang taggutom?

Nang suguin ng Dios si Elias kay Ahab.

2. Ano ang pinagawa ni Elias kay Ahab?

Papuntahin ang Israel sa Bundok ng Carmel.

3. Sino pa ang pumunta sa Bundok ng Carmel?

Ang 450ng propeta ni Baal.

4. Ano ang pinagawa ni Elias sa kanila?

Isang dambana para kay Baal.

5. Maaari bang magpaningas ng apoy ang mga propeta sa dambana?

Hindi po, kailangang hilingin nila kay Baal na gawin iyon.

6. Makakaya ba ni Baal na magpadala ng apoy?

Hindi po, dahil siya ay diyos-diyosan lamang.

7. Ano ang nangyari noong manalangin si Elias?

Nagpadala ang Diyos ng apoy sa dambana mula sa langit.

8. Ano ang sinigaw ng mga tao nang makita nila ito?

“Ang Panginoon ang siyang Diyos.”

9. Ano ang ginawa ni Elias sa mga propeta ni Baal?

Pinagpapatay niya silang lahat.

10. Nagpaulan ba ang Diyos?

Opo, pagkatapos itong ipanalangin ni Elias.

Memory Project: “Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Diyos.” Isaias 45:5


LESSON 10

Si Jehosapat, Hari ng Judah

II Cronica 17-20

1. Ano ang tawag sa dalawang tapat na tribo?

Ang kaharian ng Judah.

2. Ano ang nalalaman natin tungkol sa mga hari ng Judah?

Kabilang silang lahat sa pamilya ni David.

3. Bakit inilagay ng Diyos ang mga anak ni David sa trono?

Dahil ang ating Panginoong Jesus ay ipapanganak mula sa pamilya ni David.

4. Lahat ba ng hari ng Judah ay naglingkod sa Diyos?

Ilan sa kanila ay naglingkod, ngunit marami ang masama.

5. Pangalanan ang isang makadiyos na hari pagkatapos ni Rehoboam.

Si Jehosapat.

6. Ano ang ginawa ni Jehosapat para sa mga mamamayan ng Judah?

Tinuruan niya silang maglingkod sa Panginoon.

7. Ano ang ginawa niyang kasalanan?

Kumampi si Jehosapat kay Ahab sa digmaan.

8. Ano ang nangyari sa digmaan?

Napatay si Ahab.

9. Paano pinagpala ng Diyos si Jehosapat?

Pinayaman siya ng Diyos.

10. Tinulungan ba ng Diyos si Jehosapat laban sa kanyang mga kaaway?

Opo, ginawa ng Diyos na matakot sa kanya ang kanyang mga kaaway.

Memory Project: “Magpasalamat kayo sa Panginoon; sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.” 2 Cronica 20:21


LESSON 11

Si Propetang Eliseo

II Hari 2-5

1. Namatay ba si Elias?

Hindi po, dinala siya ng Diyos sa langit.

2. Paano siya dinala ng Diyos sa langit?

Sa pamamagitan ng karwaheng apoy sa ipo-ipo.

3. Sinong propeta ang pumalit kay Elias?

Ang lingkod ni Elias, si Eliseo.

4. Paano nilait ng ilang kabataan si Eliseo?

Sumigaw sila: “Humayo ka, ikaw na kalbo.”

5. Paano pinarusahan ng Diyos ang mga kabataang ito dahil doon?

Pinatay ang 42 sa kanila ng dalawang oso.

6. Sino ang pumunta kay Eliseo upang mapagaling?

Si Naaman, isang may ketong mula sa Syria.

7. Paano nakilala ni Naaman si Eliseo?

Isang babaeng Judio ang nagsabi sa kanya.

8. Paano napagaling si Naaman?

Hinugasan niya ang kanyang sarili sa Ilog Jordan ng pitong ulit.

9. Ano ang ginawang kasalanan ng lingkod ni Eliseo?

Tumanggap siya ng regalo mula kay Naaman.

10. Paano pinarusahan ang lingkod ni Eliseo?

Siya ay naging katongin.

