ARAW NG PANGINOON I
1.
T. Ano ang tangi mong kaaliwan sa buhay at sa kamatayan?
S. Na hindi ko pag-aari ang aking sarili. 1 Sa halip, ako ay pag-aari – sa katawan at kaluluwa, sa buhay at sa kamatayan 2 – ng aking tapat na Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. 3 Binayaran Niya ng buo ang lahat ng aking mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahalagang dugo, 4 at pinalaya Niya ako sa lahat ng kapangyarihan ng diyablo. 5 Iniingatan Niya rin ako sa pamaraang 6 – kung walang pahintulot ng aking Amang nasa langit ay walang malalaglag kahit isang buhok mula sa aking ulo.7 Tunay na ang lahat ng bagay ay magkakatugma-tugma para sa aking kaligtasan 8 Dahil dito, sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu ay binibigyan rin Niya ako ng katiyakan ng buhay na walang hanggan 9At ginagawa Niya akong taus-pusong sumasang-ayon at handang mamuhay mula ngayon para sa Kanya.10
1 1 Corinto 6:19, 20
2 Roma 14:7-9
3 1 Corinto 3:23; Tito 2:14
4 1 Pedro 1:18, 19; 1 Juan 1:7; 2:2
5 Juan 8:34-36; Hebreo 2:14, 15; 1 Juan 3:8
6 Juan 6:39, 40; 10:27-30; 2 Tesalonia 3:3; 1 Pedro 1:5
7 Mateo 10:29-31; Lukas 21:16-18
8 Roma 8:28
9 Roma 8:15, 16; 2 Corinto 1:21, 22; 5:5; Efeso 1:13, 14
10 Roma 8:14
2.
T. Ano ang dapat mong malaman upang makapamuhay ka at mamatay sa kagalakan ng kaaliwang ito?
S. Tatlong bagay: Una, kung gaano kalubha ang aking mga kasalanan at ang aking pagdurusa.1 Pangalawa, kung paano ako iniligtas mula sa aking mga kasalanan at pagdurusa.2 Pangatlo, kung paano ako dapat magpasalamat sa Diyos na nagligtas sa akin.3
1 Roma 3:9, 10; 1 Juan 1:10
2 Juan 17:3; Gawa 4:12; 10:43
3 Mateo 5:16; Roma 6:13; Efeso 5:8-10; 1 Pedro 2:9, 10
ARAW NG PANGINOON II
3.
T. Saan mo ba natuklasan ang tungkol sa iyong mga kasalanan at pagdurusa?
S. Mula sa Kautusan ng Diyos.1
1 Roma 3: 20; 7:7
4.
T. Ano ang hinihingi sa atin ng Kautusan ng Diyos?
S. Itinuturo ito sa atin ni Kristo sa pamaraang binuod sa Mateo 22: “Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso, at ng buong kaluluwa, at ng buong pag-iisip, at ng buong lakas.1 Ito ang dakila at unang utos. Ang pangalawa ay katulad nito, iibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Sa dalawang kautusang ito nakasalalay ang lahat ng mga kautusan at mga propeta.”2
1 Deuteronomio 6:5
2 Levitico 19:18, Galacia 5:14
5.
T. Kaya mo bang isakatuparang ganap ang lahat ng ito?
S. Hindi 1, sapagkat ako ay likas na namumuhi sa Diyos at pati na sa aking kapwa.2
1 Roma 3:10, 23; 1 Juan 1:8, 10
2 Genesis 6:5; 8:21; Jeremias 17:9; Roma 7:23; 8:7; Efeso 2:3; Tito 3:3
ARAW NG PANGINOON III
6.
T. Kung gayon, nilikha ba ng Diyos ang tao na ubod ng sama at buktot?
S. Hindi, sa halip, nilikha ng Diyos na mabuti ang tao 1at ayon sa Kanyang wangis,2 na ang ibig sabihin ay, may totoong katuwiran at kabanalan,3 ng sa gayon ay makilala niyang tunay ang Diyos na kanyang Manlilikha,4 taus-puso niya itong ibigin, at mamuhay na kapiling Siya sa magpasawalang hanggang kaligayahan upang Siya’y purihin at luwalhatiin.5
1 Genesis 1:31
2 Genesis 1:26, 27
3 2 Corinto 3:18; Efeso 4:24
4 Colosas 3:10
5 Awit 8
7.
T. Kung gayon, saan nagmula ang buktot na kalikasan ng tao?
S. Ito ay nagmula sa pagkahulog at pagsuway ng ating unang mga magulang, sina Adan at si Eba, sa paraiso,1 sapagkat doon ang ating kalikasan ay naging napakasama2 kaya tayong lahat ay ipinaglilihi at isinisilang sa kasalanan3
1 Genesis 3
2 Roma 5:12, 18-19
3 Awit 51:5; 14:2-3
8.
T. Subalit gayon na lang ba tayo kasama na wala na tayong kakayahang gumawa ng kahit anong kabutihan at puro na lang kasamaan?
S. Oo,1 maliban na tayo ay isilang muli sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos.2
1 Juan 3:6; Genesis 6:5; 8:21; Job 14:4; Isaias 53:6
2 Juan 3:3-5; Genesis 8:21; 2 Corinto 3:5; Roma 7:18; Jeremias 17:9
ARAW NG PANGINOON VI
9.
T. Kung gayon, hindi ba lumalabas na hindi makatarungan ang Diyos na hingin Niya sa pamamagitan ng Kanyang Kautusan ang bagay na hindi naman kayang gawin ng tao?
S. Hindi, sapagkat nilikha ng Diyos ang tao na may kakayahang sundin ito;1 ngunit ang tao, sa pamamagitan ng panunulsol ng diablo2 ay kusang sumuway3 kung kaya’t nawalan siya ng mga kakayahang ito pati na ang kanyang mga inapo 4
1 Genesis 1:31; Efeso 4:24
2 Genesis 3:13; Juan 8:44; 1 Timoteo 2:13, 14
3 Genesis 3:6
4 Roma 5:12, 18-19
10.
T. Pahihintulutan ba ng Diyos ang gayong pagsuway at pagtalikod ng walang kaparusahan?
S. Tiyak na hindi.1 Lubos-lubusan Siyang nagagalit sa ating minanang kasalanan pati na sa mga kasalanang patuloy na ginagawa natin. Dahil dito, parurusahan Niya ang tao sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng makatarungang paghatol ngayon at magpasawalang hanggan, tulad ng Kanya ng ipinahayag: “Sumpain ang sinumang hindi sumusunod sa lahat ng nasusulat sa aklat ng kautusan at gumagawa nito.”2
1 Hebreo 9:27
2 Deuteronomio 27:26; Galacia 3:10; Roma 1:18; Mateo 25:41
11.
T. Pero hindi nga ba maawain rin ang Diyos?
S. Totoo ngang maawain ang Diyos,1 ngunit Siya ay makatarungan rin.2 Hinihingi ng Kanyang katarungan na anumang kasalanang ginawa laban sa kataas-taasang karingalan ng Diyos ay dapat patawan ng pinakamatinding pagpaparusa – ang walang hanggang pagpapahirap sa katawan at kaluluwa.3
1 Exodo 20:6; 34:6-7; Awit 103:8, 9
2 Exodo 20:5; 34:7; Deuteronomio 7:9-11; Awit 5:4-6; Hebreo 10:30-31
3 Mateo 25:45-46
ARAW NG PANGINOON V
12.
T. Yamang ayon sa matuwid na kahatulan ng Diyos ay nararapat lamang tayong parusahan sa buhay na ito at maging sa susunod, paano natin matatakasan ang kaparusahang ito at muling magiging katanggap-tanggap sa Kaniya?
S. Hinihingi ng Diyos na ang Kanyang katarungan ay masiyahan.1 Kaya nga dapat itong bayaran ng buo sa pamamagitan natin o ng iba.2
1 Exodo 20:5; 23:7; Roma 2:1-11
2 Isaias 53:11; Roma 8:3-4
13.
T. Kaya ba nating bayaran ang pagkaka-utang na ito?
S. Tiyak na hindi. Sa katunayan, araw-araw pa nga nating nadaragdagan ang ating pagkaka-utang.1
1 Awit 130:3; Mateo 6:12; Roma 2:4-5
14.
T. Kaya ba tayong tubusin ng ibang nilalang rin lamang?
S. Hindi. Una sa lahat, hindi paparusahan ng Diyos ang iba pang nilalang para sa kasalanang tao ang may gawa.1 Bukod rito, walang sinumang nilalang lamang ang makakakaya ng tindi ng walang hanggang pagkapoot ng Diyos laban sa kasalanan at iligtas ang iba mula rito.2
1 Ezekiel 18:4, 20; Hebreo 2:14-18
2 Awit 130:3; Nahum 1:6
15.
T. Anong uri ng Tagapamagitan at Tagpagligtas ang dapat nating hanapin?
S. Dapat siya ay tunay na tao 1 at tunay na matuwid 2 at higit na mas makapangyarihan kay sa lahat ng mga nilalang, samakatuwid, Siya ay dapat ring maging tunay na Diyos.3
1 1 Corinto 15:21; Hebreo 2:17
2 Isaias 53:9; 2 Corinto 5:21; Hebreo 7:26
3 Isaias 7:14; 9:6; Jeremias 23:6; Juan 1:1; Roma 8:3-4
ARAW NG PANGINOON VI
16.
T. Bakit kinakailangan na siya ay maging tunay na tao at tunay na matuwid?
S. Siya ay kinakailangang maging tunay na tao sapagkat ito ang hinihingi ng katarungan ng Diyos na ang parehong kalikasang tao na nagkasala ang siyang dapat magbayad para sa kasalanan.1 Kinakailangan rin na siya ay maging matuwid sapagkat hindi kayang bayaran ng makasalanan ang kasalanan ng iba.2
1 Roma 5:12, 15; 1 Corinto 15:21; Hebreo 2:14-16
2 Hebreo 7:26, 27; 1 Pedro 3:18
17.
T. Bakit kinakailangang siya’y maging tunay na Diyos rin?
S. Siya ay dapat maging tunay na Diyos upang sa pamamagitan ng kapangyarihang taglay ng kanyang kalikasan bilang Diyos1 ay mabata niya sa kanyang kalikasang tao ang tindi ng poot ng Diyos,2 ng sa gayon ay makamtan at maibalik niya sa atin ang katuwiran at buhay.3
1 Isaias 53:8; Gawa 2:24
2 Deuteronomio 4:24; Nahum 1:6; Awit 130:3
3 Isaias 53:5, 11; Juan 3:16; 2 Corinto 5:21
18.
T. Ngunit sino ang tagapamagitang ito na tunay na Diyos at tunay na taong matuwid?
S. Ang ating panginoong Jesu-Cristo,1 na siyang ginawa ng Diyos na maging ating karunungan, katuwiran, kabanalan at katubusan.2
1 Mateo 1:21-23; Lukas 2:11; 1 Timoteo 2:5; 3:16
2 1 Corinto 1:30
19.
T. Saan mo nakuha ang kaalamang ito?
S. Mula sa banal na ebanghelyo, kung saan ang Diyos mismo ang nagpahayag nito doon sa paraiso.1 nang maglaon, inihayag niya rin ito sa pamamagitan ng mga patriarka2 at mga propeta3 at ipinahiwatig sa pamamagitan ng mga haing handog at iba pang mga seremonya ng kautusan4 sa wakas, ito’y kanyang ipinatupad sa pamamagitan ng kanyang bugtong na anak.5
1 Genesis 3:15
2 Genesis 12:3; 22:18; 49:10
3 Isaias 53; Jeremias 23:5, 6; Mikas 7:18-20; Gawa 10:43; Hebreo 1:1
4 Levitico 1:7; Juan 5:46; Hebreo 10:1-10
5 Roma 10:4; Galacia 4:4, 5; Colosas 2:17
ARAW NG PANGINOON VII
20.
T. Kung gayon, ang lahat ba ng tao ay iniligtas ni Cristo katulad ng kanilang pagkapahamak sa pamamagitan ni Adan?
S. Hindi. Ang maliligtas ay yun lamang sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya ay nahugpong kay Cristo at tumanggap ng lahat ng Kanyang pagpapala.1
1 Mateo 7:14; Juan 1:12; 3:16, 18, 36; Roma 11:16-21
21.
T. Ano nga ba ang tunay na pananampalataya?
S. Ang tunay na pananampalataya ay tiyak na kaalaman na kung saan ay tinatanggap kong totoo ang lahat ng inihayag ng Diyos sa atin sa Kanyang Salita.1 At saka ito rin ay matatag na paninindigan2 Na hindi lamang sa iba kundi pati ako3 ay pinagkalooban ng Diyos ng kapatawaran ng mga kasalanan, walang hanggang katuwiran at kaligtasan4 buhat lamang sa biyaya at alang-alang lamang sa kabutihang dulot ni Cristo.5 Ang pananamplatayang ito ay isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa aking puso sa pamamagitan ng Ebanghelyo.6
1 Juan 17:3, 17; Hebreo 11:1-3; Santiago 2:19
2 Roma 4:18-21; 5:1; 10:10; Hebreo 4:14-16
3 Galacia 2:20
4 Roma 1:17; Hebreo 10:10
5 Roma 3:20-26; Galacia 2:16; Efeso 2:8-10
6 Gawa 16:14; Roma 1:16; 10:17; 1 Corinto 1:21
22.
