Menu Close

Canonical ba ang Apocrypha? / Is the Apocrypha Canonical?

    

Rev. Angus Stewart

Ang Protestantismo at and Roman Catholicism ay nagkakasundo patungkol sa canon ng Bagong Tipan (BT), ngunit ang Roman Catholicim ay idinagdag din ang Apocrypha (Tobit, I at II Maccabees, Judith, atbp.) sa Lumang Tipan (LT) na canon, ‘di tulad ng Protestantismo.

Sinabi ni apostol Pablo na “ang mga aral ng Diyos” ay “ipinagkatiwala” sa iglesia ng Lumang Tipan (Rom. 3:2), na hindi kailanman itinuring ang mga apocryphal na aklat bilang canonical. Kung “kinasihan” ang Apocrypha, gaya ng sinasabi ng Romano Katoliko (Catechism of the Catholic Church, par. 120, 138), si Cristo at ang Kanyang mga apostol (sila na mga tapat na sumusuway sa mga Judio dahil sa kanilang mga kasalanan sa aral at buhay) ay siguradong sasawayin ang Judio. Sa halip, itinaguyod pa ni Cristo ang kanilang canon sa tatlo nitong pagkakahati: “ang kautusan ni Moises,” “ang mga propeta” at “ang mga salmo” (Lucas 24:22).

Ang mga apocryphal na aklat ay naisulat pagkatapos ng mga aklat ng Lumang Tipan; pagkatapos ng mga propeta ng Lumang Tipan; at karamihan ay sa Griyego at hindi sa Hebreo, ang wika ng LT. At saka, ang kanilang estilo at mensahe ay naghahayag na sila ay sulat lamang ng tao at hindi ng Diyos. Halimbawa, nagtapos ang II Maccabees, “At kung nakapagsulat ako nang mabuti at sa punto ngaking kwento, ito ang ninanais ng aking sarili; ngunit kung hindi mabuti at walang halaga, ito lang aking nakamit” (15:38). Hindi ito ang sulat ng isang kinasihan!

Sinasabi ni Patrick McCafferty, isang Roman Catholic apologist, na ang Tobit 4:15 (“kung ano ang kinapopootan mo, huwag mong gawin sa kaninuman”) ay “sinabi” ni Cristo sa Mateo 7:12 (Kung ano ang ibig ninyong gawin sa inyo ng mga tao, gayundin ang gawin ninyo sa kanila; cf. Lucas 6:31). Una, ito ay mahirap na sabihing mula talaga sa talatang iyon. Tignan mo ang pagkakaiba ng haba ng dalawa, at ang sa Tobit ay negatibo (sinasabi sa atin ang hindi dapat natin gawin), ang kay Cristo ay positibo (sinasabi sa atin ang dapat nating gawin). Pangalawa, hindi sinabi ni Cristo na ang sinabi niya ay ula sa Tobit o sa ibang akalat. Pangatlo, ang quotation ng siang talata ay hindi nagpapatunay na ang isang aklat ay canonical, sapagkat ang Bagong Tipan ay binabanggit din ang mga salita ng mga paganong manunulat, tulat nina Aratus, Menander, at Epimenedes (Mga Gawa 17:28; I Cor. 15:33; Tito 1:12).

At saka, ang aklat ng Tobit ay naglalaman ng mga kamalian at mga pamahiin na hindi naaayon sa kapahayagan ng Salita ng Diyos. Si Rafael, isang banal na anghel (12:15), ay nagsinungaling na siya si Azarias, anak ni Ananias (5:12). Ang anghel ay nagbigay ng mga utos ng mahika upang palayaasin ang isang diablo sa pamamagitan ng usok ng atay at puso ng isda (6:7), salungat ito sa katuruan ni Cristo (”Ngunit ang ganito’y hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at ayuno;” Mat. 17:21).

Ang kinasihan ng Diyos na Luma at Bagong Tipan lamang ang sukatan ng lahat ng tradisyon at mga aral (Mga Gawa 17:11; I Juan 4:1). Ang tapat na interpretasyon at pangangaral ng Salita ng Diyos (apostolikong tradisyon) sa tunay na iglesia na ibinuood sa mga sinaunang credo at Reformed nacredo ay dapat panghawakang mahigpit (II Tes. 2:15). Ang tradisyong iyon (kabilang ang Roman Catholic na tradisyon) na “mga aral” at “mga utos ng tao” na “pinawawalang kabuluhan ang Salita ng Diyos (Marcos 7:7, 13) ay dapat itakwil. Ang tunay na iglesia ay pinanghahawakan ang katotohanan ni Jesu-Cristo sa harap ng sanlibutan sa pamamagitan ng pangangaral at pagtatanggol ng mga aral ng Kasulatan lamang na kinasihan ng Diyos, at sa makat’wid, ang iglesiang iyon ”ang haligi at suhay ng katotohanan” (I Tim. 3:15).

(Pakinggan ang audio ng klase tungkol sa Belgic Confession 6 na patungkol sa Apocrypha!)

Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito

http://prcaphilippinesaudio.wordpress.com/tagalog/

Show Buttons
Hide Buttons