Memory Project: “Ama ko, ama ko! Mga karwahe ng Israel at mga nangangabayo nito!” II Hari 2:12


LESSON 12

Pinangakuan ni Eliseo ng Pagkain ang Israel

II Hari 6, 7

1. Bakit isinugo ng Diyos si propetang Eliseo sa masamang Israel?

Dahil mayroon pa Siyang mga tapat na tao roon.

2. Bakit tinangkang dakpin ng hari ng Siria si Eliseo?

Dahil tinulungan ni Eliseo ang hari ng Israel.

3. Ano ang nangyari sa mga sundalo na dumating upang dakpin si Eliseo?

Binulag sila ng Panginoon.

4. Bumalik ba ang Siria upang labanan ang Israel?

Opo, ang hukbo ay nagkampo sa palibot ng pader ng Samaria.

5. Paano nito pinag-alala ang mga tao sa loob ng lunsod?

Wala silang pagkain.

6. Gutom na gutom ba sila?

Opo, dalawang babae pa nga ay kumain ng sanggol.

7. Ano ang ipinangako ni Eliseo sa hari?

Na magkakaroon ng maraming pagkain sa susunod na araw.

8. Pinaniwalaan ba ng hari si Eliseo?

Hindi po, siya at ang kanyang alipin ay nilait si Eliseo.

9. Paano binigyan ng Diyos ng pagkain ang Samaria?

Itinaboy ng Diyos ang mga Sirio.

10. Ano ang nangyari sa alipin na lumait kay Eliseo?

Napagtatapakan siya hanggang mamatay.

Memory Project: “Ako, ako ang Panginoon, at liban sa akin ay walang tagapagligtas.” Isaias 43:11


LESSON 13

Si Jehu, Hari ng Israel

II Hari 9, 10

1. Sino ang itinalaga ni Eliseo bilang hari ng Israel?

Si Jehu, ang kapitan ng hukbo.

2. Nagpunta ba si Eliseo upang italaga si Jehu?

Hindi po, nagsugo siya ng batang propeta.

3. Ano ang inutos kay Jehu?

Patayin ang buong pamilya ni Ahab.

4. Bakit inutusan siya ng Diyos na gawin ito?

Dahil napakasama ng pamilya ni Ahab.

5. Sino ang unang pinatay ni Jehu?

Ang hari ng Israel at hari ng Judah.

6. Pinatay din ba ni Jehu si Jezebel?

Opo, inutusan niya ang mga lingkod na ihulog siya sa bintana.

7. Napatay ba ang buong pamilya ni Ahab?

Opo, 70ng anak niya ay pinugutan ng ulo.

8. Paanong nagkunwaring naglingkod si Jehu sa Diyos?

Pinatay niya lahat ng sumasamba kay Baal.

9. Totoo bang naglingkod si Jehu sa Diyos?

Hindi po, pinasamba niya ulit ang Israel sa mga diyos-diyosan.

Memory Project: “Ang handog ng masama, sa Panginoon ay kasuklamsuklam.” Kawikaan 15:8


LESSON 14

Si Propetang Jonas

Aklat ng Jonas

1. Ano ang sinabi ng Diyos kay Jonas?

“Pumaroon ka sa Nineve at sumigaw ka laban doon.”

2. Nagpunta ba si Jonas sa Nineve?

Hindi po, tumakas siya.

3. Ano ang nangyari nang sumakay si Jonas sa isang barko?

Nagdala ang Diyos ng bagyo sa dagat.

4. Ano ang ginawa ng mga magdaragat kay Jonas?

Inihagis nila siya sa dagat.

5. Nalunod ba si Jonas?

Hindi po, naghanda ang Diyos ng malaking isda upang lunukin si Jonas.

6. Namatay ba siya sa loob ng isda?

Hindi po, iniluwa siya ng isda pagkatapos ng tatlong araw.

7. Sumunod na ba si Jonas sa Diyos pagkatapos niyon?

Opo, nagpunta siya sa Nineve upang mangaral.

