Menu Close

Ang Cristo ng Arminianismo

(Freewillism)

Rev. Steven Houck

Binibigyan tayo ng babala ng Biblia na sa mga huling araw, kung saan tayo’y nabubuhay ay magkakaroon ng maraming bulaang cristo—sila na mag-aangking sila raw ang Cristo subalit mga huwad. Sinabi ni Jesus, “Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ng sinuman. Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan, na nagsasabi, ‘Ako ang Cristo’ at ililigaw nila ang marami” (Matt. 24:4-5). Tayong mga nagpapahayag na tayo’y mga Cristiano ay dapat makinig sa babala. Mag-ingat na baka tayo’y malinlang. Ang pagkatawag sa atin ay sampalatayanan, mahalin, at sumunod sa totoong Cristo at Siya lamang. Wala dapat tayong ugnayan sa mga huwad na cristong lubhang napakarami sa ating kapanahunan.

Alam natin ang cristo ng mga kulto at ng ibang mga relihiyon. Siya ay mabuting tao, isang propeta, ang unang nilikha ng Diyos, isang dakilang espiritu, isang ideya ng Diyos, o kaya’y diyos mismo. Subalit hindi siya ang totoo at eternal na Diyos. Nagkakaroon siya ng buhay mula sa iba na mas higit sa kanya. Hindi siya ang Cristo ng Biblia. Hindi dapat tayong malinlang ng cristong ito. Siya ay huwad na cristo.

Alam natin ang cristo ng Romano Catoliko. Sinasabi nilang siya ang totoong Diyos. Na siya’y nagdusa at namatay para sa kapatawaran ng kasalanan. Na siya’y nabuhay na muli, umakyat sa langit, at muling babalik. Subalit hindi siya kumpletong tagapagligtas. Ang cristo ng Romano Catoliko ay hindi makapagligtas ng mga makasalanan kung wala ang kanilang sariling mabubuting gawa at pamamagitan ng mga pari. Hindi siya ang Cristo ng Biblia. Hindi dapat tayong malinlang ng cristong ito. Siya ay huwad na cristo.

Gayunman, may isa pang huwad na cristo na mas mapanganib kaysa sa cristo ng mga kulto at ng cristo ng Romano Catoliko. Marami na siyang nalinlang na tao sa nakalipas na maraming taon at patuloy pa siyang nandaraya sa milyon-milyon. Ang cristong ito’y lubhang mapanganib, at hindi naman imposible, ay maaari niya malinlang maging ang mga hinirang (Matt. 24:24). Siya ang cristo ng Arminianismo.

Ang huwad na cristong ito ay lubhang mapanganib sapagkat sa maraming paraan ay nagpapanggap na Tunay na Cristo. Sinasabi nila na siya raw ay tunay na Diyos, na kapareho ng Ama at ng Espiritu Santo. Sinasabi nila na namatay siya sa krus upang iligtas ang mga makasalanan. Sinasabi pa nga nila na siya’y nagliligtas sa pamamagitan ng kanyang biyaya lamang, at hindi sa gawa ng tao. Ang cristong ito ay iba kaysa sa cristo ng mga kulto at sa cristo ng Romano Catoliko.

Subalit mag-ingat! Babala! Ang cristo ng Arminianismo ay hindi ang Cristo ng Biblia. Huwag palinlang!

1. Ang cristo ng Arminianismo – ay nagmamahal sa bawat indibiduwal na tao sa sanlibutan at taos-pusong naghahangad sa kanilang kaligtasan.

Ang Cristo ng Biblia – ay maalab na nagmamahal at naghahangad ng kaligtasan ng mga taong walang kondisyong pinili ng Diyos para sa kaligtasan (Ps. 5:5; Ps. 7:11; Ps. 11:5; Matt. 11:27; John 17:9-10; Acts 2:47; Acts 13:48; Rom. 9:10-13; Rom. 9:21-24; Eph. 1:3-4).

2. Ang cristo ng Arminianismo – ay nag-aalok ng kaligtasan sa bawat makasalanan at sinisikap niyang magawa ang lahat upang sila’y maligtas. Ang kanyang alok at pagsisikap ay kadalasang nabibigo, sapagkat marami ang ayaw lumapit sa kanya.