T. Kung gayon, ano nga ba ang dapat na panampalatayanan ng isang Kristiyano?
S. Lahat ng ipinangako sa atin sa ebanghelyo1 Na siyang itinuturo sa atin ng mga artikulo ng ating laganap at walang-alinlangang pananampalatayang Kristiyano sa binuod na pamaraan.
1 Mateo 28:18-20; Juan 20:30-31, 2 Timoteo 3:15
23.
T. Anu-ano ang mga artikulong ito?
S. Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na lumalang ng langit at lupa.
Ako’y sumasampalataya kay Jesu-Cristo, Kanyang Bugtong na Anak at ating Panginoon; na ipinaglihi sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu at isinilang ng birheng si Maria, nagdusa sa sa ilalim ng paglilitis ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing; nanaog Siya sa impiyerno; sa ikatlong araw ay nabuhay na muli mula sa mga patay; umakyat Siya sa langit at naluklok sa kanang kamay ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat; mula roon ay babalik Siyang muli upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay.
Ako’y sumasampalataya sa Banal na Espiritu, sa Banal na Iglesyang Laganap, sa kapulungan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng katawan, at sa buhay na walang hanggan.
ARAW NG PANGINOON VIII
24.
T. Paano nahahati ang mga artikulong ito?
S. Sa tatlong bahagi: ang una ay patungkol sa Diyos Ama at ang ating pagkalikha; ang pangalawa ay patungkol sa Diyos Anak at ang ating kaligtasan; ang pangatlo ay patungkol sa Diyos Espiritu Santo at ang ating pagiging banal.1
1 1 Pedro 1:2; 1 Juan 5:7
25.
T. Kung iisa lang nga ang Diyos,1 bakit may binabanggit kang tatlong persona, Ama, Anak, at Banal na Espiritu?
S. Sapagkat sa ganitong pamaraan ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili sa Kanyang Salita:2 ang tatlong magkakaibang mga persona na ito ay Siyang nag-iisa, tunay at walang pasimula’t walang hanggang Diyos.
1 Deuteronomio 6:4; Isaias 44:6; 45:5; 1 Corinto 8:4, 6
2 Genesis 1:2, 3; Isaias 61:1; 63:8-10; Mateo 3:16, 17; 28:18, 19; Lukas 4:18; Juan 14:26; 15:26; 2 Corinto 13:14; Galacia 4:6; Tito 3:5, 6
ARAW NG PANGINOON IX
26.
T. Ano ang pinaniniwalaan mo kapag sinasabi mong: sumasampalataya ako sa Diyos amang makapangyarihan sa lahat na lumalang ng langit at lupa?
S. Na ang walang pasimula’t walang hanggang ama ng ating panginoong Jesu-Cristo, na siya ring lumikha mula sa wala ng langit at ng lupa at ang lahat ng naroroon1 at patuloy na nag-aalalay at namamahala ng mga ito sa pamamagitan ng kanyang walang hanggang payo at pagkalinga,2 ay aking Diyos at ama alang-alang kay Cristo na kanyang anak.3 sa kanya ako ay tiwalang lubos kung kayat wala akong pag-aalinglangan na ipagkakaloob niya sa akin ang lahat ng bagay na kailangan ng aking katawan at kaluluwa4 at gagamitin rin niya para sa aking ikabubuti ang anumang pagsubok na ipapadala niya sa akin sa mapighating buhay na ito.5 kaya niyang gawin ito dahil siya ay ang makapangyarihang Diyos6 at ibig niya ring gagawin ito dahil sa siya’y isang matapat na ama7
1 Genesis 1 and 2; Exodo 20:11; Job 38, 39; Awit 33:6; Isaias 44:24; Gawa 4:24; 14:15
2 Awit 104:27-30; Mateo 6:30; 10:29; Efeso 1:11
3 Juan 1:12, 13; Roma 8:15, 16; Galacia 4:4-7; Efeso 1:5
4 Awit 55:22; Mateo 6:25, 26; Lukas 12:22-31
5 Roma 8:28
6 Genesis 18:14; Roma 8:31-39
7 Mateo 6:32, 33; 7:9-11
ARAW NG PANGINOON X
27.
T. Ano ang nauunawaan mo tungkol sa pagkalinga ng Diyos?
S. Ang paagkalinga ng Diyos ay ang Kanyang makapangyarihan at namamalaging lakas,1 kung papaanong, parang sa pamamagitan ng Kanyang kamay mismo, ay patuloy Niyang pinangangalagaan ang langit at ang lupa at ang lahat ng nilalang,2 at Kanyang pinamamahalaan ang mga ito ng sa gayon ang dahon at damo, tag-ulan at tag-tuyot, mabunga at tigang na panahon, pagkain at inumin, kalusugan at karamdaman, kasaganahan at kawalan3 sa katunayan, ang lahat ng bagay, ay hindi dumarating ng ayon sa sapalaran4 kundi sa pamamagitan ng Kanyang mapagpalang kamay bilang Ama.5
1 Jeremias 23:23, 24; Gawa 17:24-28
2 Hebreo 1:3
3 Jeremias 5:24; Gawa 14:15-17; Juan 9:3; Kawikaan 22:2
4 Kawikaan 16:33
5 Mateo 10:29
28.
T. Ano ang kapakinabangan para sa atin na malaman na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at patuloy Niyang inaalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng Kanyang pagkalinga?
S. Tayo ay magiging mapagtiis sa pagsubok,1 Mapagpasalamat sa kasaganaan,2 At sa pagharap sa kinabukasan ay magkaroon tayo ng matatag na katiyakan sa ating matapat na Diyos at Ama na walang anumang nilikha ang makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang pag-ibig;3 Sapagkat ang lahat ng nilikha ay lubusang nasa ilalim ng Kanyang kapangyarihan at maliban sa Kanyang kalooban ay ni hindi sila makakikilos.4
1 Job 1:21, 22; Awit 39:10; Santiago 1:3
2 Deuteronomio 8:10; 1 Tesalonica 5:18
3 Awit 55:22; Roma 5:3-5; 8:38, 39
4 Job 1:12; 2:6; Kawikaan 21:1; Gawa 17:24-28
ARAW NG PANGINOON XI
29.
T. Bakit tinawag na Jesus ang Anak ng Diyos na ang ibig sabihin ay Tagapagligtas?
S. Sapagkat inililigtas Niya tayo sa lahat ng ating mga kasalanan1 At sapagkat ang kaligtasan ay hindi matatagpuan o masusumpungan kaninuman.2
1 Mateo 1:21; Hebreo 7:25
2 Isaias 43:11; Juan 15:4-5; Gawa 4:11-12; 1 Timoteo 2:5
30.
T. Naniniwala nga ba sa tanging Tagapagligtas na si Jesus ang mga naghahanap ng kanilang kaligtasan at katiwasayan sa mga santo, sa kanilang sarili o sa kung saan pa man?
S. Hindi. Bagamat ipinagmamalaki nila Siya sa kanilang pananalita, sa katunayan ay ipinagkakaila nila ang tanging Tagapagligtas na si Jesus.1 sapagkat isa sa dalawang bagay lamang ang maaaring maging totoo: na si Jesus ay hindi ganap na Tagapagligtas, o yung mga tumanggap sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya sa Tagapagligtas na ito ay dapat sa Kanya lamang hanapin ang lahat ng kailangan para sa kanilang ikaliligtas.2
1 1 Corinto 1:12, 13; Galacia 5:4
2 Colosas 1:19, 20; 2:10; 1 Juan 1:7
ARAW NG PANGINOON XII
31.
T. Bakit Siya tinatawag na Cristo na ang ibig sabihin ay pinahiran ng langis?
S. Sapagkat Siya ay itinalaga ng Diyos Ama, at hinirang sa pamamagitan ng Banal na Espiritu1 na maging ating Punong Propeta at Guro2 na Siyang lubos na nagpahayag sa atin ng lihim na payo at kalooban ng Diyos tungkol sa ating katubusan;3 na maging ating tanging Punong Saserdote4 na Siyang nagtubos sa atin sa pamamagitan ng minsanang pag-alay ng Kanyang buhay bilang handog5 at Siyang nagpapatuloy na namamagitan para sa atin sa harapan ng Ama;6 at maging ating walang hanggang Hari7 na Siyang namamahala sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita at spiritu, at Siyang nagtatanggol at nag-iingat sa atin sa katubusang tinamo Niya para sa atin.8
1 Awit 45:7 (Hebreo 1:9); Isaias 61:1 (Lukas 3:21-22; 4:18)
2 Deuteronomio 18:15 (Gawa 3:22)
3 Juan 1:18; 15:15
4 Awit 110:4 (Hebreo 7:17)
5 Hebreo 9:12; 10:11-14
6 Roma 8:34; Hebreo 9:24; 1 Juan 2:1
7 Zacarias 9:9 (Matt. 21:5); Lukas 1:33
8 Mateo 28:18-20; Juan 10:28; Apocalipsis 12:10, 11
32.
T. Bakit ka tinatawag na Kristiyano?
S. Sapagkat ako ay kasapi kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya1 at dahil dito ako ay nakikibahagi sa Kanyang pagkahirang2 ng sa gayon, bilang propeta ay maaari kong ipahayag ang Kanyang pangalan3 bilang saserdote ay ialay ko ang aking sarili bilang haing buhay ng pasasalamat sa Kanya,4 at bilang hari ay magpursigi ng may malaya at mabuting budhi laban sa kasalanan at sa diyablo sa buhay na ito5 at sa susunod na buhay magharing kasama Niya magpakailanman sa lahat ng mga nilikha.6
1 1 Corinto 12:12-27
2 Joel 2:28 (Gawa 2:17); 1 Juan 2:27
3 Mateo 10:32; Roma 10:9, 10; Hebreo 13:15
4 Roma 12:1; 1 Pedro 2:5, 9
5 Galacia 5:16, 17; Efeso 6:11; 1 Timoteo 1:18, 19
6 Mateo 25:34; 2 Timoteo 2:12
ARAW NG PANGINOON XIII
33.
T. Bakit Siya tinawag na bugtong na Anak ng Diyos yamang tayo rin naman ay mga anak ng Diyos?
S. Sapagkat si Cristo lamang ang walang pasimula at walang hanggang, likas na Anak ng Diyos.1 Sa ganang atin nama’y mga anak tayo ng Diyos sa pagka-ampon sa pamamagitan ng biyaya at para kay Cristo.2
1 Juan 1:1-3, 14, 18; 3:16; Roma 8:32; Hebreo 1; 1 Juan 4:9
2 Juan 1:12; Roma 8:14-17; Galacia 4:6; Efeso 1:5, 6
34.
T. Bakit mo Siya tinatawag na ating Panginoon?
S. Sapagkat tayo ay Kanyang tinubos, katawan at kaluluwa,1 mula sa ating mga kasalanan, hindi sa pamamagitan ng pilak o ginto kundi sa pamamagitan ng Kanyang napakahalagang dugo,2 at pinalaya Niya tayo mula sa lahat ng kapangyarihan ng diyablo upang gawing Kanyang sariling pag-aari.3
1 1 Corinto 6:20; 1 Timoteo 2:5, 6
2 1 Pedro 1:18, 19
3 Colosas 1:13, 14; Hebreo 2:14, 15
ARAW NG PANGINOON XIV
35.
T. Ano ang iyong ipinapahayag kapag sinasabi mong: Siya ay ipinaglihi sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu at ipinanganak ng Birheng si Maria?
S. Ang walang pasimula at walang hanggang Anak ng Diyos, na Siya rin naman at nananatiling tunay na Diyos na walang pasimula at walang hanggan,1 ay nag-ako sa Kanyang sarili ng tunay na kalikasang tao mula sa laman at dugo ng birheng si Maria,2 sa pamamagitan ng pagkilos ng Banal na Espiritu.3 Kung kayat Siya rin ang tunay na binhi ni David,4 at katulad ng Kanyang mga kapatid sa lahat ng bagay5 ngunit walang kasalanan.6
1 Juan 1:1; 10:30-36; Roma 1:3; 9:5; Colosas 1:15-17; 1 Juan 5:20
2 Mateo 1:18-23; Juan 1:14; Galacia 4:4; Hebreo 2:14
3 Lukas 1:35
4 2 Samuel 7:12-16; Awit 132:11; Mateo 1:1; Lukas 1:32; Roma 1:3
5 Filipos 2:7; Hebreo 2:17
6 Hebreo 4:15; 7:26, 27
36.
