Menu Close

Tama ba ang mga Anabaptist sa Doktrina ng Immersion? / Were the Anabaptists Right on Immersionism?

          

Brian Crossett

Ang mga Anabaptist noong ika-16 na siglo at hanggang ngayon ay ayaw ang terminong “Anabaptist” na ginagamit ng kanilang mga kalaban upang sabihin na sila ang mga “nagbabautismo ulit.” Ang sinasabi nila ay ang terminong iyon ay hindi akma sa kung ano ang pinapaniwalaan nila, at tinatawag nila ang mga sarili nila bilang mga “baptist.” Ang sinasabi nila ay hindi si nagbabautismo ulit dahil ang mga binabautismuhan nila ay sa unang pagkakataon pa lang nababautismuhan sa kadahilanang walang bisa ang pagbabaustismo sa mga sanggol ng tipan.

Kinalaunan, iniisip na ng mga Anabaptist na ang mga binautismuhan sa pangalan ng Diyos na Trinidad sa mga Protestanteng simbahan na ginawa sa pamamagitan ng pagwiwisik o pagbubuhos kahit pa sa ulo ng mga Cristianong matatanda ay hindi maituturing na bautismo sapagkat ang bautismo ay ginagawa ng immersion lamang. Dahil ang mga Protestante ay hindi nagbabautismo gamit ang immersion, ibig sabihin hindi talaga sila nagbabautismo!

Ang gusto ng mga Anabaptist at ng Baptist ay magsagawa ng “kalarawan” na kanilang nilalapat sa tanda ng bautismo (I Pedro 3:21) at, dahil lahat sila ay puro Arminian sa kanilang paniniwala, kinakailangan nilang maipakita iyon sa paraan ng kanilang pagbabautismo. Kanilang pinapakita na ang kanilang pagbabautismo ay dapat nagpapakita ng kanilang (maling) doktrina ng kaligtasan ayon sa kalooban ng tao at hindi ayon sa walang-hanggang paghirang ng Diyos kay Cristo (Rom. 8:30; Eph. 1:4). Ang mas nakikita sa kanilang pagbabautismo ay ang pagpapasiya ng tao sa kaligtasan, sapagkat ayon sa bautismo ng Anabaptist ang makasalanan ay aktibong lumubog at umahon sa tubig (sumasalarawan sa kaligtasan ayon sa pagpili ng tao), sa halip na ang tubig ang bumubuhos sa makasalanan nang wala siyang ginagawa (sumasalarawan sa kaligtasan sa pamamagitan ng soberanong kalooban ng Diyos, at ang Kanyang gawain ng paglilinis sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo at Espiritu ni Jesu-Crsito).

Ang tanda ng bautismo sa pamamagitan ng pagbuhos at pagwiwisik ay hindi ipinapakita ang gustong doktrina ng mga Anabaptist. Sa halip, ang nakikita nila sa doktrina ng immersion ay ang antitype o ang “kalarawan.” Ang kaisipang ito ang aking pagtutuunan: ang paraan ng pagbabautismo na ginagamit ng mga Anabaptist at Baptist habang nakatuon sa kanilang pagpapaliwanag ng tanda ng bautismo bilang siang “kalarawan.”

Ang sinasabi ng mga Anabaptist, gayundin din mga Baptist ngayon, na ang salitang Griyego para sa bautismo ay nangangahulugang immersion at ang salitang kilos na pagbabautismo ay to immerse.Tinanong ko ang maraming Baptist kung gusto ba nilang ipaliwanag ang salitang ito sa ibang paraan at ang sagot nila laging: “Hindi. Ang ibig sabihin ng bautismo ay immersion!”

Tinanong ko sila, “Kung ang ibig sabihin ng bautismo ay immersion, bakit hindi immersion ang gawin ninyo sa pagbabaustismo?” Nagulat sila sa tanong ko, at ang sagot nila, “Immersion nga ang ginagawa namin.” Ang sagot ko, “Hindi ninyo ginagawa ang immersion. Ang ginagawa ninyo ay submersion, na iba sa immersion. Ang immersion ay paglublob sa tubig at ang submersion ay paglubog.” Sinasabi ko sa kanila na ang mga Baptist ay dapat idinadagdag ang salitang “total” sa salitang “immersion.” Dapat sabihin ng mga Baptist ay “total immersion,” sapagkat ang immersion ay hindi kinakailangan na ang buong katawan ay ilubog sa tubig. Pwedeng i-immerse ang bulaklak sa paso nang hindi nilulubog nang lubos ang bulaklak. Ibig sabihin, ang mga Baptist ay hindi talaga ginagawa ang immersion o paglublob.

Ang reaksyon ng mga Baptist sa argumentong ito ay ang paglublob (immersion) at paglubog (submersion) ay pareho lang. Ang totoo, sinasabi nila na ang paglublob, ang ganap na paglublob at paglubog ay puro pareho lang ang ibig sabihin. Ayon sa argumentong ito, sinubukan ko sila sa pamamagitan ng tagpo nina Filipe at ng eunuko sa Mga Gawa 8:38-39.

Iniutos niyang itigil ang karwahe at lumusong si Felipe at ang eunuko sa tubig. At binautismuhan siya ni Felipe. Nang umahon sila sa tubig, inagaw ng Espiritu ng Panginoon si Felipe; at hindi na siya nakita ng eunuko at nagagalak na nagpatuloy siya sa kanyang lakad.