Ang Cristo ng Biblia – ay mabisang tumatawag upang lumapit sa Kanya ang mga pinili lamang at soberanong dalin sila sa kaligtasan. Wala ni isa man sa kanila ang mapapahamak (Isa. 55:11; John 5:21; John 6:37-40; John 10:25-30; John 17:2; Phil. 2:13).

3. Ang cristo ng Arminianismo – ay hindi makapagbibigay ng buhay at makapaliligtas sa isang makasalanang hindi pinili si cristo ng kanyang sariling “free-will.” Ang lahat ng mga tao ay may “free-will” kung saan maaari nilang matanggap o matanggihan si cristo. Ang “free-will” na yaon ay hindi maaaring salungatin ni cristo.

Ang Cristo ng Biblia – ay soberanong nagbibigay ng buhay sa mga piniling makasalanan na walang kinalalaman ang kanilang pasiya, sapagkat kung hindi binigyan ng buhay ang makasalanan ay patay sa espiritu at walang kakayahang piliin si Cristo. Ang pananampalataya ay hindi ambag ng tao sa kanyang kaligtasan kundi kaloob ni Cristo na Kanyang soberanong ibinabahagi, kalakip ng pagbibigay ng buhay (John 3:3; John 6:44, 65; John 15:16; Acts 11:18; Rom. 9:16; Eph. 2:1; Eph. 2:8-10; Phil. 1:29; Heb. 12:2).

4. Ang cristo ng Arminianismo – ay namatay sa krus para sa bawat indibiduwal na tao anupa’t ginawa niyang posible na sa bawat tao ang maligtas. Ang kanyang kamatayan, kung wala ang pagpili ng tao, ay hindi talaga makapagliligtas, yamang marami sa kanyang pinag-alayan ng kamatayan ay napapahamak.

Ang Cristo ng Biblia – ay namatay lamang para sa mga hinirang ng Diyos anupa’t talagang natamo ang kaligtasan ng Kanyang pinag-alayan ng kamatayan. Ang Kanyang kamatayan ay pamalit na nagbabayad-utang na mismong nagpapatawad sa kasalanan ng Kanyang mga hinirang (Luke 19:10; John 10:14-15, 26; Acts 20:28; Rom. 5:10; Eph. 5:25; Heb. 9:12; I Peter 3:18).

5. Ang cristo ng Arminianismo – ay napapahamak ang karamihan sa kanyang mga “iniligtas” sapagkat hindi sila nakapagpatuloy sa kanilang pananampalataya. Kahit na binigyan niya sila ng “eternal security” na gaya ng sinasabi ng iba, ang seguridad namang yaon ay hindi nakabatay sa kalooban o gawa ni cristo kundi sa kapasiyahan ng ginawa ng isang makasalanan nang tanggapin niya si cristo.

Ang Cristo ng Biblia – ay nangangalaga sa Kanyang mga hinirang upang hindi nila maiwala ang kanilang kaligtasan kundi sila’y makapagpatuloy sa pananampalataya hanggang sa katapusan. Inaalagaan Niya sila sa pamamagitan ng makapangyarihang kalooban ng Diyos, ng kapangyarihan ng Kanyang kamatayan, at ng makapangyarihang kilos ng Kanyang Espiritu (John 5:24; John 10:26-29; Rom. 8:29-30; Rom. 8:35-39; I Peter 1:2-5; Jude 24-25).

Gaya ng nabasa mo, bagaman ang cristo ng Arminianismo at ang Cristo ng Biblia ay sa unang tingin ay magkapareho, ngunit sa katunayan ay talagang magka-iba. Ang isa ay huwad na cristo. Ang isa naman ay Totoong Cristo. Ang isa ay mahina at walang magawa at lumuluhod sa “soberanong” “freewill” ng tao. Ang tunay naman ay naghaharing Panginoon na ginagawa ang Kanyang maibigan at soberanong tinutupad ang lahat ng Kanyang kalooban.

Kung ikaw ay sumasampalataya sa cristo ng Arminiasmo, dapat mong malaman ang katotohanan na hindi mo pinaglilingkuran ang Cristo ng Biblia. Ikaw ay nadaya! Pag-aralan mo ang Banal na Kasulatan at saliksikin mo ang Totoong Cristo. Humingi ka sa Diyos ng biyaya upang makapagsisi at makapanampalataya sa Totoong Cristo bilang iyong soberanong Taga-pagligtas.

Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito

http://prcaphilippinesaudio.wordpress.com/tagalog/

Show Buttons
Hide Buttons