8. Ano ang ipinangaral ni Jonas?

“Wawasakin ang Nineve pagkatapos ng 40ng araw.”

9. Nawasak ba ang Nineve?

Hindi po, dahil marami sa mga tao ay nagsisi.

10. Bakit sila naligtas?

Dahil mayroong mga tao ang Diyos doon.

Memory Project: “Pinapakinggan ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking kilala, at sila’y sumusunod sa akin.” Juan 10:27


LESSON 15

Si Joas, Hari ng Judah

II Cronica 22-24

1. Sino si Atalia?

Isang anak na babae ng masamang haring si Ahab.

2. Paanong naging reyna si Atalia?

Pinatay niya ang mga sarili niyang apo.

3. Napatay ba silang lahat ni Atalia?

Hindi po, ang sanggol na si Joas ay tinago sa templo.

4. Kailan ginawang hari si Joas?

Noong siya ay pitong taong gulang.

5. Sino ang tumulong upang gawing hari si Joas?

Si Jehoiada, ang paring may-takot sa Diyos.

6. Ano ang nangyari kay Atalia?

Napatay siya.

7. Ginawa ba ni Joas ang tama?

Opo, hangga’t nabubuhay si Jehoiada.

8. Anong kabutihan ang ginawa ni Joas?

Ipinaayos niya ang templo.

9. Ano ang ginawa ni Joas noong mamatay ang pari?

Naglingkod siya sa mga diyus-diyosan.

10. Ano pang kasalanan ang ginawa ni Joas?

Pinatay niya ang anak ni Jehoiada, na isang propeta.

Memory Project: “Siyang naninirahan sa tirahan ng Kataas-taasan, ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan.” Awit 91:1


LESSON 16

Hezekias, Hari ng Judah

II Hari 18-20

1. Pangalanan ang isa pang mabuting hari ng Judah.

Si Hezekias.

2. Naglilingkod pa ba ang mga tao sa Diyos noong naging hari si Hezekias?

Hindi po, kahit ang mga pintuan ng templo ay nakasara.

3. Nais ba ni Hezekias na paglingkuran ng mga tao ang Diyos?

Opo, binuksan niya ang mga pintuan ng templo.

4. Ano ang ginawa ni Hezekias sa kanilang mga diyus-diyosan?

Winasak niya ang mga iyon.

5. Paano pa ipinakita ni Hezekias na nais niyang paglingkuran ng Judah ang Diyos?

Nagdaos siya ng pista ng Paskuwa.

6. Ang Judah lang ba ang pinatawag ni Hezekias para sa pista?

Hindi po, pinatawag din niya ang mga mamamayan ng Israel.

7. Dumating ba ang Israel nang pinatawag sila ni Hezekias?

Opo, kaunti ang dumating, ngunit marami sa kanila ang tumanggi.

8. Pinaglingkuran ba ni Hezekias ang Diyos nang buo niyang buhay?

Opo, pinaglingkuran niya ang Diyos nang buo niyang puso.

9. Ano ang nangyari sa kaharian ng Israel sa panahong ito?

Dinala sila ng Diyos sa pagkabihag dahil sa kanilang mga kasalanan.

Memory Project: “Mapalad ang bansa na ang Diyos ay ang Panginoon.” Awit 33:12


LESSON 17

Nagkasakit si Hezekias

Isaias 36-39

1. Sino ang dumating upang kalabanin si Hezekias?

Ang hari ng Asiria kasama ang kanyang hukbo.

2. Paano nila tinangkang takutin si Hezekias?

Nagpadala sila ng sulat sa kanya.

3. Ano ang sinabi ng sulat?

Na hindi kayang tulungan ng Diyos si Hezekias.

4. Ano ang pinagawa ni Isaias kay Hezekias?

Pagtiwalaan ang Panginoon lamang.

5. Paano tinulungan ng Diyos si Hezekias?

Pinatay ng Diyos ang hukbo ng Asiria.

6. Ano ang nangyari kay Hezekias sa panahong ito?

Siya ay nagkasakit nang malala.

