Kami, kung gayon, na sinusundan ang mga banal na ama, ay sumasang-ayong lahat na nagtuturo sa mga tao na ipahayag ang isa at Siyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo, na Siyang ganap sa Pagka-Diyos at ganap din sa pagiging tao; tunay na Diyos at tunay na tao, na may kaluluwang may pag-iisip at katawan; kaisang-kalikasan ng Ama ayon sa Pagka-Diyos, at kaisang-sangkap natin ayon sa pagiging tao; katulad natin sa lahat ng bagay, walang pagkakasala; ipinanganak bago pa ang lahat ng kapanahunan ng Ama ayon sa Pagka-Diyos, at sa mga huling araw na ito, para sa atin at para sa ating kaligtasan, isinilang mula sa birheng si Maria, ang ina ng Diyos, ayon sa pagiging tao; isa at Siyang Cristo, Anak, Panginoon, Bugtong na Anak, na dapat kilalanin sa dalawang kalikasan, na walang pagkakahalo, walang pagbabago, walang pagkakahati, walang pagkakahiwalay; na ang pagkakaiba ng mga kalikasan ay hindi inaalis sa anumang paraan ng pagiging isa, kundi ang katangian ng bawat kalikasan ay pinananatili, at pinag-iisa sa isang persona at isang buhay, hindi pinaghihiwalay o pinaghahati sa dalawang persona, kundi sa isa at Siyang Anak, at Bugtong na Anak, Diyos na Salita, ang Panginoong Jesu-Cristo; ayon sa ipinahayag ng mga propeta tungkol sa Kanya simula pa ng una, at sa itinuturo na rin sa atin ng Panginoong Jesu-Cristo, at ng pananampalataya ng mga banal na ama na ipinamana sa atin.
Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito.