Rev. Angus Stewart
Itinuro ni Jesu-Cristo na ang kasal ay isang pag-iisang laman sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae habang-buhay: “Hindi ba ninyo nabasa [sa Genesis 1:27 and 2:24], na ang lumikha sa kanila buhat sa pasimula ay nilikha silang lalaki at babae, at Kanyang sinabi, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at makikisama sa kanyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman?’ Kaya, hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinagsama nga ng Diyos, ay huwag papaghiwalayin ng tao” (Mat. 19:4-6). Samakat’wid, ang pagtatalik sa pagitan ng lalaki at ng babae bago pa ang kasal (pakikiapid) o sa pagitan ng may-asawa at sa hindi n’ya asawa (pangangalunya) o sa pagitan ng tao at ng hayop (bestiality) o sa pagitan ng dalawang lalaki (sodomy) o sa pagitan ng dalawang babae (lesbianism) ay kasalanan. Kung si Cristo ay nagsabi na na, “ang bawat tumitingin sa isang babae na may pagnanasa ay nagkasala na sa kanya ng pangangalunya sa kanyang puso” (Mat. 5:28),lalo na ang karumaldumal na pakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Pagkatapos ng pagtutubos at muling pagkabuhay, ang naluwalhating Cristo ay nag-utos sa mga apostol na ipangaral ang Kanyang Salita sa lahat ng mga bansa at isulat inihingang (inspired) Kasulatan. Si Pablo, “na alipin ni Jesu-Cristo” (Rom. 1:1), winika ang “mahahalay na pagnanasa” ng lesbianism (“ipinagpalit ng kanilang mga babae ang likas na pakikipagtalik sa di likas”) at sodomy (“gayundin naman ang mga lalaki, nang iwan ang likas na pakikipagtalik sa mga babae, ay nag-alab sa kanilang pagnanasa sa isa’t isa. Gumagawa ng kahalayan ang mga lalaki sa mga kapwa lalaki, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kaparusahan ng kanilang pagkakamali”) (Rom. 1:26-27). “Huwag kayong padaya,” sabi ng apostol, ang “mga nakikiapid sa kapwa lalaki” (sodomites) ay hindi ”magmamana ng kaharian ng Diyos” (I Cor. 6:9-10). Ito ay hindi lamang mga haka-haka ni Pablo sapagkat sinasabi niya, “ang aking isinusulat sa inyo ay utos ng Panginoon” (I Cor. 14:37).
Lahat ng kasalanan na hindi binayaran ng dugo ni Cristo at hindi pinagsisihan ay tatanggap ng walang hanggang kaparusan sa Impyerno, ngunit ang homosexuality ay isang karumaldumal na pagsalangsang. Una, ito ay “di likas” dahil ito ay ‘di naaayon sa paglalang ng Diyos sa’tin bilang lalaki at babae (Rom. 1:26-27). Pangalawa, iyon ay isa ng kahatulan ng Diyos laban sa mga kalalakihan at kababaihan dahil sa kanilang pagsamba sa diyus-dyosan (Rom. 1:18-25): dahil dito “hinayaan sila ng Diyos sa isang mahalay na pag-iisip” ng lesbianism at sodomy (Rom. 1:26-27). Kapag hinayaan ng Diyos ang isang tao sahomosexuality, nangangahulugan iyon ng agarang “poot ng Diyos” na “nahahayag mula sa langit” laban sa sanlibutan (Rom. 1:18). Pangatlo, ang sodomyay ang sentral na kasalanang napababa ng apoy mula sa langit: “Gayundin ang Sodoma at Gomorra … nalulong sa kakaibang laman [cf. Gen. 19:4-5], ay inilagay bilang halimbawa, na nagdaranas ng kaparusahan sa apoy na walang hanggan” (Judas 7). Ang pagpapaulan ng Diyos ng apoy at asupre sa Sodoma at Gomorra (Gen. 19:24) ay isang pagsasalarawan ng Impyerno na naghihintay para sa mga walang pagsisising homosexual, at, siyang tunay, sa lahat ng walang pagsisisi (II Pedro 2:6). Pang-apat, ang homosexuality, kapag tuluyan nang natanggap ng ating lipunan (gaya sa panahon natin ngayon), ay walang hiyang ipinaparada: “kanilang ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan na gaya ng Sodoma, hindi nila ikinukubli ito” (Isa. 3:9). Kaya nga ang “kanilang kahihiyan” ay “ang kanilang kapurihan” (Filipos 3:19) kalakip ng lahat nilang labis na kaguluhan sa kanilang parade: Gay Pride parades.
Gayunpaman, ang homosexuality ay hindi di-mapapatawad na kasalanan. Pagkatapos isa-isahin ang mga kasalanan at kasamaan, kasama na ang sodomy (“mga nakikiapid sa kapwa lalaki”), sinasabi ng apostol sa mga mananampalatayang nasa Corinto, “At ganyan ang mga ilan sa inyo noon. Subalit nahugasan na kayo, ginawa na kayong banal, at inaring ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo, at sa Espiritu ng ating Diyos.” (I Cor. 6:9-11). Ito ang daan ng kaligtasan para sa mga homosexual, ang tanging daan ng kaligtasan para sa’ting lahat.
Translated by: Jeremiah Baguhin Pascual
*This is not an official translation of the PRC in the Philippines.
Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito
http://prcaphilippinesaudio.wordpress.com/tagalog/