T. Anong pakinabang ang iyong matatanggap mula sa banal na pagkakalihi at pagkapanganak ni Cristo?
S. Siya ang ating Tagapamagitan,1 at sa pamamagitan ng Kanyang kawalang-sala at ganap na kabanalan ay tinatakpan Niya mula sa paningin ng Diyos ang aking minanang kasalanan kung saan ako ay ipinaglihi at ipinanganak.2
1 1 Timoteo 2:5, 6; Hebreo 9:13-15
2 Roma 8:3, 4; 2 Corinto 5:21; Galacia 4:4, 5; 1 Pedro 1:18, 19
ARAW NG PANGINOON XV
37.
T. Ano ang iyong ipinapahayag kapag sinasabi mong Siya ay nagdusa?
S. Sa lahat ng panahong namuhay Siya sa daigdig, at mas lalo na noong bandang huli, pinagtiisan ni Cristo sa Kanyang katawan at kaluluwa ang pagkapoot ng Diyos laban sa kasalanan ng buong sanlibutan.1 Kung kaya sa pamamagitan ng kanyang pagdurusa bilang tanging handog na pantubos,2 tinubos Niya ang ating katawan at kaluluwa mula sa walang hanggang kapahamakan,3 at natamo Niya para sa atin ang biyaya ng Diyos, katuwiran at buhay na walang hanggan.4
1 Isaias 53; 1 Timoteo 2:6; 1 Pedro 2:24; 3:18
2 Roma 3:25; 1 Corinto 5:7; Efeso 5:2; Hebreo 10:14; 1 Juan 2:2; 4:10
3 Roma 8:1-4; Galacia 3:13; Colossas 1:13; Hebreo 9:12; 1 Pedro 1:18, 19
4 Juan 3:16; Roma 3:24-26; 2 Corinto 5:21; Hebreo 9:15
38.
T. Bakit Siya nagdusa sa ilalim ng paglilitis ni Poncio Pilato bilang hukom?
S. Bagama’t walang-sala, si Cristo ay hinatulan ng isang hukom na tao,1 at sa gayong paraan ay pinalaya Niya tayo mula sa mabigat na kahatulan ng Diyos na ipapataw sana sa atin.2
1 Lukas 23:13-24; Juan 19:4, 12-16
2 Isaias 53:4, 5; 2 Corinto 5:21; Galacia 3:13
39.
T. Mayroon bang mahalagang kahulugan ang pagkapako ni Cristo sa krus sa halip na mamatay Siya sa ibang pamaraan?
S. Oo. Sa gayong pamaraan ako ay nakatitiyak na inako Niya sa Kanyang sarili ang sumpang nararapat para sa akin, sapagkat sinumpa ng Diyos ang sinumang ipinako sa krus upang mamamtay.1
1 Deuteronomio 21:23; Galacia 3:13
ARAW NG PANGINOON XVI
40.
T. Bakit kinakailangang magpakumbaba pa si Cristo hanggang kamatayan?
S. Sapagkat ito ang hinihingi ng katarungan at katotohanan ng Diyos1 Ang bayad-pinsala para sa ating mga kasalanan ay hindi magagawa sa ibang paraan maliban sa kamatayan ng Anak ng Diyos.2
1 Genesis 2:17
2 Roma 8:3; Filipos 2:8; Hebreo 2:9, 14-15
41.
T. Bakit Siya inilibing?
S. Ang Kanyang paglibing ay patotoo na tunay nga Siyang namatay.1
1 Isaias 53:9; Juan 19:38-42; Gawa 13:29; 1 Corinto 15:3-4
42.
T. Kung si Cristo ay namatay na para sa atin, bakit kinakailangan pa nating mamatay?
S. Ang ating kamatayan ay hindi bayad para sa ating mga kasalanan, sa halip tinatapos nito ang ating pagkakasala at siyang daan patungo sa buhay na walang hanggan.1
1 Juan 5:24; Filipos 1:21-23; I Tesalonica 5:9-10
43.
T. Ano pang pakinabang ang natatanggap natin mula sa pagpapakasakit at kamatayan ni Cristo sa krus?
S. Sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo ang ating lumang pagkatao ay napako sa krus, namatay at nailibing ng kasama Niya1 Upang ang masasamang pita ng laman ay hindi na maghari sa atin,2 Kundi ma-iaalay na natin ang ating mga sarili sa Kanya bilang isang handog ng pasasalamat.3
1 Roma 6:5-11; Colosas 2:11-12
2 Roma 6:12-14
3 Roma 12:1; Efeso 5:1-2
44.
T. Bakit idinagdag ang katagang, “nanaog Siya sa impiyerno?”
S. Ng sa gitna ng aking matinding kabalisahan at tukso, ako ay makatiyak at maaliw sa katotohanang ang aking Panginoong Jesu-Cristo sa pamamagitan ng Kanyang hindi maisalarawang hapis, sakit, takot, at paghihirap na Kanyang tiniis sa lahat ng Kanyang pagdurusa 1 at mas higit pa noong Siya ay nasa krus, ay iniligtas na Niya ako mula sa hapis at pagdurusa ng impiyerno.2
1 Awit 18:5, 6; 116:3; Mateo 26:36-46; 27:45, 46; Hebreo 5:7-10
2 Isaias 53
ARAW NG PANGINOON XVII
45.
T. Paano ba tayo makikinabang sa muling pagkabuhay ni Cristo?
S. Una, sa pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay ay nagapi niya ang kamatayan, ng sa gayon ay magawa niya tayong makabahagi sa katuwiran na kanyang tinamo para sa atin sa pamamagitan ng kanyang kamatayan.1 Pangalawa, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan tayo rin ay ibinangon sa isang bagong buhay.2 Pangatlo, ang muling pagkabuhay ni Cristo ay isang tiyak na pangako sa atin ng ating maluwalhating muling pagkabuhay. 3
1 Roma 4:25; 1 Corinto 15:16-20; 1 Pedro 1:3-5
2 Roma 6:5-11; Efeso 2:4-6; Colosas 3:1-4
3 Roma 8:11; 1 Corinto 15:12-23; Filipos 3:20-21
46.
T. Ano ang iyong ipinapahayag kapag sinasabi mong umakyat siya sa langit?
S. Na si Cristo, sa harapan mismo ng kanyang mga alagad, ay itinaas mula lupa patungo sa langit,1 at siya’y mananatili doon para sa ating kapakinabangan2 hanggang sa kanyang muling pagbabalik upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay.3
1 Marcos 16:19; Lukas 24:50, 51; Gawa 1:9-11
2 Roma 8:34; Hebreo 4:14; 7:23-25; 9:24
3 Mateo 24:30; Gawa 1:11
47.
T. Kung gayon, ibig bang sabihin nito na hindi natin kasama ngayon si Cristo hanggang sa katapusan ng mundo tulad ng ipinangako niya?1
S. Si Cristo ay tunay na tao at tunay na Diyos. Sa kanyang kalikasang tao, si Cristo ay wala ngayon sa mundo,2 ngunit sa kanyang pagka-diyos, karingalan, biyaya, at espiritu siya ay hindi nawawala sa atin.3
1 Mateo 28:20
2 Mateo 26:11; Juan 16:28; 17:11; Gawa 3:19-21; Hebreo 8:4
3 Mateo 28:18-20; Juan 14:16-19; 16:13
48.
T. Ngunit hindi ba nahihiwalay sa isa’t-isa ang dalawang kalikasan ni Cristo kung ang kanyang kalikasang tao ay hindi nakakasama ng kanyang pagka-diyos saan man ito maparoon?
S. Tunay na hindi, sapagkat ang kanyang pagka-diyos ay walang hangganan at sumasalahat ng dako.1 Samakatuwid ang Kanyang pagka-diyos ay mas nakahihigit pa kay sa Kanyang kalikasang tao. Gayun pa man ang Kanyang pagka-diyos ay nananatiling kasama at kaisa ng Kanyang kalikasang tao.2
1 Jeremias 23:23, 24; Gawa 7:48-49
2 Juan 1:14; 3:13; Colosas 2:9
ARAW NG PANGINOON XVIII
49.
T. Paano tayo nakikinabang sa pag-akyat ni Cristo sa langit?
S. Una, siya ang ating Tagapagtanggol sa harap ng kaniyang Ama sa langit.1 Pangalawa, ang ating kasin-laman ay nasa langit bilang tiyak na kasiguruhan na Siya, na ating Pinuno, ay dadalhin tayo, na Kaniyang mga kasapi, sa Kaniyang sarili.2 Pangatlo, sinugo Niya ang Kaniyang Espiritu sa atin bilang isa pang kasiguruhan3 na sa pamamagitan ng tulong Niya ay pinagsusumakitan natin ang mga bagay na makalangit, kung saan naroroon si Cristo na nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos, at hindi ang mga bagay na makasanlibutan.4
1 Roma 8:34; 1 Juan 2:1
2 Juan 14:2; 17:24; Efeso 2:4-6
3 Juan 14:16; Gawa 2:33; 2 Corinto 1:21, 22; 5:5
4 Colosas 3:1-4
50.
T. Bakit idinugtong ang katagang, at Siya’y naluklok sa kanang kamay ng Diyos?
S. Si Cristo’y umakyat sa langit upang ipamalas ang sarili doon na Siya ang ulo ng kaniyang iglesiya1 na sa pamamagitan Niya ay pinamamahalaan ng Ama ang lahat ng bagay. 2
1 Efeso 1:20-23; Colosas 1:18
2 Mateo 28:18; Juan 5:22, 23
ARAW NG PANGINOON XIX
51.
T. Paanong ang kaluwalhatian ni Cristo na ating Ulo ay nagiging pakinabang sa atin?
S. Una, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay ibinubuhos Niya ang mga kaloob na mula sa langit sa atin na mga bahagi ng Kanyang katawan.1 Pangalawa, sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan ay ipinagsasanggalang at iniingatan Niya tayo laban sa lahat ng kaaway.2
1 Gawa 2:33; Efeso 4:7-12
2 Awit 2:9; 110:1, 2; Juan 10:27-30; Apokalipsis 19:11-16
52.
T. Anong kaaliwan ang idinudulot sa iyo na muling babalik si Cristo upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay?
S. Sa lahat ng kapighatian at pag-uusig na aking nararanasan ay taas-noo at may pananabik akong naghihintay sa Hukom na mula sa langit na siya rin namang nagpasa-ilalim sa kahatulan ng Diyos alang-alang sa akin, at sa gayong pamaraan ay inalis ang lahat ng sumpa mula sa akin.1 Isasadlak Niya ang lahat ng Kanyang kaaway at aking kaaway sa walang hanggang paghatol, ngunit ako at ang lahat ng Kanyang hinirang ay daldalhin Niya sa Kanyang presensiya sa kagalakan at kaluwalhatian ng langit.2
1 Lukas 21:28; Roma 8:22-25; Filipos 3:20, 21; Tito 2:13, 14
2 Mateo 25:31-46; 1 Tesalonica 4:16, 17; 2 Tesalonica 1:6-10
ARAW NG PANGINOON XX
53.
T. Ano ang iyong pinaniniwalaan tungkol sa Banal na Espiritu?
S. Una, na Siya, kasama ng Ama at ng Anak, ay tunay at walang-pasimula at walang-hanggang Diyos.1 Pangalawa, Siya ay ibinigay din sa akin,2 upang sa pamamagitan ng tunay na pananampalatya ako ay makibahagi kay Cristo at sa lahat ng Kaniyang pakinabang3 upang aliwin ako4 at upang makasama ko magpakailanman.5
1 Genesis 1:1, 2; Mateo 28:19; Gawa 5:3, 4; 1 Corinto 3:16
2 1 Corinto 6:19; 2 Corinto 1:21, 22; Galacia 4:6; Efeso 1:13
3 Galacia 3:14; 1 Peter 1:2
4 Juan 15:26; Gawa 9:31
5 Juan 14:16, 17; 1 Pedro 4:14
ARAW NG PANGINOON XXI
54.
T. Ano ang iyong pinaniniwalaan tungkol sa banal na Cristianong iglesyang laganap?
S. Nananamplataya ako na ang Anak ng Diyos,1 mula sa kabuuhan ng lahi ng sangkatauhan,2 mula sa pasimula ng sanlibutan hanggang sa katapusan nito,3 ay tinitipon, ipinagsasanggalang at iningatan para sa Kanyang sarili,4 sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu at Salita5 sa pagkaka-isa ng tunay na pananampalataya, 6 ang iglesyang itinalaga sa buhay na walang hanggan.7 At ako’y nananampalatya na ako ngayon8 at magpakailanman ay mamamalaging buhay na kaanib nito. 9
1 Juan 10:11; Gawa 20:28; Efeso 4:11-13; Colosas 1:18
2 Genesis 26:4; Apokalipsis 5:9
3 Isaias 59:21; 1 Corinto 11:26
4 Awit 129:1-5; Mateo 16:18; Juan 10:28-30
5 Roma 1:16; 10:14-17; Efeso 5:26
6 Gawa 2:42-47; Efeso 4:1-6
7 Roma 8:29; Efeso 1:3-14
8 1 Juan 3:14, 19-21
9 Awit 23:6; Juan 10:27, 28; 1 Corinto 1:4-9; 1 Pedro 1:3-5
55.