7. Ano ang idinalangin ni Hezekias sa kanyang pagkakasakit?

Idinalangin niyang siya ay gumaling.

8. Bakit siya dumalangin na siya ay gumaling?

Dahil wala pa siyang anak upang maging hari.

9. Dininig ba ng Diyos ang kanyang panalangin?

Opo, pinagaling siya ng Diyos at binigyan siya ng anak.

10. Sino ang anak na ito?

Si Manase.

Memory Project: “Ang Panginoon ay aking liwanag at aking kaligtasan; sino ang aking katatakutan?” Awit 27:1


LESSON 18

Si Manase, Hari ng Judah

II Cronica 33

1. Sino ang sumunod na hari kay Hezekias?

Ang kanyang anak, si Manase.

2. Mabuting hari ba si Manase?

Hindi po, napakasama niya.

3. Anong kasamaan ang ginawa ni Manase?

Sinakripisyo niya ang kanyang mga anak sa mga diyus-diyosan.

4. Paano pa nagkasala si Manase laban sa Diyos?

Pinatay niya ang mga hinirang ng Diyos.

5. Paano pinarusan ng Diyos si Manase?

Ibinilanggo siya sa Babilonia.

6. Ano ang ginawa ng Diyos kay Manase sa bilangguan?

Pinagsisi siya ng Diyos sa kanyang mga kasalanan.

7. Nanatili ba si Manase sa bilangguan?

Hindi po, naging hari siya muli.

8. Paano ipinakita ni Manase na pinagsisihan niya ang kanyang mga kasalanan?

Inalis niya ang mga diyus-diyosan sa templo.

9. Ibinalik din ba ni Manase ang pagsamba sa Diyos?

Opo, makakapaghandog na muli ang mga pari sa Diyos.

10. Totoo bang nagsisi ang mga tao?

Hindi po, agad silang bumalik sa kanilang mga kasalanan.

Memory Project: “Alang-alang sa iyong pangalan, O Panginoon, ipagpatawad mo ang aking kasalanan, sapagkat ito ay malaking tunay.” Awit 25:11


LESSON 19

Si Josias, Hari ng Judah

II Mga Hari 22, 23

1. Sino ang huling mabuting hari ng Judah?

Si Josias.

2. Paano ipinakita ni Josias na may takot siya sa Diyos?

Giniba niya ang mga diyus-diyosan.

3. Ipinaayos ba ni Josias ang templo?

Opo, umupa siya ng mga tao upang gawin ito.

4. Ano ang natagpuan ng mga manggagawa sa templo?

Isang aklat ng kautusan.

5. Ano ang ginawa ng hari sa kautusan?

Binasa niya ito sa harap ng mga tao.

6. Ano ang inutos ni Josias na gawin ng mga tao?

Na patuloy nilang idaos ang Paskuwa.

7. Dakilang pista ba ang idinaos ng mga tao?

Opo, walang katulad nito sa nakalipas na maraming taon.

8. Paano namatay si Josias?

Napatay siya sa isang digmaan.

9. Patuloy bang pinaglingkuran ng mga tao ang Diyos?

Hindi po, lalo silang naging masama.

10. Ano ang naging babala ng Panginoon sa mga tao?

Na parurusahan Niya ang Judah tulad ng ginawa Nya sa Israel.

Memory Project: “Ilawan sa aking mga paa ang salita mo, at liwanag sa landas ko.” Awit 119:105


LESSON 20

Si Propeta Jeremias

Jeremias 36-42

1. Sino si Jeremias?

Si Jeremias ay isang propeta sa Judah.

2. Kailan tinawag ng Diyos si Jeremias upang maging propeta?

Noong siya ay bata pa.

3. Ano ang sinabi ni Jeremias tungkol sa Jerusalem?

Na susunugin ang Jerusalem.

4. Ano ang sinabi ni Jeremias na mangyayari sa mga tao?

Dadalhin sila sa Babilonia.

