Menu Close

Si Cristo Ba’yInilubog? / Was Christ Immersed?

     

Brian Crossett

Sinasabi ng mga Baptist na kung gusto nating malaman ang tamangparaan ng pagbabautismo, ang pinakamagandanghalimbawadaw ay si Cristo. At siguradoSiya’yinilubog at hindi binuhusan o winisikan ng tubig.

Sa halip na sundan ang paraan ng pagbasanila sa isang talata ng Biblia na ayon sa palagay ng mga Baptist, mas magandangpag-aralan natin ang Kasulatan at magbigay ng ilang mga punto.

  1. Si Jesus ay nagpabautismo kay Juan noong Siya ay tatlumpung taong gulang na (Lucas 3:21-23).
  2. Pinigilan Siya ni Juan at sinabing siya ang dapat bautismuhan ni Jesus (Mat. 3:14). Anonga naman ang pakinabang ng bautismo ng kapatawaran ng mga kasalanan (Mat. 3:11) kay Jesus na walang kasalanan? Sinagot ni Jesus si Juan, ”Hayaan mong mangyari ito ngayon, sapagkat ganito ang nararapat sa atin upang matupad ang buong katuwiran” (Mat. 3:15). Dumating si Cristo upang tuparin ang lahat ng katuwiran (Deut. 6:25) at ang pagtupad na ito ay nangangahulugan ng pagsunod sa kautusan nang perpekto. Ngunit sinabi ni Cristo na nararapatSiyangbautismuhan sapagkat ”nararapat sa atin upang matupad ang buong katuwiran,” iyon ay hindi lang pumapatungkol sa Kanya kundi kay Juan Bautista din. Samakat’wid, ang pagbabautismo ni Juan kay Cristo ay usapin ng pagtupad sa kautusan, Anong kautusan?
  3. Pagkatapos na linisin ni Cristo ang templo, ang mga punong pari at matatanda ay lumapit sa Kanya at nagtanong, ”Sa anongawtoridad mo ginagawa ang mga bagay na ito, at sino ang nagbigay sa iyo ng awtoridad na ito?” (Mat. 21:23). Hindi iniwasan ni Cristo ang tanong ni binago ang paksanahinihingi ng tanong. Nagtanong Siya ng isang tanong na sasagotagad sa usaping ng Kanyang awtoridad: “sasabihin Ko naman sa inyo kung sa anongawtoridad ginagawa Ko ang mga bagay na ito.Ang bautismo ni Juan, saan ba ito nagmula? Mula ba sa langit o mula sa mga tao?” (Mat. 21:24-25). Ipinantay ni Jesus ang bautismo ni Juan sa Kanyang awtoridad na gawin ang gawain ng pari, ang paglilinis sa templo at pagtuturo sa templo. Ang pagtatalaga lamang ang magbibigay ng awtoridad sa isang lalaki upang gawinniya ang gawain ng pagiging pari. Ito kaya ang tinutukoy ni Jesus?
  4. Itinuturo ng Hebreo 5:4-5 na ang Kinakailangan ng pagtatalaga upang magawa ng isang lalaki ang gawain ng pagkapari: ”At sinuman ay hindi kumukuha ng karangalang ito para sa kanyang sarili, kundi siya ay tinatawag ng Diyos, na gaya ni Aaron. Maging si Cristoman ay hindi lumuwalhati sa Kanyang sarili upang maging pinakapunong pari, kundi itinalaga ng nagsabi sa Kanya, ’Ikaw ay Aking Anak, Ako ngayon ay nagingAmaMo.’” Malinaw na si Cristo ay itinalagakagaya ng kay Aaron.

Ngayontignan natin ang pagtatalaga kay Aaron. Una, sa Mga Bilang 4:47, mababasa natin, “Mulatatlumpung taong gulangpataas hanggang limampung taong gulang, bawat isang karapat-dapat maglingkod at magdala ng mga pasan na may kinalaman sa toldangtipanan.” Mukhang nasa tamangdireksyon tayo (na ang bautismo ni Jesus ay ang Kanyang ordinasyon) sapagkat si Jesus ay may gulang na tatlumpu ng Siya ay nabautismuhan.Pangalawa, paanoitinalaga ang mga Levita at mga pari? Ganito ang sabi ng Mga Bilang 8:6-7, “Kunin mo ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel at linisin mo sila. At ganito ang gagawin mo sa kanila, upang maging malinis sila. Iwisik mo sa kanila ang tubig na panlinis…”

Anongayon ang ating konklusyon? Si Cristo ay itinalagagaya ng kay Aaron.

Si Aaron at Cristo ay parehongtinawag ng Diyos.

Si Aaron at Cristo ay parehongitinalaga nang sila ay nasa tatlumpung taong gulang o higit pa.

Si Aaron at Cristo ay parehongitinalaga ng isang naitalaga na (Moises at Juan Bautista).

Paano sila itinalaga? Si Aaron ay sa pamamagitan ng pagwiwisik ng tubig. Ngayon pwede ba nating sabihin na si Cristo ay inilubog o inilublob? O ang pagtatalaga Niya ay sa pamamagitan ng pagwiwisik?

Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito
http://prcaphilippinesaudio.wordpress.com/tagalog/

Hide Buttons