T. Ano ang iyong pagkaunawa sa kapulungan ng mga banal?
S. Una, na ang mga mananampalataya, ang lahat at ang bawat isa, bilang mga kaanib kay Cristo ay may kaugnayan sa Kanya at nakikibahagi sa lahat ng Kanyang kayamanan at mga kaloob.1 Pangalawa, na ang bawat isa ay may tungkuling gamitin ang kanyang mga kaloob ng walang pag-alinlangan at may kagalakan para sa pakinabang ng iba pang mga kaanib.2
1 Roma 8:32; 1 Corinto 6:17; 12:4-7, 12, 13; 1 Juan 1:3
2 Roma 12:4-8; 1 Corinto 12:20-27; 13:1-7; Filipos 2:4-8
56.
T. Ano ang iyong pinaniniwalaan tungkol sa kapatawaran ng kasalanan?
S. Nananampalataya ako na ang Diyos, bunga ng kasiyahang dulot ni Cristo, ay hindi na aalalahanin pa ang aking mga kasalanan,1 pati na ang pagkamakasalanan ko na siyang kinakailangan kong labanan sa buong buhay ko2 sa halip buong giliw Niyang ipinagkakaloob sa akin ang katuwiran ni Cristo ng hindi na ako umabot pa sa paghatol.3
1 Awit 103:3, 4, 10, 12; Mikas 7:18, 19; 2 Corinto 5:18-21; I Juan 1:7; 2:2
2 Roma 7:21-25
3 Juan 3:17, 18; 5:24; Roma 8:1, 2
ARAW NG PANGINOON XXII
57.
T. Anong kaaliwan ang idinudulot sa iyo ng muling pagkabuhay ng katawan?
S. Hindi lamang ang aking kaluluwa matapos ng buhay na ito ang dadalhin kaagad kay Cristo, na siyang aking ulo1 kundi pati itong aking katawan, binuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Cristo ay muling pagsasamahin sa aking kaluluwa at gagawing katulad ng niluwalhating katawan ni Cristo.2
1 Lukas 16:22; 23:43; Filipos 1:21-23
2 Job 19:25, 26; 1 Corinto 15:20, 42-46, 54; Filipos 3:21; 1 Juan 3:2
58.
T. Anong kaaliwan ang iyong natatanggap sa artikulong tungkol sa buhay na walang hanggan?
S. Dahil sa ngayon pa lamang ay nadarama ko na sa aking puso ang panimula ng kagalakang walang hanggan,1 aking tatamasahin matapos ng buhay na ito ang ganap na kaligayahan na wala pang matang nakakita, o ng taingang nakarinig o nalirip ng puso ninuman – isang kaligayahang magpupuri sa Diyos magpakailanman.2
1 Juan 17:3; Roma 14:17; 2 Corinto 5:2, 3
2 Juan 17:24; 1 Corinto 2:9
ARAW NG PANGINOON XXIII
59.
T. Ngunit anong tulong ang maidudulot nito sa iyo ngayong pinanampalatayanan mo ang lahat ng ito?
S. Kay Cristo ako ay matuwid sa harapan ng Diyos at tagapagmana ng buhay na walang hanggan.1
1 Habakuk 2:4; Juan 3:36; Roma 1:17; 5:1, 2
60.
T. Paano ka naging matuwid sa harapan ng Diyos?
S. Sa pamamagitan lamang ng tunay na pananamplataya kay Jesu-Cristo.1 Kahit na ako’y sinusumbatan ng aking budhi na ako’y lubhang nagkasala laban sa lahat ng kautusan ng Diyos, na hindi ko sinunod ang alin man sa mga ito,2 At na ako’y nakakiling pa rin sa lahat ng kasamaan3 Ngunit ang Diyos, kahit wala akong angking kabutihan4 mula sa biyaya lamang5 Ay inilagak sa akin ang ganap na kasiyahan, katuwiran at kabanalan ni Cristo6 Ipinagkaloob Niya ang mga ito sa akin na parang hindi ako nagkasala ni minsan o nagkaroon man ng anumang kasalanan at parang ako mismo ang gumanap ng lahat ng pagsunod na siyang ginawa ni Cristo para sa akin.7 Kung aking tatanggapin lamang ang kaloob na ito ng may pusong nananampalataya.8
1 Roma 3:21-28; Galacia 2:16; Efeso 2:8, 9; Filipos 3:8-11
2 Roma 3:9, 10
3 Roma 7:23
4 Deuteronomio 9:6; Ezekiel 36:22; Tito 3:4, 5
5 Roma 3:24; Efeso 2:8
6 Roma 4:3-5; 2 Corinto 5:17-19; 1 Juan 2:1, 2
7 Roma 4:24, 25; 2 Corinto 5:21
8 Juan 3:18; Gawa 16:30, 31; Roma 3:22
61.
T. Bakit mo sinasabing ikaw ay matuwid sa pamamagitan lamang ng pananampalataya?
S. Hindi dahil sa ako’y naging katanggap-tanggap sa Diyos bunga ng pagiging karapat-dapat ng aking sariling pananampalataya, sapagkat tanging ang kasiyahan, katuwiran, at kabanalan lamang ni Cristo ang aking katuwiran sa harapan ng Diyos.1 Maaari kong tanggapin ang katuwirang ito at gawing sariling akin sa pamamagitan lamang ng pananampalataya.2
1 1 Corinto 1:30, 31; 2:2
2 Roma 10:10; 1 Juan 5:10-12
ARAW NG PANGINOON XXIV
62.
T. Ngunit bakit hindi maaaring ang ating mabubuting gawa ang siyang maging ating katuwiran sa harapan ng Diyos o kahit na maliit na bahagi man lang nito?
S. Sapagkat ang katuwirang maaaring makapasa sa pagsusuri ng Diyos ay yun lamang lubusang ganap at puspusang sumasang-ayon sa kautusan ng Diyos.1 Kung tutuusin kahit ang pinakamabuti nating mga gawa sa buhay na ito ay di-ganap at nadungisan ng kasalanan.2
1 Deuteronomio 27:26; Galacia 3:10
2 Isaias 64:6
63.
T. Subalit wala nga bang maitutulong sa atin ang ating mabubuting gawa kahit na nangako naman ang Diyos na gagantimpalaan Niya ang mga ito ngayon at sa susunod na buhay?
S. Ang gantimpalang ito ay hindi mapagsisikapan.1 Ito ay kaloob na biyaya.2
1 Mateo 5:12; Hebreo 11:6
2 Lukas 17:10; 2 Timoteo 4:7, 8
64.
T. Di nga ba ginagawang pabaya at masama ang mga tao ng katuruang ito?
S. Hindi. Imposible para sa mga nakahugpong kay Cristo sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya ang hindi mamunga ng mga bunga ng pasasalamat.1
1 Mateo 7:18; Lukas 6:43-45; Juan 15:5
ARAW NG PANGINOON XXV
65.
T. Samakatuwid kung sa pamamagitan lamang ng pananampalataya tayo makababahagi kay Cristo at sa lahat ng Kanyang kapakinabangan, saan naman nagmumula ang pananampalatayang ito?
S. Sa Banal na Espiritu1 na Siyang nagpapagana nito sa ating mga puso sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo2 at pinapatibay Niya ito sa pamamagitan ng mga sakramento.3
1 Juan 3:5; 1 Corinto 2:10-14; Efeso 2:8; Filipos 1:29
2 Roma 10:17; 1 Pedro 1:23-25
3 Mateo 28:19, 20; 1 Corinto 10:16
66.
T. Ano nga ba ang mga sakramento?
S. Ang mga sakramento ay mga banal na tanda at tatak na nakikita natin. Ang mga ito’y itinalaga ng Diyos upang sa pamamagitan ng mga ito ay mas ganap pa Niyang maipahayag sa atin at maitatak sa atin ang pangako ng ebanghelyo.1 At ito ang pangako: na ang Diyos ay buong giliw tayong pinatawad sa ating mga kasalanan at binigyan ng buhay na walang hanggan dahil sa nag-iisang pagpapakasakit ni Cristo sa krus.2
1 Genesis 17:11; Deuteronomio 30:6; Roma 4:11
2 Mateo 26:27, 28; Gawa 2:38; Hebreo 10:10
67.
T. Ang Salita ba at mga sakramento ay parehong inilaan upang ituon ang ating pananampalataya sa pagpapakasakit ni Jesu-Cristo sa krus bilang tanging saligan ng ating kaligtasan?
S. Tunay ngang totoo. Itinuturo sa atin ng Banal na Espiritu sa ebanghelyo at tayo’y binibigyan Niya ng katiyakan sa pamamagitan ng mga sakramento na ang kabuuhan ng ating kaligtasan ay nakasalalay sa nag-iisang pagpapakasakit ni Cristo sa krus para sa atin.1
1 Roma 6:3; 1 Corinto 11:26; Galacia 3:27
68.
T. Ilang sakramento ba ang itinalaga ni Cristo sa Bagong Tipan?
S. Dalawa: ang banal na pagbawtismo at ang banal na hapunan.1
1 Mateo 28:19, 20; 1 Corinto 11:23-26
ARAW NG PANGINOON XXVI
69.
T. Papaanong ang banal na bautismo ay nagpapaalala at nagtitiyak sa iyo na ang nag-iisang pagpapakasakit ni Cristo sa krus ay napapakinabangan mo?
S. Sa ganitong paraan: Si Cristo ang nagtatag nitong panlabas na paglilinis na ito1 at kalakip nito ay ang pangako na kung paanong tiyak na nililinis ng tubig ang dumi sa katawan gayon di naman katiyak na ang Kanyang dugo at Espiritu ay naglilinis sa karumihan ng aking kaluluwa kung baga lahat ng aking kasalanan.2
1 Mateo 28:19
2 Mateo 3:11; Marcos 16:16; Juan 1:33; Gawa 2:38; Roma 6:3, 4; 1 Pedro 3:21
70.
T. Ano ang ibig sabihin ng mahugasan sa dugo at Espiritu ni Cristo?
S. Ang ibig sabihin ng mahugasan sa dugo ni Cristo ay ang tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan mula sa Diyos dahil sa dugo ni Cristo na nabubo para sa atin sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakasakit sa krus.1 Ang ibig naman sabihin ng mahugasan sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu ay yaong pagbabago na dulot ng Banal na Espiritu at pagiging banal upang maging kaanib kay Cristo ng sa gayon ay lalo tayong mamatay sa kasalanan at mamuhay ng may kabanalan at walang kapintasan.2
1 Ezekiel 36:25; Zecarias. 13:1; Efeso 1:7; Hebreo 12:24; 1 Pedro 1:2; Apocalipsis 1:5; 7:14
2 Juan 3:5-8; Roma 6:4; 1 Corinto 6:11; Colosas 2:11, 12
71.
T. Saan ipinangako ni Cristo na tayo ay Kanyang huhugasan ng Kanyang dugo at Espiritu kapag tayo ay nahugasan ng tubig ng bautismo?
S. Sa pagtatatag ng bautismo kung saan sinabi Niya: Kaya’t sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.1 Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; ngunit ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.2 Ang pangakong ito ay inulit kung saan tinawag ang bautismo na paghuhugas ng muling kapanganakan at paghuhugas ng mga kasalanan.3
1 Mateo 28:19
2 Marcos 16:16
3 Tito 3:5; Gawa 22:16
ARAW NG PANGINOON XXVII
72.
T.
Ang panlabas na paghuhugas ba na ito ng tubig ay nakalilinis ng mga kasalanan?
S.
Hindi, tanging ang dugo ni JesuCristo at ang Banal na Espiritu lamang ang nakalilinis sa atin sa lahat ng ating mga kasalanan.1
1
Mateo 3:11; 1 Pedro 3:21; 1 Juan 1:7
73.
T.
Bakit tinatawag ng Banal na Espiritu ang bautismo na paghuhugas ng muling kapanganakan at paghuhugas ng mga kasalanan?
S.