5. Pinaniwalaan ba ng hari at ng mga pari si Jeremias?

Hindi po, galit na galit sila sa kanya.

6. Paano nahirapan si Jeremias?

Inihulog siya sa isang balon.

7. Pinarusahan ba ng Diyos ang mga tao tulad ng Kanyang sinabi?

Opo, dinala sila sa Babilonia.

8. Sumama ba sa kanila si Jeremias?

Hindi po, siya at ang iba pa ay naiwan sa Jerusalem.

9. Nanatili ba si Jeremias sa Jerusalem?

Hindi po, dinala siya ng mga tao sa Ehipto.

10. Ano ang ipinangako ni Jeremias sa mga taong nasa pagkabihag?

Pagkatapos ng 70ng taon ibabalik sila ng Diyos sa sarili nilang lupain.

Memory Project: “Ang tapat na pag-ibig ng Panginoon ay hindi nagmamaliw, ang kanyang mga habag ay hindi natatapos.” Mga Panaghoy 3:22


LESSON 21

Si Daniel At Ang Kanyang Mga Kaibigan

Daniel 1-4

1. Sinu-sino ang dinala sa Babilonia kasama ng mga Judio?

Si Daniel at ang tatlo niyang kaibigan.

2. Ano ang naging kalagayan ni Daniel at ng tatlo niyang kaibigan?

Naging mga opisyal sila sa Babilonia.

3. Paano ipinakita ng Diyos na sinamahan Niya sila?

Ginawa Niya silang pinakamarurunong na tao sa Babilonia.

4. Paano ipinakita ni Daniel ang kanyang karunungan?

Ipinaliwanag niya ang panaginip ni Nebukadnezar.

5. Ano ang napanaginipan ni Nebukadnezar?

Isang malaking rebulto na winasak ng isang bato.

6. Ano ang kahulugan ng panaginip?

Na wawasakin ni Cristo ang lahat ng masasamang bansa sa lupa.

7. Sinamba ba ng tatlong magkakaibigan ang Diyos sa Babilonia?

Opo, hindi nila sinamba ang rebulto ng hari.

8. Pinarusahan ba sila ng hari dahil dito?

Opo, hinagis niya sila sa nagniningas na hurno.

9. Nasunog ba sila sa hurno?

Hindi po, sinugo ng Diyos ang isang Anghel sa hurno kasama sila.

10. Paano pinarusahan ang hari dahil sa kanyang pagmamataas?

Ginawa ng Diyos na mamuhay siyang parang hayop.

Memory Project: “Ang aming Diyos na pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa hurno ng nagniningas na apoy.” Daniel 3:17


LESSON 22

Si Daniel sa Yungib ng mga Leon

Daniel 6

1. Dumalangin ba si Daniel sa Diyos sa Babilonia?

Opo, dumalangin siyang nakaharap sa Jerusalem tatlong ulit bawat araw.

2. Bakit dumalangin si Daniel na nakaharap sa Jerusalem?

Alam niyang ibabalik ng Diyos ang kanyang bayan sa lupain nila.

3. Nainggit ba ang ibang pinuno kay Daniel?

Opo, nais nilang patayin siya.

4. Paano nila tinangkang patayin siya?

Hiniling nilang magtakda ang hari ng napakasamang batas.

5. Ano ang masamang batas?

Na dapat lamang sambahin ng lahat ng tao ang hari.

6. Sinunod ba ni Daniel ang hari?

Hindi po, dumalangin siya sa Diyos tulad ng dati.

7. Ano ang ginawa ng hari kay Daniel dahil dito?

Inihagis niya siya sa yungib ng mga leon.

8. Kinain ba ng mga leon si Daniel?

Hindi po, itinikom ng Panginoon ang bibig ng mga leon.

9. Ano ang ginawa ng hari sa masasamang pinunong ito?

Inihagis niya sila sa yungib ng mga leon.

10. Kinain ba sila ng mga leon?

Opo, hindi pa man sila umaabot sa ibaba ng yungib.