“Tignan mo,” sabi nila, “ito ang sinasabi namin! Walang pagwiwisik at pagbubuhossa teksto kasi malinaw na lumubog sila sa tubig.” Tignan natin kung talagang lumubog sila, titignan natin ito sa pamamagitan ng paglalapat ng argumento ng Baptist na ang paglublob at paglubog ay pareho lang.

Una, tignan mo kung ano ang sinasabi ng pangunahing bahagi sa teksto: ”lumusong si Felipe at ang eunuko sa tubig. At binautismuhan siya ni Felipe.Nang umahon sila sa tubig, inagaw ng Espiritu ng Panginoon si Felipe.”

Pangalawa, tignan mo ang pag-iiba ng mga pang-ukol o preposition para malaman mo kung ang paglublob at paglubog ay pareho lang: ”lumusong si Felipe at ang eunuko sa tubig (sa orihinal: ilalim ng tubig). At binautismuhan siya ni Felipe.Nang umahon sila sa tubig (sa orihinal: mula sa ilalim ng tubig), inagaw ng Espiritu ng Panginoon si Felipe.

Pangatlo, tignan mo kung sino ang sinasabing lumusong sa ilalim ng tubig at umahon mula sa ilalim ng tubig (pinapanatili natin ang orihinal na mga pang-ukol para sa paglulubog): ”lumusong si Felipe at ang eunuko sa tubig. At binautismuhan siya ni Felipe.Nang umahon sila sa tubig, inagaw ng Espiritu ng Panginoon si Felipe.”

Ang tanong, Ano ang ginagawa ni Felipe (ang nagbabautismo) sa ilalim ng tubig (gaya ng hinihingi ng interpretasyon ng Baptist teksto)? Kahit na ang tinutukoy ng teksto na lumusong sa ilalim ng tubig at umahon mula sa ilalim ng tubig ay sina Felipe at ang eunuko.

Gayunman, si Felipe ay hindi lumusong sa ilalim ng tubig. Ayon sa interpretasyon ng Baptist, ang bautismo ay nangyari nang sila ay lulusong sa tubig at aahon mula sa tubig. Ngunit  hindi ito ang sinasabi ng Mga Gawa 8. Anumang posibilidad ng paglubog ay hindi nabanggit sa salaysay.

Na sina Felipe at ang eunok ay nakatayo sa tubig ay makatuwiran. Sa puntong ito, masasabi natin na ang dalawa ay nakalublob ngunit hindi lubos na nakalublob o nakalubog. At saka nabautismuhan ang eunok. Kung sa paanong paraan siya nabautismuhan ay hindi nabanggit. Pagkatapos ng pagbabautismo, sila ay umahon mula sa tubig.

Dahil sinasabi ng mga Baptist na ang bautismo ay immersion, at ang Felipe at ang eunok ay nakalublob nas a tubig bago pa ang pagbabautismo, ano ngayon ang gagawin pa ni Felipe para bautismuhan ang eunok? Siguro’y binuhusan niya ng tubig ang eunok o winisikan niya ng tubig sa ulo ngunit hindi niya na ito mailulublob sapagkat nakalublob na sila sa tubig pero hindi nakalubog.

Dahil may kailangang gawin para mabautismuhan ang eunok, idinagdag ngayon ng mga Baptist ang paglubog. Gaya ng sinabi natin, walang kabuluhang lumubog pa sa ilalim ng tubig si Felipe. Samakat’wid, ang paglublob at ang paglubog ay magkaiba.

Ang mga Anabaptist at Baptist ay hindi ginagawa kung ano ang sinasabi sa salitang Griyego para sa salitang bautismo. Ang ginagawa nila ay paglubog sapagkat ang taong babautismuhan ay nakalublob na sa tubig. Para magawa nila ang bautismo, ang bautitismuhan ngayon ay kailangang mailubog ang buong katawan bilang karagdagan sa kanyang pagkakalublob sa tubig. Walang tinuturong ganito ang Kasulatan, ito ay idinagdag lang ng tradisyon ng tao upang umakma sa palagay ng tao patungkol sa ibig sabihin ng salitang bautismo at upang maiakma sa katuruan na ang tao daw ay may malayang kalooban.

Bilang pagwawakas, ang paglulublob o paglulubog ba na ito ay nagsasalarawan para sa atin ng isang “kalarawan” ng kaligtasan? Mayroon tayong tatlong mahahalagang pangyayari na ginawa ang paglubog na binanggit sa Biblia: ang paglubog ng masamang sanlibutan sa baha, na ang mga rebelde ay hindi nabautismuhan, pero ang matuwid na si Noe at ang kanyang sambahayan ang nabautismuhan (I Ped. 3:20-21); ang paglubog ng mga kawal ni Faraon sa Dagat Pula, kung saan ang mga masasama ay hindi nabautismuhan, pero ang mga anak ng Diyos ay nabautismuhan (I Cor. 10:2); at ang panghuling paglulubog ay sa dagat-dagatang apoy ng Diablo, Anticristo at lahat ng mga itinakwil (Apoc. 19:20; 20:10, 15), ang paglulubog kung saan tayo iniligtas ng kamatayan ni Cristo. Ang paglulublob o paglulubog ba ay larawan para sa atin ng kaligtasan at kapahamakan? Sa tingin ko ang sagot ay napakalinaw naman.

Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito
http://prcaphilippinesaudio.wordpress.com/tagalog/

Show Buttons
Hide Buttons