Ang Diyos ay nagsasalita sa ganitong pamaraan ng may magandang kadahilanan. Nais Niyang ituro sa atin na ang dugo at Espiritu ni Cristo ang nag-aalis ng mga kasalanan sa atin tulad ng pagtanggal ng tubig sa dumi mula sa katawan. 1 Ngunit, higit pa rito, nais Niyang tiyakin sa atin sa pamamagitan ng banal na pangako at tanda na ito na tayo nga’y tunay na nilinis mula sa ating mga kasalanan sa espirituwal na pamaraan ng ang ating katawa’y nililinis ng tubig. 2
1
1 Corinto 6:11; Apokalipsis 1:5; 7:14
2
Marcos 16:16; Gawa 2:38; Roma 6:3, 4; Galacia 3:27
74.
T.
Ang mga sanggol ba’y dapat ding bautismuhan?
S.
Oo. Ang mga sanggol tulad ng mga matatanda ay kasama sa tipan ng Diyos at ng Kaniyang kongregasyon. 1 Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo ang pagtubos mula sa kasalanan at ang Banal na Espiritu, na Siyang gumagawa ng pananampalataya, ay ipinangako sa kanila tulad ng sa mga matatanda. 2 Samakatuwid, sa pamamagitan ng bautismo, bilang tanda ng tipan, sila ay dapat maihugpong sa iglesiyang Cristiano at kilalaning bukod sa mga anak ng mga hindi mananampalataya. 3 Ito ay ginawa sa lumang tipan sa pamamagitan ng pagtutuli 4 na ang naging kapalit nito, ang pagbautismo ang itinalaga sa bagong tipan. 5
1
Genesis 17:7; Mateo 19:14
2
Awit 22:11; Isaias 44:1-3; Gawa 2:38, 39; 16:31
3
Gawa 10:47; 1 Corinto 7:14
4
Genesis 17:9-14
5
Colosas 2:11-13
ARAW NG PANGINOON XXVIII
75.
T.
Papaanong ang hapunan ng Panginoon ay nagpapaalala at nagtitiyak sa iyo
na nakikibahagi ka sa nag-iisang pagpapakasakit ni Cristo sa krus at sa lahat ng Kanyang mga kaloob?
S.
Sa ganitong paraan: Inutusan ako ni Cristo at ang lahat ng mga mananampalataya na kainin itong pinagpira-pirasong tinapay at uminom sa kopang ito bilang pag-alaala sa Kanya. Kalakip ng utos na ito ay ibinigay Niya ang mga pangakong ito: 1 Una, kung paanong nakikita ng aking mga mata ang tinapay ng Panginoon na pinagpira-piraso para sa akin at ang kopa ay ibinigay sa akin, gayon din katiyak na ang Kanyang katawan ay inialay para sa akin at ang Kanyang dugo ay nabubo para sa akin doon sa krus. Pangalawa, kung paanong tinatanggap ko mula sa kamay ng ministro at natitikman ng aking bibig ang tinapay at ang kopa ng Panginoon bilang mga tunay na tanda ng katawan at dugo ni Cristo, gayon din katiyak na Siya mismo ang magpapalakas at magbabago sa aking kaluluwa tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang katawang ipinako sa krus at dugong nabubo doon.
1
Mateo 26:26-28; Marcos 14:22-24; Lukas 22:19, 20; 1 Corinto 11:23-25
76.
T.
Ano ang ibig sabihin ng kainin ang katawan ni Cristong napako sa krus at inumin ang Kanyang dugong nabubo doon?
S.
Una, na tanggapin ng may pusong nananalig ang kabuuhan ng pagpapakasakit at kamatayan ni Cristo at sa gayong paraan ay tanggapin ang kapatawaran ng mga kasalanan at buhay na walang hanggan. 1 Pangalawa, na lubos-lubusang makikiisa sa Kanyang banal na katawan sa pamamagitan ng Banal na Espritu na nananahang pareho kay Cristo at sa atin. 2 Samakatuwid kahit na si Cristo ay nasa langit 3 at tayo nama’y nasa lupa, gayunpaman tayo ay laman ng Kanyang laman at buto ng Kanyang buto, 4 At magpasawalang-hanggan tayong mabubuhay at pangangasiwaan ng nag-iisang Espiritu kagaya ng mga sangkap ng ating katawan na nasasakop ng nag-iisang kaluluwa.5
1
Juan 6:35, 40, 50-54
2
Juan 6:55, 56; 1 Corinto 12:13
3
Gawa 1:9-11; 3:21; 1 Corinto 11:26; Colosas 3:1
4
1 Corinto 6:15, 17; Efeso 5:29, 30; 1 Juan 4:13
5
Juan 6:56-58; 15:1-6; Efeso 4:15, 16; 1 Juan 3:24
77.
T.
Saan ipinangako ni Cristo na palalakasin at babaguhin Niya ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng Kanyang katawan at dugo sa tuwing kakain sila ng pinagpira-pirasong tinapay at uminom sa kopang ito?
S.
Sa pagtatatag ng hapunan ng Panginoon: Ang Panginoong Jesus noong gabing Siya’y ipinagkanulo ay kumuha ng tinapay at matapos na magpasalamat ay pinagpira-piraso ito at sinabi, “Ito’y aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.” Sa gayunding paraan ay kinuha Niya ang kopa, pagkatapos maghapunan, na sinasabi, “Gawin ninyo ito tuwing kayo’y iinom nito, sa pag-aalaala sa akin.” Sapagkat sa tuwing kainin ninyo ang tinapay na ito at inuman ang kopa, ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa dumating Siya. Ang pangakong ito ay inulit ni Pablo kung saan ay sinabi niya: Ang kopa ng pagpapala na ating pinagpapala, hindi ba ito’y pakikisalo sa dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputul-putol, hindi ba ito’y pakikisalo sa katawan ni Cristo? Sapagkat may isang tinapay, tayong marami ay iisang katawan, sapagkat tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay. 1
1
1 Corinto 11:23-26; 10:16-17
ARAW NG PANGINOON XXIX
78.
T.
Ang tinapay at alak nga ba ay nagiging tunay na katawan at dugo ni Cristo?
S.
Hindi. Kung paanong ang tubig ng bautismo ay hindi nagiging dugo ni Cristo at hindi ito ang mismong nag-aalis ng kasalanan kundi isa lamang itong tanda at pangako ng Diyos, 1 gayun din naman ang tinapay sa hapunan ng Panginoon ay hindi nagiging katawan mismo ni Cristo, 2 kahit na ito ay tinatawag na katawan ni Cristo 3 na sang-ayon sa kalikasan at pag-gamit ng mga sacramento. 4
1
Efeso 5:26; Tito 3:5
2
Mateo 26:26-29
3
1 Corinto 10:16, 17; 11:26-28.
4
Genesis 17:10, 11; Exodo 12:11, 13; 1 Corinto 10:3, 4; 1 Pedro 3:21.
79.
T.
Kung gayon bakit tinatawag ni Cristo ang tinapay na Kanyang katawan at ang kopa na Kanyang dugo, o ang bagong tipan sa Kanyang dugo, at bakit sinasabi rin ni Pablo ang pakikibahagi sa katawan at dugo ni Cristo?
S.
Si Cristo ay nagsasalita ng ganito ng may magandang dahilan: Nais Niya tayong turuan sa pamamagitan ng Kanyang hapunan na kung paanong ang tinapay at alak ay nagbibigay-lakas sa ating makalupang buhay gayon din naman ang Kanyang katawang napako sa krus at dugong nabubo ay tunay na pagkain at inumin ng ating mga kaluluwa tungo sa buhay na walang hanggan. 1 Ngunit, at higit pang mas mahalaga, nais Niyang tiyakin sa atin sa pamamagitan nitong nakikitang tanda at pangako, una, na sa pamamagitan ng pagkilos ng Banal na Espiritu tayo ay nakikibahagi sa Kanyang tunay na katawan at dugo gaya ng pagtanggap natin sa ating mga bibig ng mga banal na tandang ito bilang pag-aalaala sa Kanya, 2 at, pangalawa, na ang lahat ng Kanyang paghihirap at pagsunod ay tiyak na para sa atin na para ngang tayo mismo ang naghirap at nagbayad para sa ating mga kasalanan. 3
1
Juan 6:51, 55
2
1 Corinto 10:16, 17; 11:26
3
Roma 6:5-11
80.
T.
Ano ang pagkakaiba ng hapunan ng Panginoon sa misa ng papa (ng mga Romano Katoliko)?
S.
Pinatototohanan ng hapunan ng Panginoon sa atin, una, na tayo ay may lubos na kapatawaran sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng nag-iisang paghandog ni JesuCristo na Siya mismong gumanap sa krus minsan para sa lahat; 1 at, pangalawa, na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu tayo ay inihugpong na kay Cristo, 2 na sa Kanyang tunay na katawan ay ngayo’y nasa langit sa kanang kamay ng Ama, 3 at dito Niya ninanais na Siya’y sambahin 4 Subalit itinuturo ng misa, una, na ang mga buhay at ang mga patay ay walang kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng paghandog ni Cristo malibang Siya’y ialay muli araw-araw ng mga pari; at, pangalawa, na si Cristo sa Kanyang katawan ay nasa anyo ng tinapay at alak, at doon ay dapat sambahin. Samakatuwid ang misa ay walang iba kundi pagtanggi sa nag-iisang paghandog ni JesuCristo at isang kasumpa-sumpang pagsamba sa mga Diyos-Diyosan.
1
Mateo 26:28; Juan 19:30; Hebreo 7:27; 9:12, 25, 26; 10:10-18
2
1 Corinto 6:17; 10:16, 17
3
Juan 20:17; Gawa 7:55, 56; Hebreo 1:3; 8:1
4
Juan 4:21-24; Filipos 3:20; Colosas 3:1; 1 Tesalonica 1:10
ARAW NG PANGINOON XXX
80.
T.
Ano ang pagkakaiba ng hapunan ng Panginoon sa misa ng papa (ng mga Romano Katoliko)?
S.
Pinatototohanan ng hapunan ng Panginoon sa atin, una, na tayo ay may lubos na kapatawaran sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng nag-iisang paghandog ni JesuCristo na Siya mismong gumanap sa krus minsan para sa lahat; 1 at, pangalawa, na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu tayo ay inihugpong na kay Cristo, 2 na sa Kanyang tunay na katawan ay ngayo’y nasa langit sa kanang kamay ng Ama, 3 at dito Niya ninanais na Siya’y sambahin 4 Subalit itinuturo ng misa, una, na ang mga buhay at ang mga patay ay walang kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng paghandog ni Cristo malibang Siya’y ialay muli araw-araw ng mga pari; at, pangalawa, na si Cristo sa Kanyang katawan ay nasa anyo ng tinapay at alak, at doon ay dapat sambahin. Samakatuwid ang misa ay walang iba kundi pagtanggi sa nag-iisang paghandog ni JesuCristo at isang kasumpa-sumpang pagsamba sa mga Diyos-Diyosan.
1
Mateo 26:28; Juan 19:30; Hebreo 7:27; 9:12, 25, 26; 10:10-18
2
1 Corinto 6:17; 10:16, 17
3
Juan 20:17; Gawa 7:55, 56; Hebreo 1:3; 8:1
4
Juan 4:21-24; Filipos 3:20; Colosas 3:1; 1 Tesalonica 1:10
81.
T.
Sino ang nararapat makisalo sa hapag kainan ng Panginoon?
S.
Yun lamang mga tunay na di nasisiyahan sa kanilang sarili gawa ng kanilang mga kasalanan subalit nanampalataya rin namang ang mga ito’y pinatawad na at ang kanilang patuloy na kahinaan ay tinakpan na ng pagpapakasakit at kamatayan ni Cristo, at sila ring nagnanais na lubos-lubusang pagtibayin ang kanilang pananampalataya at magbagong-buhay. Samantalang ang mga hipokrito at lahat ng mga hindi nagsisisi ay kumakain at umiinom ng hatol sa kanilang sarili. 1
1
1 Corinto 10:19-22; 11:26-32
82.
T.
Tatanggapin din ba sa hapunan ng Panginoon ang mga taong nagpapahayag sa pamamagitan ng kanilang pananalita at pamumuhay na sila’y di nananampalataya at di maka-Diyos?
S.
Hindi, sapagkat nilalapastangan nila ang tipan ng Diyos at ang Kanyang poot ay magniningas laban sa buong kongregasyon. 1 Dahil dito, ayon sa utos ni Cristo at ng Kanyang mga apostol, ang iglesyang Cristiano ay obligadong itiwalag ang mga taong ito sa pamamagitan ng mga susi ng kaharian ng langit hanggang sila’y magbagong buhay.
1
Awit 50:16; Isaias 1:11-17; 1 Corinto 11:17-34
ARAW NG PANGINOON XXXI
83.
T.
Ano ang mga susi sa kaharian ng langit?
S.
Ang pagpapahayag ng banal na ebanghelyo at disiplinang pang-iglesya. Sa pamamagitan ng dalawang ito nabubuksan ang kaharian ng langit sa mga mananampalataya at isinasarado sa mga hindi mananampalataya. 1
1
Mateo 16:19; Juan 20:21-23
84.