Memory Project: “Kailangang sa Diyos kami sumunod, sa halip na sa mga tao.” Mga Gawa 5:29


LESSON 23

Ang Pagbabalik Mula Sa Babilonia

Ezra 1-10

1. Gaano katagal nanatili ang mga Judio sa Babilonia?

70ng taon.

2. Paano sila nakabalik?

Sinabihan ng Panginoon si Haring Ciro na pabalikin sila.

3. Ilan ang nagbalik sa Jerusalem?

Mga limampung libong katao.

4. Ano ang unang ginawa ng mga tao?

Sinimulan nilang itayo ang templo.

5. Naging masaya ba ang mga tao nang makita nilang muli ang templo?

Opo, ngunit ang iba ay umiyak.

6. Bakit umiyak ang iba?

Dahil ang templo ni Solomon ay lubos na mas maganda.

7. Sino ang nagbigay ng problema sa mga Judio?

Ang mga masasamang Samaritano.

8. Paano nila binigyan ng problema ang mga Judio?

Tinangka nilang itigil ang paggawa sa templo.

9. Natapos ba ang templo?

Natapos lamang ito makalipas ang 21ng taon.

Memory Project: “Ang PANGINOON ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa atin, kami ay natutuwa.” Awit 126:3


LESSON 24

Si Esther

Aklat ng Esther

1. Nagbalik ba ang lahat ng Judio sa Jerusalem?

Hindi po, may ilang nanatili sa Babilonia.

2. Pangalanan ang dalawa sa mga nanatili.

Si Mordecai, at si Esther na kanyang pinsan.

3. Ano ang nangyari kay Esther doon?

Naging reyna siya.

4. Sino ang pinakamataas na pinuno sa ilalim na hari?

Si Haman, na kinamumuhian si Mordecai.

5. Ano ang nais gawin ni Haman?

Nais niyang patayin ang mga Judio.

6. Sino ang nakarinig sa planong ito?

Si Mordecai, na sinabihan din si Esther.

7. Sinabi ba ni Esther sa hari?

Opo, sinabi niya sa kanya sa isang piging.

8. Napatay ba ang lahat ng mga Judio?

Hindi po, sinabi sa kanila ng hari na ipagtanggol ang kanilang buhay.

9. Ano ang nangyari kay Haman?

Siya ay binigti.

10. Ano ang ipinapakita nito?

Na palaging iniingatan ng Diyos ang Kanyang bayan.

Memory Project: “Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng PANGINOON, na siyang lumikha ng langit at lupa.” Awit 124:8


LESSON 25

Si Nehemias

Aklat ni Nehemias

1. Sino si Nehemias?

Isang tagapagdala ng kopa ng hari.

2. Ano ang nabalitaan ni Nehemias tungkol sa mga Judio?

Na hindi nila tinatayo ang mga pader ng Jerusalem.

3. Ano ang ginawa ni Nehemias nang mabalitaan niya ito?

Pinakiusapan niyang payagan siya ng hari upang makapunta siya sa Jerusalem.

4. Ano ang unang ginawa ni Nehemias sa Jerusalem?

Tiningnan niya ang mga pader sa gabi.

5. Sinimulan ba ni Nehemias na ipatayo ang mga pader?

Opo, inihanda niya ang mga tao para sa paggawa.

6. Paano nagkaproblema ang mga tao?

Tinangkang pigilin ng mga masasamang tao ang paggawa.

7. Napigil ba nila ang paggawa?

Hindi po, binigyan ni Nehemias ang mga tao ng mga tabak.

8. Ginambala pa rin ba sila ng mga masasamang taong ito?

Opo, nagsinungaling sila sa mga tao tungkol kay Nehemias.

9. Paanong naitayo nang mabilis ang mga pader?

Tinulungan ng Diyos ang Kanyang bayan sa pagtatayo.

Memory Project: “O PANGINOON ng mga hukbo, mapalad ang taong nagtitiwala sa iyo!” Awit 84:12

Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito
http://prcaphilippinesaudio.wordpress.com/tagalog/

Show Buttons
Hide Buttons