T.
Paano nabubuksan at nasasarhan ang kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ebanghelyo?
S.
Ayon sa utos ni Cristo, ang kaharian ng langit ay nabubuksan kapag ito ay ipinapahayag at hayagang pinatototohanan sa bawat isa at sa lahat ng mga mananampalataya na tunay ngang pinatawad ng Diyos ang lahat ng kanilang mga kasalanan dahil sa kabutihan ni Cristo at tuwing tinatanggap nila ang pangako ng ebanghelyo sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya. Ang kaharian ng langit ay sinasarhan kapag ito ay ipinapahayag at pinatototohanan sa mga di mananampalataya at mga hipokrito na ang poot ng Diyos at ang walang hanggang sumpa ay nananatili sa kanila hanggat hindi sila nagsisisi. Ayon sa patotoo ng ebanghelyong ito, parehong hahatulan ng Diyos ang mananampalataya at di mananapalataya sa buhay na ito at pati na rin sa darating. 1
1
Mateo 16:19; Juan 3:31-36; 20:21-23
85.
T.
Paanong ang kaharian ng Diyos ay nabubuksan at nasasarhan ng disiplinang pang-iglesya?
S.
Ayon sa utos ni Cristo, ang mga taong nagsasabing sila’y Cristiano ngunit ipinamamalas na hindi maka-cristiano ang kanilang pinaniniwalaan o pamumuhay ay una sa lahat paulit-ulit munang pinagsasabihan sa pamaraang pang-magkapatid. Kung hindi nila tatalikdan ang kanilang kamalian o kasamaan ay ipapaalam ito sa iglesya, na ang ibig sabihin ay sa mga matatanda ng iglesya. Kung hindi pa rin nila papakinggan ang kanilang mga payo, sila’y pagbabawalan na tumanggap ng mga sakramento at sila’y ititiwalag ng mga matatanda sa samahan ng mga Cristiano at ng Diyos mismo sa kaharian ni Cristo. 1 Sila ay muling tatanggapin bilang kaanib ni Cristo at ng iglesia kapag sila’y nangako at nagpakita ng tunay na pagbabago. 2
1
Mateo. 18:15-20; 1 Corinto 5:3-5; 11-13; 2 Tesalonica 3:14, 15
2
Lukas 15:20-24; 2 Corinto 2:6-11
ARAW NG PANGINOON XXXII
86.
T.
Dahil tayo nga ay iniligtas na sa ating kapighatian sa tulong ng biyaya lamang sa pamamagitan ni Cristo, at hindi ayon sa anumang ginawa natin, bakit kinakailangan pa rin nating gumawa ng mga mabubuting gawa?
S.
Sapagkat si Cristo, matapos Niya tayong tubusin sa pamamagitan ng Kanyang dugo ay binabago rin tayo sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu upang maging kawangis Niya, ng sa gayon sa pamamagitan ng ating buong buhay ay maipakita natin na tayo nga ay nagpapasalamat sa Diyos para sa lahat ng Kanyang biyaya 1 at ng Siya ay purihin natin. 2 Higit pa rito, na tayo mismo ay makatiyak sa ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga bunga nito 3 at ng sa pamamagitan ng ating maka-Diyos na pamumuhay ay maakit natin ang ating kapwa kay Cristo. 4
1
Roma 6:13; 12:1, 2; 1 Pedro 2:5-10
2
Mateo 5:16; 1 Corinto 6:19, 20
3
Mateo 7:17, 18; Galacia 5:22-24; 2 Pedro 1:10, 11
4
Mateo 5:14-16; Roma 14:17-19; 1 Pedro 2:12; 3:1, 2
87.
T.
Maliligtas ba yung mga taong hindi nagbabalik-loob sa Diyos mula sa kanilang pamumuhay na walang utang na loob at walang pagsisisi?
S.
Hindi maari sa anumang paraan. Sinasabi ng Kasulatan na walang malaswang tao, sumasamba sa Diyos-Diyosan, mangangalunya, sakim, lasenggo, maninirang-puri, magnanakaw o sinumang gaya ng mga ito ang magmamana ng kaharian ng Diyos.1
1
1 Corinto 6:9, 10; Galacia 5:19-21; Efeso 5:5, 6; 1 Juan 3:14
ARAW NG PANGINOON XXXIII
88.
T.
Sa ilang mga bagay nabubuo ang tunay na pagsisisi o pagbabago ng tao?
S.
Sa dalawang bagay: ang dahan-dahang pagkamatay ng lumang pagkatao at ang pagbubuhay sa bago. 1
1
Roma 6:1-11; 1 Corinto 5:7; 2 Corinto 5:17; Efeso 4:22-24; Colosas 3:5-10
89.
T.
Ano ang dahan-dahang pagkamatay ng lumang pagkatao?
S.
Ito ay taos-pusong pagdadalamhati sa kasalanan na tumutulak sa ating kamuhian at talikdan ito ng lagi at lubus-lubusan. 1
1
Awit 51:3, 4, 17; Joel 2:12, 13; Roma 8:12, 13; 2 Corinto 7:10
90.
T.
Ano ang pagbubuhay sa bagong pagkatao?
S.
Ito ay taos-pusong kagalakan sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo 1 na naguudyok sa ating ikalugod ang mamuhay ng ayon sa kalooban ng Diyos sa lahat ng mabubuting gawa. 2
1
Awit 51:8, 12; Is. 57:15; Roma 5:1; 14:17
2
Roma 6:10, 11; Galacia 2:20
91.
T.
Ano ang mabubuting gawa?
S.
Yun lamang nagmumula sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya 1 na naaayon sa Kautusan ng Diyos 2 at para sa Kanyang kaluwalhatian 3 at hindi base sa ating sariling opinyon o katuruan ng tao. 4
1
Juan 15:5; Roma 14:23; Hebreo 11:6
2
Levitico 18:4; 1 Samuel 15:22; Efeso 2:10
3
1 Corinto 10:31
4
Deuteronomio 12:32; Isaias 29:13; Ezekiel 20:18, 19; Mateo 15:7-9
92.
T.
Ano ang Kautusan ng Diyos?
S.
“Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito, na sinasabi,”
Unang Utos
“Ako ang PANGINOON mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos sa harap ko.”
Ikalawang Utos
“Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na larawan o ng anumang kawangis ng anumang nasa langit sa itaas, o ng nasa lupa sa ibaba, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa. Huwag mo silang yuyukuran, o paglilingkuran man sila; sapagkat akong PANGINOON mong Diyos ay Diyos na mapanibughuin, na aking pinarurusahan ang mga anak dahil sa kasamaan ng mga magulang hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi ng mga napopoot sa akin ngunit pinagpapakitaan ko ng wagas na pag-ibig ang libu-libong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.”
Ikatlong Utos
“Huwag mong babanggitin ang pangalan ng PANGINOON mong Diyos sa walang kabuluhan, sapagkat hindi pawawalng-sala ng PANGINOON ang sinumang gumagamit ng kanyang pangalan sa walang kabuluhan.”
Ikaapat na Utos
“Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. Anim na araw kang gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain; ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa PANGINOON mong Diyos. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw o ang iyong anak na lalaki, ang iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki, ang iyong aliping babae, ang iyong mga baka, ang dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan; sapagkat sa loob ng anim na araw ay ginawa ng PANGINOON ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; kaya’t binasbasan ng PANGINOON ang araw ng Sabbath, at ginawa itong banal.”
Ikalimang Utos
“Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, upang ang iyong mga araw ay humaba sa lupaing ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos.”
Ikaanim na Utos
“Huwag kang papatay.”
Ikapitong Utos
“Huwag kang mangangalunya”
Ikawalong Utos
“Huwag kang magnanakaw”
Ikasiyam na Utos
“Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa.”
Ikasampung Utos
“Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapwa; huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapwa, o ang kanyang aliping lalaki o ang kanyang aliping babae, o ang kanyang baka, o ang kanyang asno, o ang anumang bagay ng iyong kapwa.”
1
Exodo 20:1-17; Deuteronomio 5:6-21
ARAW NG PANGINOON XXXIV
93.
T.
Paano nga ba nahahati ang mga kautusang ito?
S.
Sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay nagtuturo sa atin kung paano tayo dapat mamuhay ng ayon sa ating kaugnayan sa Diyos; ang pangalawa nama’y kung ano ang tungkulin natin sa ating kapwa. 1
1
Mateo 22:37-40
94.
T.
Ano ang hinihingi ng panginoon sa unang utos?
S.
Na alang-alang sa aking sariling kaligtasan ay iwasan ko at layuan ang lahat ng pagsamba sa Diyos-Diyosan, 1 pangkukulam, pamahiin 2 at pananalangin sa mga santo o sa iba pang uri ng mga nilalang. 3 higit pa rito, na ako’y humantong sa tamang pagkilala sa nag-iisang tunay na Diyos, 4 magtiwala sa Kanya lamang, 5 magpasakop sa Kanya ng may taos-pusong pagpapakumbaba 6 at pagtitiis,7 umasa sa Kanya lamang ng lahat ng mabuting bagay 8 at ibigin 9 katakutan,10 at parangalan Siya 11 ng buong puso ko. Sa madaling salita, na talikuran ko ang lahat ng nilalang kaysa gawin ang kaliit-liitang bagay na labag sa Kanyang kalooban. 12
1
1 Corinto 6:9, 10; 10:5-14; 1 Juan 5:21
2
Levitico 19:31; Deuteronomio 18:9-12
3
Mateo 4:10; Apokalipsis 19:10; 22:8, 9
4
Juan 17:3
5
Jeremias 17:5, 7
6
1 Pedro 5:5, 6
7
Roma 5:3, 4; 1 Corinto 10:10; Filipos 2:14; Colosas 1:11; Hebreo 10:36
8
Awit 104:27, 28; Isaias 45:7; Santiago 1:17
9
Deuteronomio 6:5; (Mateo 22:37)
10
Deuteronomio 6:2; Awit 111:10; Kawikaan 1:7; 9:10; Mateo 10:28; 1 Pedro 1:17
11
Deuteronomio 6:13; (Mateo 4:10); Deuteronomio 10:20
12
Mateo 5:29, 30; 10:37-39; Gawa 5:29
95.
T.
Ano ang pagsamba sa mga Diyos-Diyosan?
S.
Ang pagsamba sa mga Diyos-Diyosan ay ang pagkakaroon o pag-gawa ng anumang bagay na kung saan ay inilalagak natin ang ating pagtitiwala sa halip na, o bilang karagdagan, sa nag-iisang tunay na Diyos na nagpakilala ng Kanyang sarili sa Kanyang salita. 1
1
1 Cronica 16:26; Galacia 4:8, 9; Efeso 5:5; Filipos 3:19
ARAW NG PANGINOON XXXV
96.
T.
Ano ang hinihingi ng Diyos sa ikalawang utos?
S.
Hindi tayo dapat gumawa ng imahen ng Diyos sa anumang paraan 1 O sambahin Siya sa anumang pamaraan maliban sa Kanya nang iniutos sa Kanyang Salita. 2
1
Deuteronomio 4:15-19; Isaias 40:18-25; Gawa 17:29; Roma 1:23
2
Levitico 10:1-7; Deuteronomio 12:30; 1 Samuel 15:22, 23; Mateo 15:9; Juan 4:23, 24
97.
T.
Hindi nga ba tayo maaaring gumawa ng anumang imahen kahit kailan?
S.
Ang Diyos ay hindi maisasalarawan at hindi maaaring isalarawan sa anumang pamaraan na makikita. Ang mga nilalang ay maaring maisalarawan, ngunit ipinagbabawal ng Diyos ang gumawa tayo o magkaroon ng anumang imahen ng mga ito upang sambahin sila o paglingkuran ang Diyos sa pamamagitan nila. 1
1
Exodo 34:13, 14, 17; Bilang 33:52; 2 Hari 18:4, 5; Isaias 40:25
98.
T.
Ngunit hindi ba maaaring gamitin ang mga imahen sa mga iglesia bilang tulong sa pag-aaral ng mga pangkaraniwang tao?
S.
Hindi, hindi tayo dapat magmarunong ng higit pa sa Diyos. Nais Niya na ang Kanyang mga hinirang ay turuan hindi sa pamamagitan ng mga inutil na imahen 1 Kundi sa pamamagitan ng buhay na pangangaral ng Kanyang Salita. 2
1
Jeremias 10:8; Habakuk 2:18-20
2
Roma 10:14, 15, 17; 2 Timoteo 3:16, 17; 2 Pedro 1:19
ARAW NG PANGINOON XXXVI
99.
T.
Ano ang hinihingi ng ikatlong utos?
S.
Hindi natin dapat lapastanganin o abusuhin ang pangalan ng Diyos sa pamamagitan ng pagmumura,1 sa panunumpa ng walang katotohanan,2 o sa panunumpang hindi kinakailangan,3 o makibahagi sa ganitong uri ng mga kakila-kilabot na kasalanan sa pamamagitan ng tahimik na pagmamasid.4 sa madaling salita, kinakailangang gamitin natin ang banal na pangalan ng Diyos ng may pagkatakot at paggalang,5 ng maipahayag natin siya ng tama,6 tumawag sa kanya,7 at purihin siya sa lahat ng ating pananalita at ginagawa.8
1
Levitico. 24:10-17
2
Levitico 19:12
3
Mateo 5:37; Santiago 5:12
4
Levitico 5:1; Kawikaan 29:24
5
Awit 99:1-5; Isaias 45:23; Jeremias 4:2
6
Mateo 10:32, 33; Roma 10:9, 10
7
Awit 50:14, 15; 1 Timoteo 2:8
8
Roma 2:24; Colosas 3:17; 1 Timoteo 6:1
100.
T.
Ang paglapastangan ba sa pangalan ng Diyos sa pamamagitan ng panunumpa at pagmumura ay tunay ngang malubhang kasalanan na ang Diyos ay nagagalit pati na sa mga walang ginagawa upang supilin at ipagbawal ang gawaing ito sa abot ng makakaya?
S.
Walang pag-aalinlangang totoo nga,1 sapagkat walang kasalanang hihigit pa rito o magpupukaw sa poot ng Diyos ng higit pa kaysa paglapastangan sa kanyang pangalan. Yan nga ang dahilan kung bakit iniutos niyang kamatayan ang kabayaran nito.2
1
Levitico 5:1
2
Levitico 24:16
ARAW NG PANGINOON XXXVII
101.
T.
Subalit maaari ba tayong manumpa na gamit ang pangalan ng Diyos sa pamaraang may paggalang?
S.
Oo, kapag hinihingi ito ng pamahalaan sa mga nasasakupan nito, o kung hinihingi ng pagkakataon, upang mapanatili at pag-ibayuhin ang katapatan at katotohanan, para sa kaluwalhatian ng Diyos at ikabubuti ng ating kapwa. Ang ganitong panunumpa ay nababatay sa Salita ng Diyos 1 At samakatuwid ay ginamit nga ng tama ng mga banal sa Luma at Bagong Tipan. 2
1
Deuteronomio 6:13; 10:20; Jeremias 4:1, 2; Hebreo 6:16
2
Genesis 21:24; 31:53; Josue 9:15; 1 Samuel 24:22; 1 Hari 1:29, 30; Roma 1:9; 2 Corinto 1:23
102.
T.
Maaari rin ba tayong manumpa sa pamamagitan ng mga santo o ng ibang nilalang?
S.
Hindi. Ang makatuwirang panunumpa ay pagtawag sa Diyos, na Siyang tanging nakakakilala ng puso, na magpatotoo sa katotohanan at parusahan ako kapag ako’y nanumpa ng mali. 1 Walang nilalang ang karapat-dapat sa ganitong karangalan. 2
1
Roma 9:1; 2 Corinto 1:23
2
Mateo 5:34-37; 23:16-22; Santiago 5:12
ARAW NG PANGINOON XXXVIII
103.
T.
Ano ang hinihingi ng Diyos sa ikaapat na utos?
S.
Una, na ang ministeryo ng ebanghelyo at ng mga paaralan ay mapanatili, 1 at lalong-lalo na sa araw ng pamamahinga na ako’y buong sigasig na dadalo sa iglesya ng Diyos 2 upang pakinggan ang Salita ng Diyos, 3 gamitin ang mga sakramento, 4 lantarang tumawag sa Panginoon 5 at magbigay ng mga Kristiyanong tulong para sa maralita. 6 Pangalawa, na sa lahat ng araw ng aking buhay ako’y mamahinga sa aking masasamang gawain at hayaang kumilos ang Panginoon sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ng sa gayon masimulan sa buhay na ito ang walang hanggang sabbath. 7
1
Deuteronomio 6:4-9; 20-25; 1 Corinto 9:13, 14; 2 Timoteo 2:2; 3:13-17; Tito 1:5
2
Deuteronomio 12:5-12; Awit 40:9, 10; 68:26; Gawa 2:42-47; Hebreo 10:23-25
3
Roma 10:14-17; 1 Corinto 14:26-33; 1 Timoteo 4:13
4
1 Corinto 11:23, 24
5
Colosas 3:16; 1 Timoteo 2:1
6
Awit 50:14; 1 Corinto 16:2; 2 Corinto 8 at 9
7
Isaias 66:23; Hebreo 4:9-11
ARAW NG PANGINOON XXXIX
104.
T.
Ano ang hinihingi ng Diyos sa ikalimang utos?
S.
Na ipamalas ko ang paggalang, pag-ibig at katapatan sa aking ama at ina at sa lahat ng mga may kapangyarihan sa akin, magpasakop ng may nararapat na pagsunod sa kanilang mabuting tuntunin at pagtutuwid, 1 At pati na rin ang pagtitiyaga sa kanilang kahinaan at kakulangan 2 Dahil kalooban ng Diyos na tayo’y pangasiwaan sa pamamagitan ng kanilang kamay. 3
1
Exodo 21:17; Kawikaan 1:8; 4:1; Roma 13:1, 2; Efeso 5:21, 22; 6:1-9; Colosas 3:18-4:1
2
Kawikaan 20:20; 23:22; 1 Pedro 2:18
3
Mateo 22:21, Roma 13:1-8; Efeso 6:1-9; Colosas 3:18-21
ARAW NG PANGINOON XL
105.
T.
Ano ang hinihingi ng Diyos sa ika-anim na utos?
S.
Na hindi ko ilalagay sa kahihiyan, kamumuhian, sasaktan, o papatayin ang aking kapwa sa isip, sa salita, o sa pag-amba, at lalo na sa paggawa, sa pamamagitan ko man o ng iba; 1 sa halip, isasantabi ko ang lahat ng pagnanasang maghiganti. 2 Higit pa rito, hindi ko rin sasaktan o ilalagay sa panganib ang aking sarili dahil sa kakulangan ng pag-iingat.3 Kung kaya ang pamahalaan din ay nasasandatahan upang pigilan ang pagpatay. 4
1
Genesis 9:6; Levitico 19:17, 18; Mateo 5:21, 22; 26:52
2
Kawikaan 25:21, 22; Mateo 18:35; Roma 12:19; Efeso 4:26
3
Mateo 4:7; 26:52; Roma 13:11-14
4
Genesis 9:6; Exodo 21:14; Roma 13:4
106.
T.
Ang utos bang ito ay tumutukoy lamang sa pagpatay?
S.
Sa pagbabawal sa pagpatay itinuturo ng Diyos sa atin na kinamumuhian niya ang ugat ng pagpatay, tulad ng inggit, pagkamuhi, galit, at pagnanasang maghiganti,1 At itinuturing Niya ang lahat ng ito bilang pagpatay. 2
1
Kawikaan 14:30; Roma 1:29; 12:19; Galacia 5:19-21; Santiago 1:20; 1 Juan 2:9-11
2
1 Juan 3:15
107.
T.
Ngunit ito lang ba ang hinihingi: na hindi lang natin patayin ang ating kapwa?
S.
Hindi. Nang kinondena ng Diyos ang inggit, pagkamuhi, at galit, iniuutos rin Niya sa atin na ibigin natin ang ating kapwa tulad ng sa sarili,1 magpakita ng pagtitiis, kapayapaan, kaamuhan, kaawaan, at pakikipagkaibigan sa ating kapwa 2 Ingatan ang ating kapwa mula sa sakuna sa abot ng ating makakaya, at gawan ng mabuti pati na ang ating mga kaaway.3
1
Mateo 7:12; 22:39; Roma 12:10
2
Mateo 5:5; Lukas 6:36; Roma 12:10, 18; Galacia 6:1, 2; Efeso 4:2; Colosas 3:12; 1 Pedro 3:8
3
Exodo 23:4, 5; Mateo 5:44, 45; Roma 12:20
ARAW NG PANGINOON XLI
108.
T.
Ano ang itinuturo sa atin ng ika-pitong utos?
S.
Na ang lahat ng karumihang sekswal ay sinusumpa ng Diyos. 1 Kung kaya nararapat natin itong kamuhian ng buong puso 2 at mamuhay tayo ng malinis at disiplinadong buhay sa loob man ng banal na samahan ng mag-asawa o hindi.3
1
Levitico 18:30; Efeso 5:3-5
2
Judas 22, 23
3
1 Corinto 7:1-9; 1 Tesalonica 4:3-8; Hebreo 13:4
109.
T.
Ang Diyos ba sa utos na ito ay nagbabawal sa pangangalunya lamang at anumang nakakahiyang kasalanang katulad nito?
S.
Dahil tayo, sa katawan at kaluluwa, ay templo ng Banal na Espiritu, kalooban ng Diyos na panatilihin natin ang ating sarili na dalisay at banal. Kaya nga ipinagbabawal Niya ang lahat ng maruruming pagkilos, pagpapahiwatig, pananalita, pag-iisip, pagnanasa1 At anumang maaaring magtukso sa atin sa karumihan. 2
1
Mateo 5:27-29; 1 Corinto 6:18-20; Efeso 5:3, 4
2
1 Corinto 15:33; Efeso 5:18
ARAW NG PANGINOON XLII
110.
T.
Ano ang ipinagbabawal ng Diyos sa ika-walong utos?
S.
Ipinagbabawal ng Diyos hindi lamang ang tahasang pagnanakaw 1 at panloloob na pinarurusahan ng pamahalaan, 2 Kundi tinuturing ng Diyos na pagnanakaw rin ang lahat ng masamang pakana at pamaraan, na kung saan ay ninanais nating angkinin ang pag-aari ng ating kapwa, sa pamamagitan man ng puwersa o panlilinlang, 3 tulad ng di tamang panimbang, 4 haba, panukat, 5 huwad na paninda o pera, at labis na patubo 6 O anumang pamaraan na ipinagbabawal ng Diyos; pati na rin ang lahat ng pagiimbot 7 At ang maling paggamit at pag-aksaya sa kanyang mga kaloob. 8
1
1 Corinto 6:10
2
1 Corinto 5:10
3
Lukas 3:14; 1 Tesalonica 4:6
4
Kawikaan 11:1; 16:11
5
Ezekiel 45:9-10; Deuteronomio 25:13-15.
6
Awit 15:5; Lukas 6:35
7
1 Corinto 6:10
8
Kawikaan 5:10; 1 Timoteo 6:10; 1 Juan 6:12
111.
T.
Ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo sa utos na ito?
S.
Dapat kong pagibayuhin ang kabutihan ng aking kapuwa sa abot ng aking makakaya saan man at kailan man, makitungo ako sa kanya kung paano ko ninanais na pakitunguhan ako ng iba, at magtrabaho ng tapat ng sa gayon ay makatulong ako sa mga nangangailangan. 1
1
Isaias 58:5-10; Mateo 7:12; Galacia 6:9, 10; Efeso 4:28
ARAW NG PANGINOON XLIII
112.
T.
Ano ang hinihingi ng ika-siyam na utos?
S.
Na ako ay hindi dapat magbigay ng maling patotoo laban kaninuman, baluktutin ang salita ng iba, makipagtsismisan o manirang-puri, o magkondena o sumali sa paghatol kaninuman ng madalian at hindi napapakinggan man lang. 1 Sa halip, dapat kong iwasan ang lahat ng pagsisinungaling at paglilinlang na siyang gawain mismo ng diyablo, kapalit ng matinding poot ng Diyos. 2 Sa hukuman o saan pa man, dapat kong ibigin ang katotohanan, 3 Salitain at ipahayag ito ng tapat, at gawin ang abot ng aking makakaya upang ipagsanggalang at pagibayuhin ang karangalan at reputasyon ng aking kapwa. 4
1
Awit 15; Kawikaan 19:5, 9; 21:28; Mateo 7:1; Lukas 6:37; Roma 1:28-32
2
Levitico 19:11, 12; Kawikaan 12:22; 13:5; Juan 8:44; Apokalipsis 21:8
3
1 Corinto 13:6; Efeso 4:25
4
1 Pedro 3:8, 9; 4:8
ARAW NG PANGINOON XLIV
113.
T.
Ano ang hinihingi ng ika-sampung utos sa atin?
S.
Na ang kaliit-liitan mang kaisipan o pagnanasa na salungat sa anumang kautusan ng Diyos ay hindi dapat umusbong sa ating puso. Sa halip, dapat lagi nating kamuhian ang lahat ng kasalanan ng buong puso, at malugod tayo sa lahat ng katuwiran. 1
1
Awit 19:7-14; 139:23, 24; Roma 7:7, 8
114.
T.
Ngunit kaya ba ng mga nagbalik-loob sa Diyos na isakatuparan ang mga utos na ito ng ganap?
S.
Hindi. Sa buhay na ito, maging ang pinakabanal ay mayroon lamang bahagyang panimula ng pagsunod na ito. 1 Gayunpaman, may taimtim na layuning sinisimulan nilang mamuhay hindi lamang ayon sa ilan kundi ayon sa lahat ng utos ng Diyos. 2
1
Eclesiastes. 7:20; Roma 7:14, 15; 1 Corinto 13:9; 1 Juan 1:8
2
Awit 1:1, 2; Roma 7:22-25; Filipos 3:12-16
115.
T.
Kung sa buhay na ito ay walang sinumang ganap na makatutupad sa sampung utos, bakit ninanais pa ng Diyos na ipangaral ito ng napakahigpit?
S.
Una, upang sa tanang ating buhay ay lubos-lubusan nating mamalayan ang ating makasalanang kalikasan, at dahil dito ay mas may panananabik tayong hanapin ang kapatawaran ng kasalanan at katuwiran kay Cristo. 1 Pangalawa, upang tayo ay mas maging masigasig sa mabubuting gawa at patuloy na manalangin para sa biyaya ng Banal na Espiritu, na tuloy-tuloy Niya tayong baguhin sang-ayon sa wangis ng Diyos hanggang sa katapusan ng buhay na ito ay matamo natin ang nilalayong kaganapan. 2
1
Awit 32:5; Roma 3:19-26; 7:7, 24, 25; 1 Juan 1:9
2
1 Corinto 9:24; Filipos 3:12-14; 1 Juan 3:1-3
ARAW NG PANGINOON XLV
116.
T.
Bakit kinakailangan ang panalangin para sa mga Kristiyano?
S.
Sapagkat ang panalangin ay ang pinakamahalagang bahagi ng pasasalamat na hinihingi ng Diyos sa atin. 1 Higit pa dito, ibibigay ng Diyos ang Kanyang biyaya at ang Banal na Espiritu doon lamang sa mga nagpapatuloy at may taos-pusong pag-asa na humihingi sa Kanya ng mga kaloob na ito at nagpapasalamat sa Kanya para sa mga ito. 2
1
Awit 50:14, 15; 116:12-19; 1 Tesalonica 5:16-18
2
Mateo 7:7, 8; Lukas 11:9-13
117.
T.
Ano ang kalakip ng panalanging kalugod-lugod sa Diyos at Kanyang pinapakinggan?
S.
Una, dapat mula sa puso tayong tumawag sa nag-iisang tunay na Diyos lamang, na Siyang nagpahayag ng Kaniyang sarili sa Kaniyang Salita, para sa lahat ng iniutos Niya sa ating ipanalangin.1 Pangalawa, kinakailangnang lubus-lubusan nating kilalanin ang ating pangangailangan at kapighatian, ng sa gayon ay magpakumbaba tayo sa harapan ng Diyos. 2 Pangatlo, dapat tayong manangan sa matibay na sandigang ito na, kahit hindi tayo karapat-dapat, ang Diyos ay tiyak na papakinggan ang ating panalangin alang-alang kay Cristo na ating Panginoon, tulad ng Kanyang ipinangako sa atin sa Kanyang Salita. 3
1
Awit 145:18-20; Juan 4:22-24; Roma 8:26, 27; Santiago 1:5; 1 Juan 5:14, 15; Apokalipsis 19:10
2
2 Cronica 7:14; 20:12; Awit 2:11; 34:18; 62:8; Isaias 66:2; Apokalipsis 4
2
Daniel 9:17-19; Mateo 7:8; Juan 14:13, 14; 16:23; Roma 10:13; Santiago 1:6
118.
T.
Ano ang iniutos ng Diyos sa atin na hilingin sa Kanya?
S.
Lahat ng bagay na kailangan ng katawan at kaluluwa. 1 Na napapaloob sa panalanging itinuro sa atin mismo ni Cristong ating Panginoon.
1
Mateo 6:33; Santiago 1:17
119.
T.
Ano ang panalangin ng Panginoon?
S.
Ama naming nasa langit, sambahin ang ngalan Mo. Dumating nawa ang kaharian Mo, mangyari nawa ang Iyong kalooban, dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw; at patawarin Mo kami sa aming mga utang, tulad ng pagpapatawad namin sa mga may utang sa amin; at huwag Mo kaming iadya sa tukso kundi iligtas Mo kami sa masama. Sapagkat sa Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.1
1
Mateo 6:9-13; Lukas 11:2-4
ARAW NG PANGINOON XLVI
120.
T.
Bakit inutusan tayo ni Kristo na tawagin ang Diyos na ating Ama?
S.
Upang pukawin sa atin sa simula pa lamang ng ating panalangin ang paggalang at pagtitiwala sa Diyos na tulad ng sa isang bata na siyang nararapat na maging saligan ng ating pananalangin: Ang Diyos ay naging ating Ama sa pamamagitan ni Kristo at lalong hindi Niya ipagkakait sa atin ang hihilingin natin sa Kanya sa pananampalataya na kung paanong hindi rin ipinagkakait sa atin ng ating mga ama sa laman ang mga bagay sa mundong ito. 1
1
Mateo 7:9-11; Lukas 11:11-13. 121.
121.
T.
Bakit idinagdag ang, na nasa langit?
S.
Ang mga katagang ito ay nagtuturo sa atin na hindi natin dapat pag-isipan ang makalangit na karingalan ng Diyos sa makamundong pamaraan, 1 At asahan mula sa Kanyang makapangyarihang lakas ang lahat ng ating kinakailangan para sa katawan at kaluluwa. 2
1
Jeremias 23:23, 24; Gawa 17:24, 25
2
Mateo 6:25-34; Roma 8:31, 32
ARAW NG PANGINOON XLVII
122.
T.
Ano ang unang pagsamo?
S.
Sambahin nawa ang ngalan Mo. Iyon ay: ipagkaloob Mo sa amin una sa lahat na makilala ka namin ng tama. 1 At sagraduhin, luwalhatiin, at purihin Ka sa lahat ng Iyong mga gawa, kung saan ay nagliliwanag ang Iyong makapangyarihang lakas, karunungan, kabutihan, katuwiran, kaawaan at katotohanan. 2 Ipagkaloob Mo rin sa amin na maituon namin sa ganito ang aming buong buhay – ang aming pag-iisip, salita at mga gawa – ng ang Iyong pangalan ay hindi malapastangan ng dahil sa amin sa halip ay laging maparangalan at purihin. 3
1
Jeremias 9:23, 24; 31: 33, 34; Mateo 16:17; Juan 17:3
2
Exodo 34:5-8; Awit 145; Jeremias 32:16-20; Lukas 1:46-55, 68-75; Roma 11: 33-36
3
Awit 115:1; Mateo 5:16
ARAW NG PANGINOON XLVIII
123.
T.
Ano ang ikalawang pagsamo?
S.
Dumating nawa ang kaharian Mo na ang ibig sabihi’y: pagharian Mo kami sa pamamagitan ng Iyong Salita at Espiritu ng kami ay mas lalo pang magpasakop sa Iyo. 1 Ingatan at palaguhin ang Iyong iglesiya. 2 Wasakin ang mga gawa ng diyablo, bawat kapangyarihang nag-aaklas laban sa Iyo, at bawat pakikipagsabwatan laban sa Iyong banal na Salita. 3 Pangyarihin ang lahat ng ito hanggang ang kabuuhan ng Iyong kaharian ay dumating na kung saan Ikaw ay magiging lahat sa lahat. 4
1
Awit 119:5, 105; 143:10; Mateo 6:33
2
Awit 51:18; 122:6-9; Mateo 16:18; Gawa 2:42-47
3
Roma 16:20; 1 Juan 3:8
4
Roma 8:22, 23; 1 Corinto 15:28; Apokalipsis 22: 17, 20
ARAW NG PANGINOON XLIX
124.
T.
Ano ang ikatlong pagsamo?
S.
Mangyari nawa ang Iyong kalooban, dito sa lupa tulad ng sa langit na ang ibig sabihin ay: Ipagkaloob Mo na kami at ang lahat ng mga tao ay tumanggi sa aming sariling kalooban, at walang kahit anong reklamo na sumunod sa Iyong kalooban, sapagkat ito lamang ang mabuti.1 Ipagkaloob Mo rin na maisakatuparan ng bawat isa ang kani-kaniyang tungkulin at pagkatawag2 na kasing luwag sa kalooban at kasing tapat ng sa mga anghel sa langit.3
1
Mateo 7:21; 16:24-26; Lukas 22:42; Roma 12:1, 2; Tito 2:11, 12
2
1 Corinto 7:17-24; Efeso 6:5-9
3
Awit 103:20, 21
ARAW NG PANGINOON L
125.
T.
Ano ang ika-apat na pagsamo?
S.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakainin sa araw-araw na ang ibig sabihin ay: Ipagkaloob Mo sa amin ang lahat ng aming pangangailangang pangkatawan 1 ng sa gayon kilalanin namin na Ikaw lamang ang tanging pinagmumulan ng lahat ng mabubuting bagay. 2 At na ang aming pag-iingat at pagsisikap, at pati na ang Iyong mga kaloob, ay hindi makagagawa ng kabutihan sa amin ng wala ang Iyong pagbabasbas. 3 Kung kaya’t ipagkaloob Mo sa amin na talikuran namin ang pagtitiwala sa lahat ng mga nilikha at ilagak lamang ito sa Iyo. 4
1
Awit 104:27-30; 145:15, 16; Mateo 6:25-34
2
Gawa 14:17; 17:25; Santiago 1:17
3
Deuteronomio 8:3; Awit 37:16; 127:1, 2; 1 Corinto 15:58
4
Awit 55:22; 62; 146; Jeremias 17:5-8; Hebreo 13:5, 6
ARAW NG PANGINOON LI
126.
T.
Ano ang ikalimang pagsamo?
S.
“At patawarin Mo kami sa aming mga utang, tulad ng pagpapatawad namin sa mga may utang sa amin,” na ang ibig sabihin ay: Alang-alang sa dugo ni Cristo, huwag Mong ibilang sa aming mga hamak na makasalanan ang anumang pagsalansang o kasamaang nananatili pa sa amin 1 kung papaanong nakikita namin ang patotoong ito ng Iyong biyaya sa aming sarili kung kaya kami ay puspusang nagpapasiya na taos-pusong magpatawad sa aming kapuwa. 2
1
Awit 51:1-7; 143:2; Roma 8:1; 1 Juan 2:1, 2
2
Mateo 6:14, 15; 18:21-35
ARAW NG PANGINOON LII
127.
T.
Ano ang ika-anim na pagsamo?
S.
“At huwag Mo kaming iadya sa tukso kundi iligtas Mo kami sa masama” na ang ibig sabihin ay: Sa ganang aming sarili, kami ay napakahina kung kaya’t hindi kami makapanindigan kahit isang saglit 1 Higit pa rito, ang aming mga kinikilalang kaaway – – ang diyablo, 2 Ang kamunduhan, 3 At ang aming sariling kalamnan 4 — ay hindi tumitigil sa pag-atake laban sa amin. Dahil dito, loobin Mo nawang katigan kami’t palakasin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong Banal na Espiritu, ng sa gayon sa espirituwal na pakikibakang ito 5 Hindi kami malugmok sa pagkatalo, kundi parating matatag naming mapaglabanan ang aming mga kaaway, hanggang sa wakas ay mapasa-amin ang ganap na tagumpay. 6
1
Awit 103:14-16; Juan 15:1-5
2
2 Corinto 11:14; Efeso 6:10-13; 1 Pedro 5:8
3
Juan 15:18-21
4
Roma 7:23; Galacia 5:17
5
Mateo 10:19, 20; 26:41; Marcos 13:33; Roma 5:3-5
6
1 Corinto 10:13; 1 Tesalonica 3:13; 5:23
128.
T.
Paano mo tinatapos ang iyong panalangin?
S.
“Sapagkat sa Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man” na ang ibig sabihin ay: Ang lahat ng ito ay hinihiling namin sa Iyo dahil Ikaw bilang aming hari na may kapangyarihan sa lahat ng bagay ay nagnanais at kayang-kayang magkaloob sa amin ng lahat ng mabuti. 1 At dahil hindi kami kundi ang Iyong banal na pangalan ang nararapat tumanggap ng lahat ng kaluwalhatian magpasawalang hanggan. 2
1
Roma 10:11-13; 2 Pedro 2:9
2
Awit 115:1; Jeremias 33:8, 9; Juan 14:13
129.
T.
Ano ang ibig sabihin ng “Amen”?
S.
Ang ibig sabihin ng “Amen” ay ito ay totoo at tiyak. Sapagkat mas tiyak na pinakinggan ng Diyos ang aking panalangin kay sa aking nararamdamang pagnanais na makamtan ito mula sa Kanya.1
1
Isaias 65:24; 2 Corinto 1:20; 2 Timoteo 2:13
Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito
Top |Home | Directions |Contact